Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Hubot – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

Umalingawngaw ang boses ni Neni mula sa pasilyo.

“Alberto, oras na para matulog!”

Gulat ang bumungad kay Neni nang silipin niya ang silid ni Alberto. Akma nang nakatalukbong si Alberto sa kanyang higaan.

Nakababagabag at nakakapanibago ang panghihina at kawalan ng kasiglahan ni Alberto na siyang ikinababahala ni Neni. Bukod pa rito ang pag-aalala niya sa pagkapuyat ni Alberto.

“Matutulog na ako!”, sambit ni Alberto sa kanyang tinig na kinulob ng kumot.

Walang nagawa si Neni kung hindi ang patayin ang ilaw at sabihan si Alberto na matulog nang mahimbing.

“Bukas ay pupunta tayo sa liwasan, ayos ba ‘yon sa’yo?”, pahabol ni Neni kay Alberto.

Hindi ito binigyan ng tugon ni Alberto.

“Oras na para matulog, Neni!”, ang tanging naging sagot nito.


Pupungas-pungas pang humikab si Alberto sakay ng kanyang lumilipad na kabayo. Napupuno ng ulap na singputi ng bigas at singlambot ng bulak ang himpapawid na binabaybay ni Alberto kasama ang kanyang kabayong may pakpak.

Sariwa pa sa kanyang isip at animo’y parang kahapon lamang nang hilingin ng isa sa mga prinsesa ng Kahangian* ang kanyang tulong na talunin ang mga hukbo ng mananakop.

Alam ni Alberto na hindi niya kakayaning tumanggi. Isa lamang ang kanyang sagot sa tuwinang tatawag ang paglalakbay.

Ngunit sa dulo ng kanyang isip, hinihiling ni Alberto na magwakas ang kanyang paglalakbay. Pagkat alam niyang hindi mapasasakamay ang tagumpay sa kanyang palad habang nagpapatuloy ang walang katapusang paglusob ng mga ibon.

Ang mga ibong kanyang sinasagupa ay hindi pangkaraniwan.

Animo’y mga payong na sumusuyod sa kaulapan ng Kahangian ang mga ibong kanyang hinaharap. Ibinahagi ng Prinsesa kay Alberto na dati rati ay hindi nanggagambala ang mga ibon subalit, marahil, mayroong nangyari sa mga ibon upang sila ay maging mapaminsala. Ikinatatakot ng Prinsesa na simula pa lamang ito ng pagsalakay ng mga ibon sa kanyang kaharian.

Ginugol ni Alberto at ng kanyang kabayo ang mga nakaraang linggo para lamang itaboy mula sa kaharian ang mga ibon. Ninais man ng Prinsesa na gamitan ng dahas ang mga ibon, hindi maatim ni Alberto na saktan ang mga ito.

Matapos itaboy ni Alberto ang panibagong lipon ng mga ibon ay ipinatawag siya ng Prinsesa sa silid nito.

“Nararapat na nating wakasan ang panganib ng mga ibon”, ani ng Prinsesa. Walang silbi ang pagtaboy sa mga ibon kung patuloy lamang silang manunumbalik at manggagambala sa kaharian.

Upang matupad ang kanyang hangarin ay ipinagkaloob ng Prinsesa ang isang sisidlan kay Alberto at ipinagutos ang katapusan ng hari ng mga ibon.

Hiwaga ang bumalot kay Alebrto sa kanyang pagbukas sa kahon. Nasilayan niya ang isang espada at nagulat nang makitang nakaukit ang pangalan niya sa talim nito. Dama niya sa kanyang kamay ang bigat ng kalis ngunit mas dumadagan sa kanyang dibdib ang masidhing pagsalungat sa nais ng Prinsesa. Nagbunga ang kanyang damdamin sa pagtingin sa Prinsesa at pag-iling sa kautusang iniatang nito.

Hindi niya susundin ang utos ng Prinsesa. Hindi karasahan ang sagot, hindi para sa kanya.

Lumisan siyang hindi tangan ang sisidlan na handog ng Prinsesa at nagtungo sa kanyang kabayo.

Matatapos ang panggagambala ng mga ibon, subalit, sa kanyang pamamaraan.


Napangiti ang kabayo ni Alberto. Nasanay na ang kabayo na angkinin ang kanyang mga saloobin ngunit natatangi ang araw na ito.

Lubos niyang ipinagmamalaki ang pagpapasiya ni Alberto na manindigan sa nararapat. Hindi gumagamit ng dahas ang mga ibon, kung tutuusin ay panggagambala nga lamang ang tanging dulot ng mga ito sa kaharian.

