Catherine Britania – Philippine Spirits https://phspirits.com Your Portal to Philippine Mythology Fri, 26 Feb 2021 07:29:44 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.6.2 https://phspirits.com/wp-content/uploads/2020/05/cropped-Spirits-Logo-JPEG-scaled-1-32x32.jpg Catherine Britania – Philippine Spirits https://phspirits.com 32 32 Bungisngis – Tagalog Translation https://phspirits.com/bungisngis-tagalog-translation/ Tue, 07 Jul 2020 13:11:35 +0000 http://phspirits.com/?p=2911

*Note this story is in Tagalog

“Halika, nandito o!” Tumatakbo si Jason sa taas ng burol. Naramdaman ni Nick na halos sumabog na ang kanyang puso. Hindi siya ang pinaka-atletikong bata at hindi niya gusto na laging ipinapaalala sa kanya iyon, pero ganito lagi ang nangyayari at si Jason ang pinakamatalik niyang kaibigan kaya ang pagtulak sa kanya upang gumawa ng mga bagong bagay ay isang katotohanan ng buhay.

Nahirapan si Nick sa mga huling hakbang ng burol at bumagsak niya nang marating niya ang tuktok. Nasa tabi niya si Jason kagaya ng dati, tinatanong kung ayos lang ba siya, pero ngayon ay mas sabik itong mapatingin si Nick sa baba ng burol. “Ano bang kahanga-hanga dito at nagawa mo akong palakarin sa mga burol at —,“ At nakita ito ni Nick.

Isa iyong sementeryo, pero hindi sa normal na pamantayan. Dose-dosena, maaaring nasa isang daan na mga kalansay ng mga kalabaw ang nagkalat sa paanan ng burol. “O sige, tama ka, kahanga-hanga nga ito,” bulong ni Nick. “Sabi sa’yo e,” sagot ni Jason, “Pero hindi mo pa nakikita yung pinakakahanga-hangang parte.”

Pinangunahan sila ni Jason sa kagubatan ng mga kalansay. Napansin ni Nick na hindi kumpleto ang mga kalansay, may mga malalaking tipak ang mga nawawala, marami rito ay sa bandang likuran. Hindi niya naisip na magandang ideya ito, pero pinagkakatiwalaan niya si Jason at laging nagiging maayos naman ang lahat. Kadalasan.

“Manahimik ka. Nandito na iyon,” bulong ni Jason. “Seryoso?” Tinitingnan ni Nick ang matigas na mukha ni Jason na gustong umakyat. “Ang sabi ko manahimik ka, hindi mo gugustuhing magising iyon.” Inilapat ni Jason ang kamay niya sa bibig ni Nick. “Seryoso ako.”

Walang ano-ano’y yumanig ang lupa. Hinablot ni Jason ang braso ni Nick at hinila siya sa ilalim ng pinakamalapit na puno. “Ano iyon?!” Nagsimulang maging aligaga si Nick. Tumuro si Jason pataas at nakita ni Nick ang dahilan. Nakakatakot iyon. Mas mataas pa iyon sa mga puno at umungol ito ng may boses na parang kulog.

“Hindi tayo makikita njyan mula dito sa ilalim ng puno, dapat tayong maghintay hanggang sa makatulog ulit iyan,” sabi ni Jason. “Nagdala ako ng pagkain.”

Napabuntong-hininga si Nick. Nangyayari talaga ang mga ganitong bagay kapag kasama si Jason

=——————————————————————-=

English Version

“Come on it’s over here!” Jason was running over the hill. Nick felt his heart almost burst. He wasn’t the most athletic child and he didn’t like being reminded of that fact, but this was always how it went and Jason was his best friend so being pushed to do new things was a fact of life.

Nick struggled up the last few steps of the hill and he dropped as soon as he reached the top. Jason was by his side as always, asking if he was okay, but this time he was more exited to get Nick to look below the hill. “What could be so cool that you made me walk through a bunch of hills and—–“ Then Nick saw it.

It was a graveyard, but not by any normal standards. Dozens, maybe hundreds of carabao skeletons were scattered around the foot of the hill. “Okay, you were right, this is really cool,” Nick whispered. “Told you so,” Jason replied, “But you haven’t seen the coolest part.”

Jason led them though the skeletal forest. Nick noticed that the bones were never complete, there were giant chunks of them missing, mostly from the back, he didn’t think this was a good idea, but he trusted Jason and that always worked out fine. Mostly.

“Be very quiet. It’s through here,” Jason whispered. “Seriously?” Nick was looking at the rock face Jason wanted them to climb. “I said be quiet, you don’t want to wake it up.” Jason clamped his hand over Nick’s mouth. “I’m dead serious.”

Suddenly the ground shook. Jason grabbed Nick’s arm and he dragged him under a nearby tree. “What was that?!” Nick was starting to get frantic. Jason pointed upwards and Nick saw the cause. It was terrifying. It towered over the trees and it roared with a voice like thunder.

“It won’t see us from under this tree, we should wait until it goes back to sleep again,” Jason said. “I brought food.”

Nick sighed. Stuff like this always happened with Jason.

=——————————————–=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Tagalog translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania

Inspired by the Bungisngis entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971. and in 101 Kagila-gilalas na Nilalang. Samar. 2015

Bungisngis Illustration by Leandro Geniston fromAklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen

]]>
Pili – Tagalog Translation https://phspirits.com/pili-tagalog-translation/ Sat, 14 Mar 2020 12:32:57 +0000 http://phspirits.com/?p=1932

*Note this story is in Tagalog

Iniiwasan ni Aguihao ang tingin ng mumbaki habang hawak niya ang telang nakabalot sa kanang braso niya.

