Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Dawinde – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

Noong araw, may isang galit na dalaga na walang ibang mapuntahan. Isang matinding sakuna ang bumalot sa lupain at ang mga tao sa kanyang probinsya ay walang magawa kung hindi isara ang kanilang mga hangganan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Hindi iyon ang kanyang tahanan. Totoo – naroon ang kanyang pamilya, pero hangad niya ang mga naglalakihang istaktura na aabot na sa langit, ang karagatan ng mga tao na tila walang katapusan, at ang mahahabang gabi na kasama ang mga kaibigan habang nainom ng alak.

Sa paglipas ng mga araw na umabot na ng ilang linggo, lalo lamang tumindi ang kanyang kalungkutan.

Walang paraan para makaalis siya ng bahay na hindi mahuhuli ng mga opisyal.

Kaya niyang mawala sa kanyang mga libro, pero natapos na niyang basahin ang lahat ng mga iyon. Sinubukan niyang tumakas sa liwanag ng mga gadyet na kanyang dala mula sa kanyang tahanan, ngunit hindi sila gumana ng kasing bilis sa gusto niya. Sinubukan niya ring gumawa ng musika, pero wala siyang inspirasyon.

Wala siyang pinanghahawakan sa buhay.

Wala roon, kahit katiting.

Isang araw, binasag siya ng kanyang kalungkutan.  Hindi na niya makayanan ang apat na sulok ng kuwartong walang saysay sa kanya.

Hinintay niyang makatulog ang kanyang pamilya (at umasang pati ang mga guwardiya) at tumakbo patungo sa mga kalye na parang isang baliw.

Kung kaya niya lang, gusto niyang sumigaw hanggang umabot sa kalangitan. Sa wakas, mayroon na siyang kaunting kalayaan.

Sapat na iyon kahit man lang sa isang gabi.

Ito na ang kanyang nakaugalian – ang iunat ang kanyang katawan at itulak ang mga hangganan sa kanyang kakayahan.

Hanggang dumating ang gabing iyon.

Naligaw siya sa ihip ng hangin kaya hindi na niya namalayan ang mga ilaw na papalapit sa kanya. Sinubukan niyang tumakbo, pero hindi na niya alam ang bahaging iyon ng bayan at inasahan na niyang mahuhuli siya.

“Psssssssssst. Halika dito.”

Sa kadiliman, nadinig niya ang ingay mula sa puno ng Galawin. Naalala niya ang mga kuwento ng kanyang lola tungkol sa mga ispirito na naninirahan sa mga puno.

Naisip niya na mas mabuti pang makipagsapalaran siya sa puno kaysa sa mahuli, at hinayaang balutin siya ng kadiliman.

May kaunting liwanag siyang naaninag (na sa wari niya ay) galing sa loob ng puno.

Nakaupo sa kanyang harapan ang isang nilalang – tao ang anyo, balot sa tagpi-tagping amag at lumot.

Naunang bumasag sa katahimikan ang dalaga.

“Kamusta po kayo?”

Sinuklian siya ng mainit na ngiti ng nilalang.

“Kamusta ka din? Ano ang pangalan mo?”

“Ako po si Julie. Ikinagagalak ko po kayong makilala.”

“Ikinagagalak ko rin na makilala ka.”

“Pasintabi po, pero ANO po kayo?”

“Gusto ko rin sanang malaman kung ano ako. Alam ba talaga natin kung ano tayo?”

Natahimik at nagulumihanan si Julie sa naging sagot sa kanya.

“HAHAHA. Nagbibiro lang ako. Pikon kasi kayong mga tao pagdating sa mga biro.”

“Ipagpaumanhin po ninyo. Hindi lang po ako sanay na  –”

“Makakita ng ispirito? Ganyan ang karamihan ng tao. May dahilan kung bakit kami ay tinaguriang alamat na ginagamit ng tao para makuha ang gusto nila.”

“Ano po ba ang GUSTO ninyo?,” tanong ng dalaga.

“Gusto ko lang makatulong,” sagot ng nilalang na nakangisi.

“Ano po ang ibig ninyong sabihin?”

“Naisip ko na puwede kong iangat ang diwa.” (Kalaunan ay nalaman ni Julie na ito ay isang biro lamang.)

Napabuntong-hininga si Julie at sinabi, “Hindi po ako maaaring manatili dito – hindi sa bayang ito, hindi na kailanman. Gusto ko po sanang tubuan ng pakpak at lumipad pabalik po sa aking tahanan.”