Sa pagsuyod nila sa kaulapan, ipinamalas ng kabayo ang kanyang makakaya sa paglipad. Kung anong husay niya sa lupa ay lubhang kabaliktaran ang kanyang paglipad. Sakay si Alberto ay bumulusok sila sa animo’y pader na pagtitipon ng mga ibon. Kinailangang ibuga ni Alberto ang mga balahibong kanyang nahigop ngunit sa kalaunan ay narating din nila ang pugad ng Hari ng mga Ibon.

Magalang na tumungo ang Kabayo ni Alberto sa Hari ng mga Ibon. Kabayo mang maituturing, siya ay may bahagi rin ng ibon, at may mga patakarang hindi dapat suwayin upang hindi matamo ang galit ng ibang mga ibon.

Dambuhala ang Hari ng mga Ibon. Sapat ang laki nito upang matakpan ang sinag ng araw. Masusing sinipat ng Hari si Alberto at ang kanyang kabayo.

“Ano ang inyong ngalan, at ano ang inyong pakay sa aking kaharian?”, sambit ng Hari.

Nanatiling nakagapos sa lupa ang paningin ng Kabayo sa pagtungo nito nang marinig ang tugon ni Alberto.

“Ano ang dahilan ng paglusob ninyo sa aming kaharian?”, ang sagot ni Alberto.

“Paglusob? Wala akong nilulusob, tao. Nais ko lamang maibalik sa akin kung ano ang akin.”

Halos magdikit ang kilay ni Alberto sa pagkunot nito sa nagging tugon ng Hari ng mga Ibon.

“Subalit ang sabi ng Prinsesa ay nilulusob mo ang kanyang kaharian!”

“Ang iyong tinutukoy na “Prinsesa” ang siya mismong nagsimula ng kaguluhang ito. Siya at ang kanyang kaharian ang nagnakaw sa aking putong! Ang tanging pakay lamang ng aking mga kapwa ibon sa kanyang kaharian ay mabawi ang aking putong!”

“Ngunit palagi niyang sinasab-“

Bumungad sa mukha ni Alberto ang pinakamalaking tuka na kanyang namasdan sa kanyang buhay.

Tiningnan ng Hari ng mga Ibon si Alberto, mata sa mata, at sinabing, “Marami na akong nasagap tungkol sa iyo, Manlalakbay. Tanyag ang iyong ngalan at ang iyong bentohangin sa lupaing ito.”

“Hindi ko nais na kalabanin ka o ang kaharian ng iyong prinsesa. Ang tanging hiling ko lamang ay maibalik sa akin ang aking putong. Mangyari ito at ipinapangako ko sa iyo, hindi na gagambalain ng mga ibon ang inyong kaharian.”

Naglapat ang paningin ni Alberto at ng kanyang Kabayo. Sabay silang tumango sa sinambit ng Hari ng mga Ibon.


Minamasdan ng Prinsesa ang kanyang wangis sa salamin habang humahagod ang suklay na gamit ng kanyang mga alalay sa kanyang buhok. Nanlilisik ang kanyang mata sa salamin sa hindi inaasahang pagtanggi ni Alberto sa kanyang handog.

Ngunit anuman ang naging desisyon ni Alberto, wala itong kahalagahan. Sa pamamagitan lamang ng mayuming pagkuskos ng kanyang pilikmata at pagpatak ng kanyang luha ay maa-akit ang Manlalakaybay at susunod sa kanyang hiling.

Inutusan niya ang kanyang mga alipin na lumisan. Tumungo siya sa nakatagong lagusan sa kanyang silid. Sa loob nito ay nakatago ang kanyang pinakaiingatan at pinakatatanging yaman.

Ang pinakanakapupukaw na putong sa lahat ng Kahangian!

Gawa ang putong sa gintong pinanday pa sa pugon ni Ginton at napupuno ng mga kristal na animo’y bulalakaw sa pagkinang.

“Ang pinakamagandang putong para sa pinakamagandang prinsesa sa Kahangian!”, kanyang naisip.

Malalim ang kanyang paghanga sa putong nang biglang umaligunggong ang nagngangalit na tinig ng isang lalaki.

“SI-NU-NGA-LING!”, sigaw ni Alberto na pumutok sa silid ng Prinsesa.

Sa gulat ng Prinsesa ay halos mabitawan niya ang kanyang korona. Wala sa kanyang isip ang mabilis na pagbalik ng Manlalakbay.

“Ubod ka ng sinungaling!”, singhal ni Alberto.

“Mabuti na lamang ay naandito ka! Nilusob ako ng mga ibon at sinubukang magnakaw sa akin!”

