Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Calag – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

Case #GJKM7721

December 12, 1977

Magulo ang loob buong San Aguilar Funeral Home. Tatlong araw bago ang pangyayari, ang punenarya ay kinailangang ilipat dahil sa isang posibleng pagbuga ng gas sa gusali. Ang buong lugar ay hinarangan at walang tao ang pinayagan sa mismong lugar nang mga panahong iyon.

Matapos iangat ang harang, nadiskubre ng mga inspector ang isang nakakahindik na tanawin. Ang lahat ng mga bangkay sa morgue ay nagkalat sa buong lugar. Ayon sa mga naunang teorya, ang salarin ay gumamit ng mga pampasabog sa mga katawan sa hindi pa natutukoy na dahilan. Kung isasalokal ang bawat pagsabog, ang karagdagang pagsisiyasat at mga awtopsiya ay nagpapatunay na ang lahat ng pagsabog ay nagmula sa tiyan ng mga bangkay. Walang nakitang mga bakas ng paputok na ginamit sa pagpapasabog.

Tumagal naman ng ilang araw ang paunang imbestigasyon sapagkat mahirap tukuyin kung sa aling bangkay nabibilang ang ilang bahagi ng katawan na nagkalat roon. Ito ay na naipabatid sa pamilya ng mga biktima at ang punerarya naman ay nahaharap sa isang reklamo dulot ng matinding kapabayaan.

Ang naturang kaso ay tila isang likas na krimen lamang, ngunit ang pagkakakilanlan ng salarin ay hindi pa rin matukoy ng mga imbestigador. Nang makumpleto ang mga autopsy, napag-alaman na ang ilan sa mga bangkay ay may mga marka ng kagat na patungo sa mga buto. Sa pagtingin nila sa listahan, napagtanto ng mga imbestigador na lahat ng mga katawan na may marka ng kagat ay hindi pa na-e-embalsamo.

Tila ba isang hindi matukoy na makapangyarihang nilalang ang hinahanap ng mga pulis. Ang pamamaraan ng krimen ay hindi pa nalalantad ngunit ang mga imbestigador ay tiwala na masusubaybayan nila ang sanhi ng mga karumal-dumal na kilos na ito.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring pinaghihinalaang suspek, kaya ang kaso ay nananatili pa ring bukas hanggang ngayon.

=——————————————————-=

English Version

Case # GJKM7721

December 12, 1977

The San Aguilar Funeral Home was in a state of complete disarray. 3 days earlier the funeral home had to be evacuated due to a possible gas leak in the building. The whole area was put under a blockade and no person was allowed within the premises for that period.

After the blockade was lifted, the inspectors discovered a gruesome sight. All the corpses in the morgue were splattered across the area. Preliminary theories were that the perpetrator had used explosives on the bodies for some unknown purpose. It seems as if all the explosions were localized, further investigation and autopsies revealed that the blasts all originated from the stomach area of the corpses. No explosive residue was found.

The preliminary investigation took several days, as it was difficult to ascertain which body parts belonged to which corpse. The families of the victims were informed and the funeral home is now under a suit for gross negligence.

The case does seem criminal in nature, but the profile of the perpetrator eludes the investigators. Once the autopsies were completed it was found that certain bodies had bite marks going all the way into the bones. Looking through the records, the investigators realized that all the bodies with bite marks had yet to be embalmed.

It would seem that the police are dealing with a highly deranged individual. The method of the crime has yet to be discerned but the investigators are confident that they will be able to track down the cause of these heinous acts.

Currently, no suspects have been considered. The case remains open.

=———————————————————–=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Translation by Christian GL
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Christian GL

Story inspired by Calag entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971..

Calag Illustration by Leandro Geniston from Aklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen