Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Dayamdam – Tagalog Translation

 

*Note this story is in Tagalog

“Kwentuhan mo naman ako tungkol sa puno mo,” ang sabi ng bubuyog sa dayamdam.

“Ito lang naman ang pinakamagandang puno sa buong mundo!” Pagmamalaki ng dayamdam. Alam nito na walang ibang puno sa kagubatang iyon ang makapapantay sa kagandahan ng kanyang puno. Mayroon itong maririkit na bulaklak na namumukadkad tuwing tag-araw. At kapag namunga ito, ay! Ang matamis na amoy nito ang pinaka-kapuri-puring bagay na naamoy ng sinuman.

Nagtanong ang bubuyog, “At ano sa mga tao? Gano’n din ba ang kanilang mga saloobin tungkol sa puno?”

“Alam mo naman ang mga tao,” sagot ng dayamdam. “Laging sarili ang iniisip. Ni hindi nga nagpapaalam kapag kumukuha ng prutas mula sa puno ko.”

“Ang sama naman!” sigaw ng bubuyog.

“Walang modo ‘tong mga taong ‘to.” Mapanghamak na sabi ng dayamdam.

Nang maglaon, biglang nanginig ang buong puno. Lumipad ang bubuyog patungo sa kaligtasan, subalit nanatili ang dayamdam sa mga sanga ng kanyang puno.

“Umalis ka na riyan!” sigaw ng bubuyog.

“Ano’ng nangyayari?!” sigaw ng dayamdam.

“Ang mga tao! Pinuputol ng mga tao ang iyong puno!” Sinubukang tulungan ng bubuyog ang dayamdam pero napakaliit nito upang buhatin ang nilalang. Pinilit pa ring makatulong ng bubuyog sa pamamagitan ng pagkagat sa mga tao samantalang pinuputol nila ang puno, ngunit hindi ito naging sapat.

“Tumakbo ka na, kaibigan! Tumakbo ka nang malayo!” Sigaw ulit ng bubuyog.

Subalit alam ng bubuyog na hindi iiwan ng kaibigan niya ang puno. Dahil para sa dayamdam, ang punong iyon ay higit pa sa isang simpleng bahay. Ang punong iyon ang buong buhay niya – ang mga sanga ang kanyang mga ugat at ang mga bulaklak ang kanyang puso. Gumagawa ito ng damit mula sa mga dahon ng puno at gugulin ang buong buhay nito sa pagitan ng katawan ng puno at bunga nito.

Nakatingin lamang ang bubuyog sa punong pinatumba ng mga kamay ng mga tao, at kung ito man ay makaiiyak, iiyak ito para sa natumbang kaibigan. Umangkin ng mas marami sa isang biktima ang mga tao nang araw na iyon, at kikilalanin ng kagubatan iyon.

Nang gabing iyon, umalingawngaw sa mga puno ang mga kanta ng dayamdam, inaalalang parati ang pinakamagandang puno sa kagubatan.

————————–————————–————————–——–

English Version

“So tell me about your tree,” said the bee to the dayamdam.

“Well, it’s the best tree in the world of course!” The dayamdam said proudly. It had known that no other tree in the forest could match the beauty of its tree. It had beautiful flowers that bloomed in the summer and when it bore fruit! Oh was the sweet smell the most ravishing thing any being had ever smelled.

The bee asked “What of the humans? Do they share your thoughts on the tree?”

“You know how humans are,” the dayamdam replied. “Always thinking of themselves. They don’t even ask for permission when gathering fruit from my tree.”

“How rude!” the bee exclaimed.

“These humans don’t have any manners” the dayamdam said haughtily.

Just then, the entire tree shook. The bee flew away to safety, but the dayamdam stayed in the branches of its tree.

“You must run away!” The bee shouted

“What is happening?!” The dayamdam cried out.

“The humans! The humans are cutting your tree.” The bee tried to help the dayamdam but it was too small to carry the creature. The bee still tried to help its friend by stinging the humans as they tried to cut the tree down, but to no avail.

“Run my friend! Run far away!” The bee exclaimed again.

But the bee knew that its friend would never leave the tree. For the dayamdam, the tree was more than just a simple home. The tree was its entire life the branches its veins and the flowers its heart. It would make clothes from the tree’s leaves and spend the entirety of its lifetime in between the bark and the fruit.

The bee stared as the tree was felled by human hands and if it could cry it would shed a tear for its fallen friend. The humans claimed more than one victim that day, and the whole forest would acknowledge that.

That night the trees echoed with the songs of the dayamdam, forever remembering the most beautiful tree in the forest.

————————–————————–——————–

Written by Karl Gaverza
Tagalog translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania

Inspired by the Dayamdam description in Myth Museum. Medina. 2015.

Dayamdam Illustration by Kayla Teodoro
Tumblr: mikaylateodoro.tumblr.com