Dalubhasang pinatulo ng Prinsesa ang kanyang luha. Walang bayani ang hindi lumuhod sa kanyang pagtangis at sa kanyang isip, walang laban ang Manlalakbay sa kanyang yumi.

“Hindi sa iyo ang putong na iyan!”, tugon ni Alberto habang siya at ang kanyang Kabayo ay unti-unting lumalapit sa prinsesa.

“SI-NU-NGA-LING!”, galit na hinablot ni Alberto ang putong mula sa kamay ng nagpapa-awang Prinsesa at maagaop na sumibat mula sa silid.

“Mga kawal! ‘Wag n’yo silang hayaang makatakas!”

Sinubukan ng mga kawal na habulin ang Manlalakbay at kanyang kabayo ngunit hindi maihahambing kanilang bilis sa liksing tumalo sa mga lumilipad na ulupong na nagbabantay sa libingan ni Ulilangkalulua. Animo’y mga pagong ang mga kawal kung ihahambing sa bilis ng dalawa.

“Kailanma’y hindi ka na makapapasok sa kahariang ito!”, galit na sigaw ng Prinsesa sa landas ng mga ulap na tinahak ni Alberto at ng kanyang kabayo.

“Pagsisihan mo ito at ipinapangako kong tutugisin ka namin!”

Sa pagtakas ni Alberto at ng kanyang Kabayo ay maingat siyang pinalibutan ng mga ibon. Hindi maikubli ang kanilang ligaya sa muling pagbabalik ng kanilang putong.

“Ginawa mong mortal na kaaway ang Prinsesa at kanyang kaharian sa iyong naging pasya”, sambit ng Hari ng mga Ibon kay Alberto habang papalapit ang Manlalakbay sa kanyang trono.

“Oo.”, maikling tugon ni Alberto.

“Mula ngayon ay asahan mo ang tulong ng mga ibon, saan man at kailan man mo ito kailanganin.”

“Maraming salamat.”

Nakangiting nagkatinginan si Alberto at ang kanyang mahiwagang Kabayo. Niyakap ni Alberto ang kanyang Kabayo na tinugunan naman nito sa paghalinghing. Nakatatak sa kanilang isip ang paninindigan sa tama at katarungan, kahit pa nangangahulugan ito ng pagharap sa mga makapangyarihang kalaban.


“Pagod na ako, Neni!”

“Sige, Alberto, pwede ka nang matulog pero kailangan mo munang linisin ang mga krayola mo.”

“Okay.”

Gumising nang maaga si Alberto at maliksi pang naghanda para sa almusal. Nababahala pa rin si Neni sa pagkapuyat ni Alberto ngunit walang puyat na hindi malulunasan ng mahimbing na pag-idlip.

Tinulungan ni Neni si Alberto na linisin ang kanyang mga pangkulay ngunit nagtataka si Neni sa patuloy na pagguhit ni Alberto sa mga larawang animo’y mukhang payong.

“Neni! Tingnan mo itong ibon!”, sambit ni Alberto habang ipinapakita ang kanyang iginuhit na mas malaki pa kumpara sa iba pa niyang nagawa.

“Ang galing mong gumuhit! Maglinis na tayo para makatulog ka na, ha?”

“Sige!”


*Kahangian – ang ikalimang salop sa kalawakan


“Alberto it’s time for bed!” Neni shouted from the hallway. She checked Alberto’s bedroom and was surprised to find him already under the covers.

She had noticed that he was less energetic than usual and she was worried that he wasn’t sleeping well.

“Neni I’m going to sleep!” Alberto said from under his blanket.
There wasn’t much she could do. Neni switched the lights off and told Alberto to have good dreams.

“I’ll see you in the morning. We’ll go to the park tomorrow okay?” She said as she walked out of his room.

“Neni! Time to sleep!” was Alberto’s reply.


Alberto yawned as he rode his winged steed through the clouds. It felt like only yesterday when one of the princesses of Kahangian*asked Alberto and his horse to stave off an invasion.

Alberto knew he couldn’t say no. When adventure calls he only had one answer.

But Alberto wished this adventure would end soon. Victory seemed out of reach as the endless onslaught of birds came wave after wave.

These were no ordinary birds. They flew like umbrellas along the clouds of Kahangian. The princess told Alberto that the birds would usually keep to themselves, but something must have happened to rile them up. She was afraid that this was only the beginning of a larger assault on her realm.

Alberto and his horse spent the last few weeks rerouting the birds away from the kingdom. As much as the princess wanted him to use force, Alberto could not bring himself to harm the birds.

After redirecting the latest wave of birds Alberto was summoned to the princess’ chambers.

She told him that it was time to end this. Redirecting the birds was a waste of time if they just kept coming back. She gave Alberto a box and told him to go to the king of the birds and slay him.