“Nagulat ako sa lakas ng loob mong magpunta sa akin para humingi ng tawad sa espiritu,” sinasabi ng mumbaki habang nakatingin sa braso ni Aguihao.

“Ginawa ko ang kinakailangan kong gawin para sa aking pamilya,” sagot ni Aguihao, na piniling tumingin sa lupa kaysa harapin ang mumbaki ng mata sa mata.

“Niluraan mo ang tradisyon ng ating mga ninuno! Sa ganitong paraan tayo namuhay sa loob ng ilang henerasyon at kinukuwestiyon mo ito?!”

“Hindi mo naiintindihan! Hindi mo alam kung gaano ka kasuwerte na hinahayaan mong magsalita ang mga espiritu sa pamamagitan mo habang ang mga katulad ko ay kailangang magtrabaho araw-araw dahil sa inyong ‘mga batas’.”

“Ang mga batas na iyon ay pinamamahalaan ng mga espiritu, at ang pagsuway sa kanila ay pagsuway sa tadhana.”

“Ang tadhana mo siguro, pero hindi ang sa akin.”

Napuno ng katahimikan ang paligid at binasag ito ng mumbaki.

“Tanggalin mo iyan,” utos niya kay Aguihao.

Ang mga suson ng tela ay nagbigay daan sa isang nagnananang, magang sugat. Halos hindi maitago ng mukha ni Aguihao ang sakit at sa unang pagkakataon ay tumingin siya sa mga mata ng mumbaki. May pagkahabag doon at maliit na kirot ng panghihinayang.

“Sabihin mo sa akin ang kuwento mo,” sabi ng mumbaki.

“Nagsimula ito sa pagkamatay ng aking asawa.”

“Naaalala ko iyon. Dumalo ang mombangol.”

“Oo, at nawala ang lahat sa akin. Kinailangan kong isangla ang mga ari-arian ko para makahanap ng pera para sa lamay.”

“Lahat tayo ay kailangang sundin ang mga ritwal. Sa loob ng limang araw, kailangang mag-alay ng mga baboy at mga kalabaw sa mga diyos at mga espiritu.”

“Walang saysay ang pagkuha mula sa mga walang-wala.”

“Ang kaluluwa ay imortal. Dapat nating gawin ang lahat ng ating makakaya para masigurong mahahanap nito ang lugar nito sa buhay pagkatapos ng buhay na ito.”

“Sa loob ng limang araw na iyon ay pinagluksa namin siya at iniupo siya sa hangdel.”

“At ginawa ninyo ang nararapat base sa ating mga tradisyon.”

“Ngunit hindi ito makatarungan! Mas kaunti na lang ang natira sa akin kaysa sa kung ano ang mayroon ako dati.”

“Hindi lang ito tungkol sa lamay, ‘no?”

“Oo, hindi lang ito tungkol doon.”

“Sabihin mo sa akin ang natitira pa sa kuwento mo.”

“Panglima akong anak ng aking mga magulang. Walang tigil sila sa pagtatrabaho para makapag-ipon ng mga ari-arian para sa kanilang mga anak, at sa kanilang pagpupursigi ay nakaipon sila ng limang palayan at kagubatan. Noong ikakasal ang kuya ko, kinuha niya ang kalahati sa tatlong kapat ng mga ari-arian. At ang natira ay hinati para sa ate ko at isa ko pang kuya. Binigay pa nga sa ate ko ang bahay. Walang naiwan para sa aming mga natira.

“Mapanganib ang tinatayuan mo ngayon. Ang pagkuwestiyon dito ay pagkilos laban sa pagkakaisa. Ang pagkakataon ng isang tao sa buhay ay datapwa’t isang maliit na sakripisyo upang matiyak na nasusunod ng mga tradisyon.”

“Nakalubog ako sa utang na susundan ako hanggang sa kamatayan, na mamanahin ng aking mga anak at ng aking mga apo. Ginawa ko ang makakaya ko para bigyan sila ng pagkakataon.”

“Kaya ba pumunta ka sa bahay ng kuya mo?”

“Sagana naman siya, hindi niya mapapansin ang kaunting perang mawawala. Kailangan ko lang ng maliit na halaga.”

“At nahuli ka ng espiritu.”

“Hindi ko alam na hinimok ng kuya ko ang espiritu na protektahan ang kanyang mga ari-arian.”

“Susubukan mo pa rin bang magnakaw kahit alam mo?”

“Oo, kung para sa pamilya ko.”

Muling napuno ng katahimikan ang paligid, pero sa pagkakataong ito, si Aguihao ang bumasag nito.

“Paalam, mumbaki. Nakikita ko sa iyong mga mata na hindi lang bahay ng kuya ko ang pinanghimasukan ko, kung hindi pati na rin ang mga tradisyon ng ating tribo. Labis ang paghingi ng kapatawaran para sa dalawang ito, at ito ang magiging penitensiya ko.”

Noong tumayo si Aguihao para lumakad palayo, itinaas ng mumbaki ang kamay nito.

“Manatili ka,” sabi ng mumbaki.

“Gagawin mo na ang ritwal?” tanong ni Aguihao.

“Alam mo bang isa ako sa mga natitirang mumbaki sa ating probinsiya?”

“Narinig kong paunti nang paunti ang mga taong gustong maging mumbaki.”

“Maaaring tanda ito ng mga oras, o maaaring hindi na hinahayaan ng mga espiritu na sila ay marinig. Namamatay na ang mga dating kinagawian, Aguihao. Mas gusto ng mga bata ngayon ang isang pirasong papel na nagsasabing sila ay “edukado” kaysa pag-aralan ang mga dasal at awit ng ating bayan. Nakikipag-usap sila sa diyos nilang may tatlong persona sa isa at sumasamba sa mga templong bato.”

“Kasalanan ba nila iyon? Ano pa ba ang natitira dito para sa atin?”

“Maaaring nararamdaman mong wala na, pero pinakamalakas ang alingawngaw ng mga espiritu sa katahimikan.”

Tumayo ang mumbaki at hinawakan ang braso ni Aguihao.

“Sa ngayon, kailangan natin ng manok.”

=—————————————————————–=

English Version

Aguihao avoids the gaze of the mumbaki* as he clutches the fabric covering his right arm.

“I am amused by the nerve you have coming to me to ask for the spirit’s forgiveness,” the mumbaki says as he looks at Aguihao’s arm.

“I did what I needed to do for my family,” Aguihao answers, preferring to look at the ground than meet the mumbaki eye to eye.

“You spit on the traditions of our ancestors! This is the way we have lived for generations and you dare question this?!”

“You don’t understand! You don’t know how lucky you are to let the spirits speak through you while those like me have to toil day after day because of your ‘laws’.”

“Those laws are governed by the spirits, to go against them is to go against destiny.”

“Your destiny maybe, but not mine.”

A pang of silence fills the air and is broken by the mumbaki.

“Take it off,” he commands Aguihao.

The layers of fabric give way to a swollen wound leaking pus. Aguihao’s face barely hides the pain and for the first time looks into the mumbaki’s eyes. There is pity there and a small twinge of regret.

“Tell me your story,” said the mumbaki.

“It started with the death of my wife.”

“I remember that. The mombangol** attended.”

“Yes, and I lost everything. I had to mortgage my property to find the funds for the vigil.”

“We all must follow the rituals. For five days pigs and carabaos must be offered to the gods and spirits.”

“It makes no sense to take from those who have nothing.”

“The soul is immortal. We must do all we can to make sure it finds its place in the life after this life.”

“For those five days we mourned her and sat her upon the hangdel***.”

“And you have done as you must do based on our traditions.”

“But it’s not fair! I have even less than what I had before.”

“This is not just about the vigil is it?”

“No, it is not.”

“Tell me the rest of your story.”

“I am the fifth child of my parents. They had worked tirelessly to save property for their children and through their trials they had accumulated five rice fields and forests. When my older brother was to be married, he got one half of three fourths of the property. And the rest was divided among my eldest sister and my other brother. They even gave my eldest sister the family home. The rest of us were left with nothing.”

“You tread on dangerous ground. Questioning this is acting against unity. One’s chance in life is but a small sacrifice to ensure that the traditions are upheld.”

“I am in a debt that will follow me until I die, that my children and their children will inherit. I did what I could to give them a chance.”

“Is that why you went to your brother’s house?”

“He has so much, he wouldn’t notice some money missing. I just needed a small amount.”

“And then the spirit caught you.”

“I did not know that my brother had the spirit invoked to protect his belongings.”

“Would you have tried to steal had you known?”

“Yes. If only for my family.”

Another spate of silence filled the room, but this time it was Aguihao that broke it.

“Goodbye, mumbaki. I can see it in your eyes that I have trespassed not only on my brother’s property but also on the traditions of our tribe. It is much too much to ask forgiveness for both, and this would be my penance.”

As Aguihao stood to walk away the mumbaki raised his hand.

“Stay,” the mumbaki intoned.
“Will you do the ritual then?” Aguihao asked.

“Do you know I am one of the last mumbaki among our provinces?”

“I have heard that less and less people were taking up the mantle of the mumbaki.”

“It may be the sign of the times, or maybe the spirits aren’t letting themselves be heard. The old ways are dying Aguihao. The young would rather have a piece of paper that says they are ‘educated’ than committing to learning the prayers and chants of our people. They speak to their god with three natures in one and worship in stone temples.”

“Is it their fault? What is there that is left for us here?”

“You may feel that there is nothing here, but the spirits echo loudest in the silence.”

The mumbaki stands up and clutches Aguihao’s arm.

“For now, we will need a chicken.”

=——————————————————————————————————————=

*Mumbaki/Mombaki are shamans in Ifugao culture.

**The chief mumbaki.

***An improvised chair constructed under the house.

Written by Karl Gaverza
Translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania

Inspired by the Pili description in Gibson’s Sacrifice and Sharing in the Philippine Highlands (London School of Economics Monographs on Social Anthropology,n.57); The Athlone Press: London, UK, 1986.

Pili Illustration by Alvin Gasga

FB: The Art of Alvin Gasga

]]>
The King of the Fireflies – Tagalog Translation https://phspirits.com/the-king-of-the-fireflies-tagalog-translation/ Mon, 18 Nov 2019 06:47:03 +0000 http://phspirits.com/?p=1769

*Note this story is in Tagalog

Isang gabi, sa may puno ng anislag, sinimulan ng mga alitaptap ang gabi-gabi nilang ritwal. Sa kanilang pagkakaalala, iniilawan nila ang langit ng mga sayaw na papantay sa mga pinakamagagandang konstelasyon. At sino pa bang mamumuno sa kanila kundi ang kanilang hari? Sasayaw ang rehente ng mga alitaptap kasama ng kanyang mga pinamumunuan upang makabuo ng isang makapigil-hiningang pagpapakita ng kaningningan.

Habang naghahanda ang hari para sa sayaw, napansin niyang ang isa sa mga alitaptap ay hindi pa nakailaw. “Batang alitaptap,” ang sabi niya, “Bakit hindi ka pa nakailaw gaya ng iyong mga kapatid?”

