Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Baua – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

Ako’y sumasayaw tulad ng mekanismo ng relos. Ito’y nangyayari bawat taon, dalawa o tatlong beses kapag ubos na ang aking pagkain. Teka lang. Tanong mo’y ano ang kinakain ko?

Ano pa ba ang makakapagpabusog saakin kundi ang maputla na buwan? May mga bagay sa ibabaw ng langit na kamangha-mangha at nakakakilabot sa mga mata ng tao. Andoon ang mga buralakaw na sumasayaw kasama ang mga tala na nagpapadala ng mga mensaheng galing sa mga diyos. Andoon rin ang mga anak ni Ulilang kaluluwa na sinusubukang mapasakanila ang mga langit. Andoon rin ang dragón sa langit, naghihintay sa katapusan ng mga araw. Mas marami pang bagay sa langit at lupa kaysa sa iniisip mo. Kaya ako’y uupo dito at maghihintay.

May mga pagkakataon na tinitingnan ko ang asul na ulap sa aking tahanan, iniisip kung may higit pa sa buhay kaysa sa pagsunod sa pangunahing kurso ng kalikasan, kung may anumang higit pa sa gutom at sakit at pagkain at pagkakontento. Ngunit nakikita ko ang aking premyo at ang aking tiyan ay umuungol. Mahirap mag-isip kung ikaw ay gutom. Kaya’t sinasayaw ko ang sayaw na mayroon ako mula pa noong unang panahon, ang buwan ang aking premyo, ang kanta ang aking kalaban. Nakakuha ako ng hindi hihigit sa isang maikling tikim bago magsimula muli ang sayaw, ang buwan, ang ibon at ang musika.Balang araw, makukuha ko rin sa wakas ang aking premyo at kapag dumating ang araw na iyon; ang aking gutom ay tuluyang mabubusog.

Iyon ay, hanggang sa umungol ulit ang aking tiyan.

=—————————————————————————————-=

English Version

I dance like clockwork.

It happens every year, twice or thrice when my food is gone.

Wait.

You may ask what I eat? What would satisfy me if not the pale moon? There are things above the heavens that are wondrous and horrible to the eyes of man.

There are the burulakaw dancing with the stars, sending the messages of the gods. There are the children of Ulilangkalulua trying to make the heavens their own. There is the dragon in the sky, awaiting the end of days.

There are more things in heaven and earth than you could ever imagine.

So I sit here and wait.

There are moments where I look through the blue haze of my home, wondering if there is more to life than obeying the primal course of nature, if there is anything more than hunger and pain and food and satisfaction.

But then I see my prize and my belly growls. It’s hard to think when you’re hungry.

So I dance the dance that I have since time immemorial, the moon is my prize, the music my enemy. I get nothing more than a brief taste before the dance begins again, the moon, the bird and the music.

Someday, I will finally get my prize and when that day comes; my hunger will be satiated.

That is, until my belly growls again.

==———————————————————————=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Translation by Alexandra F. Opon
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Alexandra F. Opon

Inspired by the Baua entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Baua Illustration by NightmareSyrup
Tumblr: http://nightmaresyrup.tumblr.com/