Alberto opened the box and was surprised to find a sword with his name engraved on it. It felt heavy in his hands and he looked at the princess and shook his head.

He would not do as she asked. Violence wasn’t the answer, at least not to him. He left the box in the princess’ chambers and went to his horse.

This would end, but on his terms.


Alberto’s horse smiled. As a horse he was used to keeping his opinions to himself but today he couldn’t help it.
He was proud that he made the right choice in Alberto. The birds weren’t violent, at most they were a nuisance to the princess’ kingdom.

They flew through the clouds with as much grace as the horse could muster. As adept as he was with galloping, the horse was clumsy with his wings. They barreled through the surge of birds ahead of them, Alberto had to spit out a few feathers, but eventually they came upon the roost of the king of birds.

Alberto’s horse bowed his head. As much as he was a horse, he was also part bird, and there were certain rules that you had to follow to make sure the other birds wouldn’t get mad at you.
The king of birds was enormous, his large frame almost blacking out the sun. He took one look at Alberto and his horse and said, “Who are you and why are you here?!”

Alberto’s horse was still looking at the ground when he heard Alberto answer.

“Why you attack the kingdom?”

“Strange human, I attack nothing. I am just trying to get back what belongs to me.”

Alberto’s brow creased in confusion.

“But princess said you attack!”

“The princess was the one that started this. She and her kingdom stole my crown! I’ve been sending my birds to her kingdom to get it back.”

“But princess said—-“

The king of birds whirled around and put his beak up to Alberto’s face.

“I’ve heard of you, human. You and your bentohangin have made quite a name for yourselves in this realm. And I am asking you, please, get my crown back and I will tell my birds to stop.”

Alberto looked at his horse and they nodded in unison.


The princess stared at her mirror as her servants brushed her hair. She had not calculated that the human would reject her gift, but no matter. A few bats of her eyelashes and some tears would certainly do the job the next time.

She bade her servants to leave her alone and walked to a hidden door in her chambers. In it was a chest and in that chest was her prize.

It was the most beautiful headpiece in all of Kahangian, inlaid with fallen stars and made from gold straight from Ginton’s forges. Such beauty should only belong to her, the fairest princess in the clouds.

“L—-I—-A—-R!” Alberto’s voice rang through the princess’ chambers.

The princess managed to catch the crown as it fell through her fingers. She had not expected the human to be back so soon.
“You’re a liar!” Alberto shouted again.

“I’m so glad you’re here! The birds have been trying to steal from me!” It was time for the tears. The princess was familiar with this tactic, many heroes had fallen for her charms and this one would be no different.

“That’s not your crown!” Alberto and his horse moved towards the princess.

“This is my father’s! The birds are jealous of its beauty and keep trying to take it from me, but you won’t let them will you? Please help me!” Tears were flowing down her cheeks as she looked into Alberto’s eyes.

“L—–I—–A—–R!” Alberto grabbed the crown from the princess and ran towards his horse.

“Guards! Get them!”

Alberto and his horse were experts and running away. The guards tried to catch up to the pair but once you’ve escaped from the flying serpents guarding Ulilankalulua’s grave everything seems like a turtle in comparison.

“You are not welcome here!” The princess shouted through the clouds, “We will hunt you down!”

The birds flocked Alberto and his horse. They were overjoyed at the sight of the crown and accompanied them to their king’s throne.

“You have made yourself an enemy of the princess’ kingdom.” The king of birds said to Alberto.

“Yes.”

“Thank you, know that the kingdom of birds will help you, whenever you will need it.”

“Yes.”

Alberto looked at his horse and smiled. Alberto’s horse hugged his companion and neighed. They knew they made the right choice, even if it meant making a powerful enemy.


“Neni! I’m tired!”

“Okay Alberto, you can take a nap soon. Let’s clean up your crayons okay?”

“Okay.”

Today Alberto woke up early and even got ready for breakfast in time. Neni was still worried that he wasn’t getting enough sleep but that was nothing a good nap couldn’t fix.

She helped him clear his crayons and wondered why he kept drawing umbrellas.

“Neni! Bird!” He showed a drawing that was like the other umbrellas but bigger than the rest.

“It looks great Alberto! Let’s clean up and you can take a nap, okay?”

“Okay!”


Continued from the Bentohangin’s tale

*Kahangian is the fifth layer of the universe

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza

Translation by Mathew Juganas
Copyright © Karl Gaverza

Translation Copyright © Mathew Juganas

Inspired by the Hubot description in The Soul Book. Demetrio & Cordero-Fernando 1991.

Hubot Illustration by Edrian Paolo T. Baydo

Color by Alexa Garde
Website: Lexa.us