Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Adarna – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

Matindi ang sikat ng haring araw sa kalangitan, ngunit hindi papapigil ang dalawang magkaibigan na ipahinga ang kanilang mga pakpak sa isang puno at malugod na batiin ang isa’t-isa.

Ang isa ay nakatakas sa pagkakakulong mula sa isang malayong kaharian at isa naman ay nakalaya bungad sa kapatawaran ng kanyang hari. Naging mahirap at masalimuot ang kanilang mga paglalakbay subalit nagpapasalamat sila  dahil kasama nila ang isa’t-isa.

“Kaibigan, sabihin mo sa akin ang iyong kuwento,” pakiusap ng dakilang ibon.

“Nagsimula lahat noong nagpalipas ako ng gabi sa puno ng Piedras Platas, tulad ng madalas kong ginagawa.”

“Ang iyong puno ng brilyante?”

“Siyang tunay. Tulad ng dati, sinimulan kong awitin ang isa sa aking pitong kanta ng dumating ang dapit-hapon. Subalit sa pagkakataong natapos ko ang ika-pitong awitin, hindi ko napansin na may tao sa ilalim at hindi sinasadyang nahulugan ko siya ng aking dumi.

“At naging bato siya.”

“Oo, naging bato siya. May ibang tao na hindi alam kung ano ang sinusuong nila. Nung sumunod na araw, isa na namang tao ang nakatulog sa ilalim ng puno. Hindi ko pa alam ng pagkakataong iyon na magkapatid sila.”

“Anong nangyari pagkatapos?”

“Hinuli ako habang mahimbing ang tulog ko. Nanatili gising ang taong dumakip sa akin habang kumakanta ako at iniiwasan niya ang mga dumi ko. Naibalik niya ang mga kapatid niya mula sa pagiging bato subalit hindi nila ito kinatuwa. Bagkus ay ginapos nila ito kahit siya ang nagpalaya sa kanila at dinala ako sa kanilang hari.”

“Hindi mawari talaga ang kasakiman ng mga tao.”

“Nang mga sandaling iyon, hindi ko mapagaling ang hari sapagkat kakanta lang ako kapag bumalik ang tunay na dumakip sa akin. At kinalaunan ay nagbalik ‘nga siya. Nagsimula akong umawit at lumabas ang katotohanan tungkol sa kataksilang ginawa ng kanyang mga kapatid. Napalayas sana sa kaharian ang mga taksil niyang kapatid kung hindi lang sa kapatawarang ginawad niya sa kanila.”

“Hango sa sinabi mo, para siyang wala muwang sa mga bagay-bagay.”

“Pagkatapos nun, maayos ang naging pakikitungo nila sa akin. Subalit inasam ko iwagayway ang aking mga pakpak at makalipad muli sa kalangitan. Nakita ko ang pagkakataong ito nang pinalaya ako ng isa sa mga magkakapatid. Pasubali ko ay pakana ito para palabasing hangal ang mabuting niyang kapatid, pero ito ay aking haka-haka lang.”

“Isang kakaibang pagsubok ang iyong naranasan kaibigan.”

“Sang-ayon ako, isang natatanging pakikipagsapalaran, gaya ng marami na siyang pupunan sa ating mga sandali ng habambuhay. Minsan darating sila sa atin at wala tayong magagawa sa bagay na ito. Ang aking pagkakabihag ang nagturo sa akin na pahalagahan ang kalayaang tinatamasa ko ngayon.”

“Tulad ng inaasahan sa iyo kaibigan, may taglay na karunungan ang iyong mga salita.”

Lumubog na ang haring araw habang pinagpatuloy ng dalawang dakilang ibon ang kanilang usapan. Habang patuloy na kumakagat ang dilim ng gabi, kapansin-pansin ang kakaibang kislap sa kanilang mga balahibo dulot ng mga liwanag ng mga bituin.

=——————————————

English Version

The sun shone with an unforgiving glare, but this did not stop the two friends from resting their wings upon a tree and greeting each other warmly.

One had just fled from captivity in a faraway kingdom while the other had sought forgiveness from their king. It had been an exceptionally challenging time in the lives of both these great birds, but they were thankful for each other’s company.

“Tell me your story, old friend,” the great bird, Sumayang Galura, requested.

“It started when I was spending the night on the Piedras Platas, as I always do.”

“Your tree of diamond?”

“The very same. As the sun was setting, I began to sing the first of my seven songs, when I had finished with the seventh, I did not realize that there was a human below me and my droppings had fallen on him.”

“He then turned to stone”

“That he did. Some humans just don’t realize what they get themselves into. The next day the same thing happened with another human that fell asleep at the foot of my tree, I didn’t know they were brothers then.”

“What happened then?”

“The human’s other brother came forth and captured me while I slept. He stayed awake during my songs and avoided my droppings until I fell asleep. He turned his brothers back from stone, but they did not appreciate their freedom. They beat the brother that freed them and took me to their king.”

“Will the cruelty of humans never cease?”

“I would not sing my song to heal the king until my true captor returned, and he did. I sang and my song revealed the duplicity of the two brothers, they would have been banished if not for the forgiveness of the brother that freed them.”

“He sounds like a naïve human.”

“After that, I was not treated badly, but I yearned to stretch my wings and fly through the sky once again. I had this opportunity when one of the brothers just released me. I think it was to frame the good brother as a fool, but that is just my guess.”

“It seems you have had a great ordeal, old friend.”

“I have had an adventure, as what fills most of our lifetimes. Sometimes they come to us and we do not have any choice in the matter. My captivity has only made me more grateful for the freedom I now possess.”

“Wise words, I would expect no less from you.”

The sun set as the two great birds continued their conversation. The star’s light gave their feathers a brilliant glow as they talked late into the night.

=——————————————————————0

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by Ibong Adarna

Adarna Illustration and Watercolor by Franz Lim