“Sa palagay mo ba ay iyon ang makakatulong sa iyong nararamdaman? Narinig ko na wala ring nandoon para sa iyo.”

“Iyon pa rin po ang aking tahanan.”

Tumango ang nilalang. “Sa panahon ng kaguluhan, walang mas komportable sa kung saan maaari mong ilabas ang nilalaman ng iyong puso.”

“Opo, nauunawaan ninyo – hindi po katulad ng aking pamilya.”

“Sigurado ako na ang gusto lamang nila ay ang mapabuti ka.”

“Paano po? Mas lalo lang po akong nadurog nitong mga nakaraang linggo. Hindi po ako makagalaw. Hindi po ako makapag-isip. Hindi ko po man lang makausap ang mga kaibigan ko dahil nakakayamot po ang signal dito.”

“Ikaw din, nayayamot.”

“Opo.” Naupo si Julie at isinubsob ang ulo sa kanyang mga kamay.

“Naisip mo ba na maaaring hindi ito tungkol sa iyo?”

“Parang katulad po ng mga taong naririnig ko sa balita ang sinabi ninyo.”

“Hindi mo ba naisip na may punto sila?”

“Alam niyo po pala ang nagaganap ngayon.”

“Kapag may mga pangyayari na kasing laki nito, ang mga ispirito ay nag-uusap-usap.”

“Saan po ninyo ito nabalitaan?”

“Sa naglalakbay na simoy ng hangin, ngunit hindi na iyon mahalaga.”

“Pero bakit po nandito pa rin kayo? Bakit hindi po kayo tumulong para mawala ito?”

“Higit na kasi iyan sa aking kapangyarihan.”

“Bakit pa po ninyo ako kinakausap?”

“Dahil kung hindi ko man maayos ang malaking problema, baka man lang kaya kong –”

“Ayusin po ako?”

“Puwede kong subukan.”

“Bakit pa po? Malamang ay matunaw na lang po ako sa aking kuwarto habang iniisip ko kung ano po ang dapat gawin bago po gumuho ang mga pader.”

“Mas nanaisin mo ba iyon kaysa –”

“Kaysa mamatay po ako?”

“……”

“Hindi po ako tanga. Alam ko po ang mga panganib. Kung hindi po iyon ang aking ikamatay, maaaring ang kuwarantenas po ang ikamatay ko. Nararamdaman ko po ang sarili ko na unti-unting nauupos.”

“May nakilala na ako na katulad mo. Ang mga madamdamin.  Ang mga matatapang. Ang mga tao na handang silaban ang sarili para lang maramdaman na sila ay buhay.”

“Kita po ninyo – alam ninyo –  ”

“At ang mga tao na walang pakialam sa mga luha na naiwan nila sa kanilang dinaanan.”

“……”

“Ilang mga pusong sawi ang iyong iniwan? Ilang kalooban ang iyong winarak dahil ikaw ay nainip at naghanap ng bago?”

“Hindi po iyan patas.”

“Ang katotohanan ay hindi laging patas.”

Nanahimik si Julie habang nakaupo sa tabi ng nilalang.

“Wala na sila.”

Saka lang naalala ni Julie na siya nga pala ay tumatakbong papalayo sa mga guwardiya.

Tumingin si Julie sa nilalang at nagpasalamat sa pagpapaunlak nito sa kanya. Bago siya umalis ay tinanong niya ito, “Maaari po ba akong bumalik dito bukas? Gusto ko po sanang kausapin pa rin kayo.“

“Hindi mo naman kailangang maglakbay ng malayo para makarating dito. Kailangan mo lang pakinggan ang ihip ng hangin sa gabi.”

Habang pinagmamasdan niya ang dalaga na tumatakbong pabalik sa kanyang bahay, napangiti ang Dawinde.

Kahit wala mang kaibahan,

siya ay magpapakita ng kabutihan.

=——————————————————=

English Version

Once there was an angry girl with nowhere to go. A great sickness enveloped the land, and the people in her province had no choice but to close themselves off to avoid its spread.

This place was not her home, she had family there, true, but she longed for the giant girders that reached the clouds, the bustling sea of people that never seemed to end, the long nights spent with friends over a glass of wine.

And as the days passed into weeks, her loneliness only grew.

There was no way she could leave her house, lest she get caught by the officials.

She would have lost herself in books, but she had read them all. She tried to escape into the bright screens she had brought from home, but they didn’t work as fast as she had wanted them to. She tried to make music, but she had no muse.