“Panginoon ko, hindi ko po naiintindihan kung bakit natin ginagawa ito. Hindi ba’t matutunton tayo ng ating mga kalaban kapag pinakita natin ang ating mga liwanag? Nagbabala ang mga kuliglig na gagawin tayong malinamnam na meryenda ng mga palaka, gagamba, at mga ibon kapag pinakita natin ang ating mga sarili.”

“Bakit tayo magtatago kung ang ating mga ilaw ang pinakamagandang parte ng gabi? Dapat tayong magbigay ng liwanag sa madidilim na lugar. Bawat isa sa atin ay may kasiglahang hindi maitatanggi. Nararamdaman mo rin ito, hindi ba?”

“Nararamdaman ang alin, panginoon ko?”

“Ang pag-aasam na ilawan ang langit. Nasa puso iyon ng lahat ng mga alitaptap. Makikita tayo ng ating mga kalaban, iyan ay totoo, titingnan nila ang ating mga liwanag at hahangaring pagdilimin ang mga ito, pero iyon ay maliit na kabayaran upang mapakanta ang ating mga kaluluwa palabas ng kadiliman.”

Hindi pa rin maintindihan ng batang alitaptap ang nais sabihin ng hari, takot na takot siyang mamatay. Hindi niya matanggap sa kanyang puso ang mga salita ng kanyang hari at pinagdilim niya ang kanyang ilaw.

Noong gabing iyon, nagsayaw ang mga alitaptap ngunit may maliliit na aninong makikita mula sa malayo. Mukhang nakakahawa ang takot na nadama ng batang alitaptap. Maririnig ang bulong-bulungan mula sa mga alitaptap na pipiliin ang kaligtasan ng dilim kaysa ang pakikipagsapalaran sa liwanag.

Nagpatawag ng pagpupulong ang hari ng mga alitaptap para pag-usapan ang sitwasyon.

“Ang sinasabi lang po namin ay dapat maging maingat tayo sa gabi,” sabi ng batang alitaptap. “Ayaw po naming maging susunod na kakainin ng gagamba.”

“Bakit mo ginagawa ito, batang alitaptap?” tanong ng hari.

“Natatakot ako, panginoon. Ayokong makuha sa akin ang aking liwanag magpakailanman.”

“Pero hindi ba’t iyan ang ginagawa mo sa iyong sarili?”

“Pwede pa rin tayong magliwanag, pero sa mga ligtas na lugar lamang. Iyon dapat ang maging bago nating kautusan!” Ang buong-pagmamalaking sabi ng batang alitaptap.

“Alitaptap, kailangan nating magliwanag sa kadiliman, dahil ginawa tayo para roon. Bakit mo kailangang maghanap ng mga tanda para magliwanag, kung tayo naman ang mga bituin na kailangang maghanay?”

“Hindi ko pa rin naiintindihan, panginoon.”

At sa oras na iyon, napagtanto ng hari ng mga alitaptap ang kailangan niyang gawin.

Nagliwanag siya nang mas maliwanag pa sa buwan, at umali-aligid sa labas ng puno ng anislag. Sumigaw ang batang alitaptap, “Panginoon! Makikita nila kayo. Pakiusap, huwag kayong magliwanag pa!”

Ngunit walang saysay iyon, ang liwanag ng hari ay umabot sa kagiliran at sa paligid, ang mga paniki, gagamba, at maging ang mga panggabing ibon ay lumipad patungo sa nagniningning na liwanag.

Hindi mapaniwalaan ng batang alitaptap ang sunod na nangyari. Sa buong paligid, nagsayaw ang iba pang mga alitaptap kasama ang kanilang hari at nakabuo sila ng isang bagyo ng kaliwanagan. Nakatayo lang ang mga kalaban, nabighani sa tanawin at isa-isang sumali sa sayaw.

Ikinampay ng mga ibon at paniki ang kanilang mga pakpak, gumalaw ang mga palaka sa ritmo, at ang mga gagamba ay umikot samantalang binibigyang-liwanag ng mga alitaptap ang kadiliman.

At sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, sa wakas ay naintindihan na ng batang alitaptap.

Kapag ipinadala mo ang iyong dagitab, magiging parte ka ng isang mas dakilang layunin.

Hindi na siya naghintay pa ng sagot.

Nagliwanag siya.

At sumigaw ang kanyang kaluluwa sa mga anino, “Hindi ko hahayaang makuha ninyo ito sa akin!”

Maaalala magpakailanman ng kagubatan at ng lahat ng nilalang na tumuturing sa kagubatan na tahanan ang kwento ng batang alitaptap na takot sa kanyang sariling liwanag. Maging ang mga kalaban ay magbabalik-tanaw sa kalawakan ng liwanag sa harap ng puno ng anislag, habang nasasaisip na mayroong apoy sa loob nila na hindi nila maitatanggi.

Ngayon at magpakailanman.

 


One night by the anislag tree the fireflies began their nightly ritual. For as long as any of them could remember they would light up the sky with dances that rivaled the most beautiful of constellations. And who else would lead them but their king?
 
The regent of the fireflies would dance with his subjects creating a breathtaking display of luminescence.
 
As the King prepared for the dance he noticed that one of the fireflies was not lighted. “Young firefly,” he said, “Why do you not light up with your brethren?”
 
“My lord, I do not understand why we do this, won’t showing our light attract predators? I was warned by the crickets that frogs, spiders and birds would make us a tasty snack if we show ourselves.”
 
“Why should we hide when our light is the most beautiful part of the night? We must bring light to the dark places. Each of us has a spirit that cannot be denied. You feel it too don’t you?”
 
