*Note this story is in Tagalog
“Sa gitna ng isla, may mga kakaibang nilalang na gumagawa ng mga nakakakilabot na bagay. Malalaman mo kung ano sila kahit mukhang tao sila, dahil ang itim na bilog ng kanilang mga mata ay hindi tulad ng karaniwang tao, kundi mga makitid na hiwa, tulad sa mga pusa. Kumikislap din ang kanilang mga mata na parang may sumasayaw na apoy sa loob.
Ang kanilang pangunahing pagkain ay lamang-loob ng mga bangkay, hindi kinakailangang sariwa. Nakita ko itong mga nilalang na pinunit ang tiyan ng sariwang bangkay at mabangis na kinagat at pinunit ang laman, tulad ng mga hayop na labis ang gutom.
Kapag mababa ang suplay ng mga bangkay, doon pinakamapanganib ang mga nilalang. Pupunta sila sa talahiban at magta-trance, pagkatapos, ang kanilang astral na katawan ay lilipad palayo. Itong kakaibang mahika ay wala sa anumang nakita ko noon, kahit sa lahat ng paglalakbay ko.
Ang astral na anyo nitong mga nilalang ay pumapasok sa mga bahay ng walang kamalay-malay na mga biktima at biglang sasalakay sa kanila. Tinatanggal ang kanilang lamang-loob na tulad ng bagong aning bangkay, pinapawi ang kanilang gutom para sa laman ng buhay. Maririnig sila, ang tunog ay tulad ng pag-ungol ng tao, at mas malakas ito kapag mas malayo sila sa kanilang biktima.
Napansin ko ang pagwisik ng katas ng kalamansi sa mga kamamatay lang, na ang sabi sa akin ay para pigilan ang mga nilalang sa pagpasok sa mga libingan.
Binalaan ako na kapag marinig ko ang pag-ungol, o makita ang pagkislap ng kanilang mga mata, kailangan kong kumaripas ng takbo papalayo, ang alternatibo ay labanan sila at ang tanging sandata na sinabi sa akin na mabisa ay isang kris na pinahiran ng katas ng kalamansi.
Itong nilalang ay tulad ng iba pang hayop sa mga isla, kumakain ng lamang-loob ng mga bangkay at lumilipad sa gilid ng kanilang mga biktima. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nakita ko ang isa sa personal, bagaman umaasa ako para sa kapakanan ng aking pananaliksik, ang aking mga maikling talaan ay mapapanatili.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito, kung bakit patuloy kong inilalagay ang aking sarili sa harapan ng panganib upang maitala itong mga kakaibang nilalang. Batid ko ang hindi pagsang-ayon ng aking pamilya sa parehong pamamaraan at pagsasaliksik ko, ngunit kinakailangang malaman ang mga bagay na ito. Dapat mayroong paraan para balaan ang mga tao tungkol sa mga panganib nitong mga isla, kahit maging kapalit ang aking kaluluwa.”
—- Mula sa mga maikling talaan ni Mari Bas
=—————————–=
————————–
Inspired by the Berbalang legends from Cagayan Sulu.
Berbalang Illustration by Ysa Peñas
Instagram: https://www.instagram.com/