She had nothing in her life.

Not there at least.

One day the loneliness broke her. She couldn’t stand the four walls of a room that had no meaning to her.

She waited until her family fell asleep (and hopefully the guards as well) and ran through the streets like a madwoman.

If she could she would have screamed at the heavens, finally she had a small bit of freedom.

And that was enough, for at least one night.

This became her routine, trying to stretch her body and pushing the boundaries of what she could do.

Until one fateful night.

She had lost herself in the breeze that she almost didn’t notice the flashlight moving towards her. She tried to run, but this part of the town was unknown to her and she fully expected to get caught.

“Psssssssssst. Over here.”

In the darkness, she could only hear that the sound came from the Galawin tree. She remembered the stories that her lola would tell, about spirit beings that inhabited the trees.

She figured that she’d rather take her chances in the tree than get caught and let the darkness take her.

A small light illuminated (what she assumed was) the interior of the tree.

Sitting in front of her was a creature, human in form, covered with a patchwork of fungus and moss.

She was the first to break the silence.
“Hello.”

The creature replied back with a warm smile.

“Hello, what is your name?”

“I’m Julie, it’s nice to meet you.”

“It’s nice to meet you too.”

“Excuse me, but, what ARE you?”

“I wish I knew myself. Do we really know what we are?”

Julie met this statement with a confused silence.
“HAHAHA, I’m just kidding. You humans are so touchy when it comes to jokes.”

“I’m sorry, I’m just not used to—”

“Seeing a spirit? Most humans are, there’s a reason why we’re regarded as legends used by people to get what they want.”

“So,” Julie looked at the creature, “what DO you want?”

“I just want to help,” the creature replied with a toothy grin.

“What do you mean?”

“I figured I could lift some spirits,” (Julie later realized this was a joke)

Julie sighed, “I can’t stay here, not in this town, not anymore. I wish I could just grow wings and fly back home.”

“Do you think that would make you feel better? I hear it’s pretty empty there as well.”

“It would still be home.”

The creature nodded, “In times of strife nothing is more comfortable than being where  you can let your heart out.”

“Yes, see you understand. Not like the rest of my family.”

“I’m sure they only want what’s best for you.”

“How? The past few weeks I’ve gotten more broken. I can’t move, I can’t think. I can’t even talk to my friends because the signal here is miserable.”

“And so are you.”

“Yes.” Julie sat down and buried her head in her hands.

“Did you ever think it might not be about you?”

“You sound like everyone on the news.”
“You don’t think they have a point?”

“So, you know what’s going on.”

“When something as big as this is happening, the spirits tend to talk to one another.”

“Where did you hear it from?”

“A travelling breeze, but that doesn’t matter.”

“Then why are you still here? Why don’t you help get rid of it?”

“That is beyond my powers.”

“Why are you even talking to me?”

“Because if I can’t fix the bigger problem then at least I can—”

“Fix me?”

“I can try.”

“Why bother? I’ll probably just melt into my room, trying to figure out what I can do before the walls start to close in.”

“Would you rather that than—”

“Than being dead?”

“……”

“I’m not stupid, I know the risks. If it doesn’t kill me the quarantine just might. I can feel myself slowly slipping away.”

“I’ve met your kind before. The passionate. The brave. The ones willing to set themselves on fire just to feel alive.”

“See—you know—”

“And those that don’t care about the tears they leave in their tracks.”

“……”

“How many broken hearts have you left behind? How many spirits have you shattered just because you became bored and wanted something new?”

“That’s not fair.”

“The truth seldom is.”

Julie sat in silence with the creature.

“They’re gone now.”

It was then that Julie remembered that she was actually running away from the guards.

Julie looked at the creature and thanked it for its time. Before she left she turned to it and asked, “Can I come back tomorrow? I’d still like to talk to you.”

“You don’t have to go all the way here. Just listen to the night air”

And as the Dawinde saw her running back to her house it smiled.

If nothing else,

It would be kind.

——————————————————————-===

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
Written by Karl Gaverza
Translation by Cherry M. Gonzales
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Cherry M. Gonzales

Inspired by the story “How Dauin got its Name” in Negros Oriental and Siquijor Island Legends, Beliefs and Folkways. Aldecoa-Rodriguez. 2000.

Dawinde illustration by Marko Mikhal Gomez Deposoy

FB: https://www.facebook.com/Markoriginals/

IG: https://www.instagram.com/mark0riginals