“Feel what my lord?”
 
“The need to light the sky. It is in the heart of all fireflies. Predators will see us, that much is true, they will look at our lights and seek to snuff them out, but that is a small price to pay to have our souls sing out in the darkness.”
 
The young firefly still couldn’t understand what his King was trying to say, he was much too afraid of dying. He could not take his King’s words to heart and dimmed his light.
 
That night the fireflies danced but small flecks of shadow could be seen from a distance. It seemed that the young firefly’s fear was contagious. Whispers could be heard from all around that fireflies would rather have the safety of darkness than the risk of the light.
 
The King of the fireflies called a meeting of his subjects to discuss the situation.
 
“All we are saying is that we should be careful in the night,” said the young firefly “We do not want to be a spider’s next meal.”
 
“Why do you do this, young firefly?” the King asked.
 
“I am scared my lord, I do not want my light to be taken forever.”
 
“But is that not what you are doing to yourself?”
 
“We can still light up, but only in safe places. That should be our new rule!” The young firefly said with confidence.
 
“Firefly, we must shine into the darkness, for that is what we were made for. Why must you look for signs to light up when we, ourselves, are the stars that must align?”
 
“I still don’t understand, my lord.”
 
And it was then that the King of the fireflies knew what he had to do.
 
He lit up, brighter that the moon and hovered outside the anislag tree. The young firefly cried out “My lord! They will see you, please do not light yourself up!”
 
It was no use of course, the King’s light touched the horizon and all around bats, spiders, even night birds flew towards the dazzling glow.
 
The young firefly couldn’t believe what happened next. All around the other fireflies danced with their King forming a hurricane of phosphorescence. The predators stood, enthralled by the spectacle and one by one joined in the dance.
 
The birds and bats flapped their wings, the frogs moved to the rhythm and the spiders twirled as the fireflies brought light to the darkness.
 
And deep within his soul, the young firefly finally understood.
If you send out your spark you will become a part of something greater.
 
He did not wait for a reply.
 
He shined.
 
And his soul cried out to the shadows, “I will not let you take this from me!”
 
The forest would forever remember the story of the young firefly who was afraid of his own light and all those that called the forest home, even the predators would think back to the galaxy of lights in front of the anislag tree, knowing in that moment that they had a fire inside themselves that they would not deny.
 
For now and forever.
 
———————————————————————————

 

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania
 
Inspired by The King of the Fireflies description in Bikol Beliefs and Folkways: A Showcase of Tradition. Nasayao 2010.
 
The King of the Fireflies Illustration by Edrian Paolo T. Baydo
 
Color by Alexa Garde
Website: Lexa.us
]]>
Kelita’s Engkanto – Tagalog Translation https://phspirits.com/kelitas-engkanto-tagalog-translation/ Mon, 17 Sep 2018 12:16:51 +0000 http://phspirits.com/?p=1238

 

*Note this story is in Tagalog

Hindi niya napansin ang nagdurugo niyang paa, o ang katotohanang muntik na siyang matutong sa init. Ang tanging naiisip niya ay ang binatang naglalakad sa tabi niya. Ito ang katuparan ng mga pangarap, masyadong literal. Hindi pa niya alam noon, na ang paglimot ay nakabalot sa kagandahan.

Nag-aalala ang mga magulang ni Kelita. Hindi ito katulad niya na biglaan na lang iiwan ang kanyang mga gawain bago mag-takipsilim. Naghanap sila sa Ogahong, sinubukang hanapin ang pinakamamahal na anak, hanggang sa may isang kapitbahay na nagsabi na nakita raw niya ito kasama ang isang matipunong binata.

Nasa may ilog na sila, isang kalmadong liko-likong daluyan ng tubig na nagpangiti sa kanya. Bigla na lamang ang suot na niya ay isang mahabang bestida, ngunit hindi niya naaalala ang pagpapalit. Nababalot ito sa pinakamagagandang perlas na nakita niya at ang kanyang kasama ay nakasuot ng napakagandang barong. Ito ang palagi niyang inaasam.

Ang mga magulang ni Kelita ay hinagilap ang kahit sinong maaaring tumulong at nagmadali patungong kagubatan. Hindi nila hahayaang makuha ng nilalang na iyon ang kanilang dalaga. Batid nilang ang kagandahan ng anak ay makahuhumaling ng mga hindi karapat-dapat na lalaki, hindi nila napagtanto na kailangan itong balaan tungkol sa isang espirito sa kagubatan.

Sumayaw siya sa malapad na kalsada, nakangiti palagi. Iyon ay parang isang pagmamadali na makuha ang lahat ng iyong mga hinahangad at hiniling niya na hindi na ito magwakas. Tumama ang paa niya sa isang bato at napasigaw ng “Hesus!”.

Saka natapos ang panaginip.

Namamaos na ang kanyang mga magulang sa kasisigaw. Ang ingay na iyon ang natatanging paraan upang mahanap sila ni Kelita, at ipinagdasal nila na hindi pa huli ang lahat. Ang bawat palo sa tambol at lata ay nagdadala ng piraso ng kanilang pag-asa, nakalipas na ang isang araw pero alam nilang pagbibigyan ang kanilang dasal. Kahit papaano, alam nila.

Hindi makapagsalita si Kelita, hindi kaagad. Nasa kagubatan siya, iyon ang alam niya, pero ang lahat ng iba ay malabo. Paano siya napunta dito? Nasaan na ang binata? Bakit hindi siya makapagsalita? Ang tanging nararamdaman niya ay ang malubhang sakit sa kanyang paa.

Sa wakas ay narinig na nila ito. Matapos ang ilang oras na paghahanap ay narinig nila ang boses ng anak at ito ang pinakamagandang tunog na narinig nila. Kinarga ng ama ang anak at natulog ito sa kanyang mga bisig.

Doon nalaman ni Kelita na siya ay minamahal.


She didn’t notice her bleeding feet, or the fact that she had almost been sunburned to a crisp. All she could think about was the young man walking beside her. He was what dreams were made of, all too literally. She didn’t know it then, that oblivion was wrapped in beauty.

Kelita’s mother and father were worried. It wasn’t like her to just abandon her chores right before sunset. They searched around Ogahong, trying to find their precious daughter, until one neighbor said he saw her with a handsome young man.

They were by the river now, a calm twisting waterway that made her smile. She was somehow wearing a long dress, but she didn’t remember changing. It was covered in the most beautiful pearls she had ever seen and her companion was wearing a very dapper barong. This was what she always wanted.

Kelita’s parents grabbed whoever could help and rushed to the forest. They would not let their girl be taken by that creature. They always knew her beauty would attract undesirable young men, they never realized they had to warn her against a spirit of the forest.

She danced along the wide road, smiling along the way. It was a rush to have all your desires come true and she wished it would never end. He foot struck a rock and she exclaimed “Jesus!”.

It was then that the dream was over.

Her parents’ voices were hoarse from shouting. The noise was the only way they could make Kelita find them, they prayed they weren’t too late. Each beating of the drums and cans took a little bit of their hope with them, it had already been a day but, they knew their prayers would be answered. Somehow they knew.

Kelita could not speak, not at first. She was in the forest, that much she knew, but everything else was a blur. How did she get here? Where was the handsome young man? Why wouldn’t her voice work? All she could feel was the pain from her feet crashing down upon her.

They finally heard it. After hours of searching they heard their daughter’s voice and it was the most beautiful sound they could think of. Her father picked her up and she fell asleep in her arms.

Kelita knew then that she was loved.

————————–————————–———————

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Tagalog translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania

Story adapted from “Kelita and Her Enchanted Lover.” from Negros Oriental and Siquijor Island Legends, Beliefs and Folkways. Aldecoa-Rodriguez. 2000.

Kelita’s Engkanto Illustration by Marc Magpantay
FB: Murcy Murc Art
Tumblr: Glassy-draws.tumblr.com

]]>
Aswang (Capiz) – Tagalog Translation https://phspirits.com/aswang-capiz-tagalog-translation/ Tue, 20 Mar 2018 12:34:51 +0000 http://phspirits.com/?p=877

 

*Note this story is in Tagalog

Bakit mo kailangang matakot sa kamatayan?

Hayaan mong kwentuhan kita.

Noong unang panahon, may isang mayamang babaeng nakatira sa gilid ng dagat. Ayaw niya nang may bumibisita sa kanya sapagkat gusto niya ang katahimikang naibibigay sa kanya ng kanyang malaking bahay. Ginugugol niya ang kanyang mga araw at gabi sa tabi ng dagat, binibilang ang bawat bituin at bawat butil ng buhangin.

Meron lamang siyang iisang kabigan, ngunit hindi katulad ng sinumang tao sa mundo, dahil hindi ito isang tao. Ang anino ng kamatayan ay sinasamahan siya upang maibsan ang kanyang kalungkutan. Una silang nagkita noong kinuha ng anino ng kamatayan ang ina ng babae. Hindi siya takot, ‘di tulad ng karamihan sa mga tao, at binati pa ang anino ng may paggalang.

“Bakit hindi ka tumatakbo dahil sa takot?” Ang tanong ng anino. “Isa kang parte ng kung anong nagpapaganda sa buhay.” Ang sagot ng babae.

Ang anino ng kamatayan ay hindi kailanman natawag ng maganda at ito ay nanatili hanggang sa matapos ng babae ang larao, ang seremonya ng ritwal para protektahan ang katawan ng kanyang ina mula sa mga nagbabalak na gawan ito nang masama pagkatapos ng kamatayan. Noon din ay nahulog ang anino para sa babae, sapagkat hindi pa ito nakakikilala ng isang taong nirerespeto ang kamatayan na katulad ng ginawa niya.

Ang anino ng kamatayan ay seloso at gusto nitong sa kanya lamang ang babae. Sinundan niya ito sa tabing-dagat at napagplanuhang lunurin ang babae, upang manatili na ang babae sa yakap ng kamatayan magpakailanman.

Ngunit hindi hangal ang babae, at alam niya kung ano ang pinlano ng anino. Umalis siya sa kanyang bahay at bumisita sa kanyang lola. Palibhasa’y ang matandang babae ay may dakilang kapangyarihan na tinanggihan dati ng kanyang apo. Wala nang pagpipilian ang babae, dahil mabilis na dumarating ang anino ng kamatayan.

Nang makasunod na ang anino sa babae, ito ay nagulat. Ang babae ay hindi na maaaring mamatay, hindi na niya malalaman ang yakap ng anino.

Ngunit hindi iniwan ng babae ang anino ng kamatayan. Alam niya ang kataksilan ng pinagkatiwalaang kaibigan, at hindi siya magpapahinga hanggang hindi siya nakapaghihiganti. Sa tuwing hindi nirerespeto ang kamatayan sa pamamagitan ng larao, ay naroon siya. Nilalapastangan ang kung anumang magiging premyo ng anino.

Hindi mo dapat katakutan ang kamatayan.

Katakutan ang kung ano ang susunod.

————————–————————–————————–

Why should you fear death?

Let me tell you a story.

A long time ago, there was a rich woman who lived by the sea. She would not have any visitors, for she liked the quiet that her large house gave her. She would spend her days and nights by the beach, counting each star and each grain of sand.

She had but one friend, not like any person in the world, for it was not a person at all. The shadow of death would spend time with her to ease her loneliness. They first met when death’s shadow claimed the woman’s mother. She was not afraid as most people would have been and greeted the shadow politely.
“Why are you not running in fear?” The shadow asked. “You are part of what makes life beautiful.” The woman answered.

Death’s shadow had never been called beautiful before and it stayed until the woman finished the larao, the ritual ceremony to protect her mother’s body from those that would harm it after death. The shadow fell in love with the woman then, for it had never met a human who respected death such as she did.

Death’s shadow was a jealous thing and it wanted the woman all to itself. It had followed her to the seaside and had planned to drown the woman, so that she may be in death’s embrace forever.

The woman was no fool, though and knew what the shadow had planned. She left her house and visited her grandmother. For you see, the old woman had great power that was once rejected by her granddaughter. The woman had no choice, death’s shadow was approaching.

When the shadow caught up to the woman it was surprised. She had become deathless, she would never know the shadow’s embrace.

The woman would not leave death’s shadow though. She had known the betrayal of a trusted friend, and she would not rest until she had her revenge. Every time death was not respected through the larao, she would be there. Desecrating what would have been the shadow’s prize.

You should not fear death.

Fear what comes after.

————————–————————–————————–

Written by Karl Gaverza
Tagalog translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania

Inspired by the Aswang (Capiz) description in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Aswang (Capiz) Illustration by Leandro Geniston from Aklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen

Watercolor by Catherine Chiu
FB: Wildling Child
IG: https://www.instagram.com/wildlingchild/

]]>
Dayamdam – Tagalog Translation https://phspirits.com/dayamdam-tagalog-translation/ Wed, 07 Mar 2018 10:48:12 +0000 http://phspirits.com/?p=848

 

*Note this story is in Tagalog

“Kwentuhan mo naman ako tungkol sa puno mo,” ang sabi ng bubuyog sa dayamdam.

“Ito lang naman ang pinakamagandang puno sa buong mundo!” Pagmamalaki ng dayamdam. Alam nito na walang ibang puno sa kagubatang iyon ang makapapantay sa kagandahan ng kanyang puno. Mayroon itong maririkit na bulaklak na namumukadkad tuwing tag-araw. At kapag namunga ito, ay! Ang matamis na amoy nito ang pinaka-kapuri-puring bagay na naamoy ng sinuman.

Nagtanong ang bubuyog, “At ano sa mga tao? Gano’n din ba ang kanilang mga saloobin tungkol sa puno?”

“Alam mo naman ang mga tao,” sagot ng dayamdam. “Laging sarili ang iniisip. Ni hindi nga nagpapaalam kapag kumukuha ng prutas mula sa puno ko.”

“Ang sama naman!” sigaw ng bubuyog.

“Walang modo ‘tong mga taong ‘to.” Mapanghamak na sabi ng dayamdam.

Nang maglaon, biglang nanginig ang buong puno. Lumipad ang bubuyog patungo sa kaligtasan, subalit nanatili ang dayamdam sa mga sanga ng kanyang puno.

“Umalis ka na riyan!” sigaw ng bubuyog.

“Ano’ng nangyayari?!” sigaw ng dayamdam.

“Ang mga tao! Pinuputol ng mga tao ang iyong puno!” Sinubukang tulungan ng bubuyog ang dayamdam pero napakaliit nito upang buhatin ang nilalang. Pinilit pa ring makatulong ng bubuyog sa pamamagitan ng pagkagat sa mga tao samantalang pinuputol nila ang puno, ngunit hindi ito naging sapat.

“Tumakbo ka na, kaibigan! Tumakbo ka nang malayo!” Sigaw ulit ng bubuyog.

Subalit alam ng bubuyog na hindi iiwan ng kaibigan niya ang puno. Dahil para sa dayamdam, ang punong iyon ay higit pa sa isang simpleng bahay. Ang punong iyon ang buong buhay niya – ang mga sanga ang kanyang mga ugat at ang mga bulaklak ang kanyang puso. Gumagawa ito ng damit mula sa mga dahon ng puno at gugulin ang buong buhay nito sa pagitan ng katawan ng puno at bunga nito.

Nakatingin lamang ang bubuyog sa punong pinatumba ng mga kamay ng mga tao, at kung ito man ay makaiiyak, iiyak ito para sa natumbang kaibigan. Umangkin ng mas marami sa isang biktima ang mga tao nang araw na iyon, at kikilalanin ng kagubatan iyon.

Nang gabing iyon, umalingawngaw sa mga puno ang mga kanta ng dayamdam, inaalalang parati ang pinakamagandang puno sa kagubatan.

————————–————————–————————–——–

English Version

“So tell me about your tree,” said the bee to the dayamdam.

“Well, it’s the best tree in the world of course!” The dayamdam said proudly. It had known that no other tree in the forest could match the beauty of its tree. It had beautiful flowers that bloomed in the summer and when it bore fruit! Oh was the sweet smell the most ravishing thing any being had ever smelled.

The bee asked “What of the humans? Do they share your thoughts on the tree?”

“You know how humans are,” the dayamdam replied. “Always thinking of themselves. They don’t even ask for permission when gathering fruit from my tree.”

“How rude!” the bee exclaimed.

“These humans don’t have any manners” the dayamdam said haughtily.

Just then, the entire tree shook. The bee flew away to safety, but the dayamdam stayed in the branches of its tree.

“You must run away!” The bee shouted

“What is happening?!” The dayamdam cried out.

“The humans! The humans are cutting your tree.” The bee tried to help the dayamdam but it was too small to carry the creature. The bee still tried to help its friend by stinging the humans as they tried to cut the tree down, but to no avail.

“Run my friend! Run far away!” The bee exclaimed again.

But the bee knew that its friend would never leave the tree. For the dayamdam, the tree was more than just a simple home. The tree was its entire life the branches its veins and the flowers its heart. It would make clothes from the tree’s leaves and spend the entirety of its lifetime in between the bark and the fruit.

The bee stared as the tree was felled by human hands and if it could cry it would shed a tear for its fallen friend. The humans claimed more than one victim that day, and the whole forest would acknowledge that.

That night the trees echoed with the songs of the dayamdam, forever remembering the most beautiful tree in the forest.

————————–————————–——————–

Written by Karl Gaverza
Tagalog translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania

Inspired by the Dayamdam description in Myth Museum. Medina. 2015.

Dayamdam Illustration by Kayla Teodoro
Tumblr: mikaylateodoro.tumblr.com

]]>
Mambabarang – Tagalog Translation https://phspirits.com/mambabarang-tagalog-translation/ Fri, 23 Feb 2018 11:03:40 +0000 http://phspirits.com/?p=810

 

*Note this story is in Tagalog

“Isa na namang salagubang, siguro sampu na iyon.” Halos natawa siya sa pagkakataong iyon, at tatawa talaga siya, kung hindi lang talaga sobrang sakit. Sa pagkakataong iyon, lumabas ito sa kanyang kanang balikat, “Buti na lang hindi ulit sa mukha.” Nagpapasalamat siya sa Diyos para sa maliliit na pabor, ngunit sa tingin niya ay hindi Siya nakikinig.

Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya para danasin ito, hindi niya alam kung sino ang ininis niya, sapat para magdusa nang ganito, pero ito na siguro ang buhay niya ngayon, araw-araw nagkakamot ng ilang parte ng kanyang katawan, at araw-araw makakahanap ng panibagong kulisap na lalabas sa balat niya.

Hindi naman palaging ganito. Noong mga nakaraang buwan ay isa siyang mag-aaral na may magandang hinaharap. Ang akala niya ay magiging isa siyang accountant; hindi siya nanigarilyo, hindi nagmura, at hindi rin nagsabi ng masamang bagay sa kahit kanino. Pero isang araw, nangyari na lang, mabagal sa una, tapos ay nagpatuloy.

Nagsimula sa bahagyang pamamaga. Inakala niyang allergy attack lang ito at ininuman niya ng antihistamine, at dumating ang mga pigsa. Hindi masabi ng mga doktor kung ano ang mali sa kanya. Ang bawat gamot na ibinibigay nila ay unti-unting nawawalan ng bisa hanggang sa maging mga butil na lang sila ng huwad na pag-asa.

Ang unang kulisap ay isang gamu-gamo. Ito ay parang isang panaginip. Ang pangangati ay halos hindi na maikakaila, ang dugo ay nakuha mula sa kanyang mga pisngi, at may ilaw na nagmula sa loob niya. Nagkamot siya nang nagkamot hanggang sa mamula ang kanyang mga kuko at lumabas ang insekto. Maganda sana ito kung hindi lang napakasakit.

Subalit ito na ang buhay niya ngayon, hindi niya alam kung paano siya napunta rito, pero alam niya na may pag-asa pa siya. Siguro isang araw, matatapos din ito. Isang araw, kung saan hindi siya makakahanap ng anumang gumagalaw sa loob niya. Isang araw, kung saan walang lilipad mula sa balat niya.
Hanggang sa araw na iyon, aasa siya at magdadasal na matapos na ang kanyang pagdurusa.

Umaasa siyang may makakarinig ng dasal niya.

————————–————————–————————–

English Version

“Another beetle, I guess that makes ten,” He almost laughs this time, and he would if it didn’t hurt so much. This time the thing came out of his right shoulder, “At least it wasn’t my face again,” he thanks God for small favors, but he doesn’t think He’s listening.

He didn’t know what he did to deserve this, he didn’t know who he pissed off enough that he would be cursed this way, but maybe this was his life now, every day scratching some part of his body, and every day finding some new bug that crawls out of his skin.

It wasn’t always like this. Months ago he was a promising student with a great future. He thought he was going to be an accountant; he never smoked, never swore and never said a bad thing about anyone. Then one day it happened, slowly at first, then it progressed.

It started with slight swelling. He thought it was just an allergy attack and took some antihistamines, then came the boils. The doctors couldn’t tell what was wrong with him. Each medicine they gave became more and more useless until they were just pills full of false hope.

The first bug was a firefly. It was almost like a dream. The itching became almost unbearable, blood was being drawn from his cheeks, and then a light came from inside him. He scratched and he scratched until his nails were red, and then the insect was released. It would have been beautiful if it wasn’t so damn painful.

But this was his life now, he didn’t know how he got here, but he knew he still had hope. Maybe one day it would end. One day, where he wouldn’t find something skittering inside of him, one day when something wouldn’t fly out of him.

Until that day, he would hope and pray for his torment to be over.

He hoped someone would hear his prayer.
————————–————————–————————–—-

Written by Karl Gaverza
Filipino translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania

Inspired by the Mambabarang description in 101 Kagila-gilalas na Nilalang. Samar. 2015 and Myth Museum. Medina. 2015.

Mambabarang Illustration by Leandro Geniston fromAklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen

Color by Alexa Garde
Website: Lexa.us

]]>