Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Ikugan – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

July 17, 1961, ganap na ala-una ng hapon, nawala ang isang grupo ng mga kabataan at mga guro sa Orang National Park. Masusi ang paggalugad ng mga Ranger sa lugar na umabot nang ilang oras bago mahinatnan ang nangyari sa nawawalang pangkat.

Ang sana ay masaya at ordinaryong field trip, at paggawa ng sanaysay sa naging karanasan ay nauwi sa malagim na trahedya.

Tatlong nakatatanda ang nagbabantay sa pangkat ng mga kabataan. Unang nakita ng mga Ranger ang katawan ng isa sa mga guro. Ayon sa pagsusuri, marahil pananakal ang ikinamatay ng biktima. Hindi pa natutukoy ang sanhi nito ngunit may katibayan ng matinding pananakal sa kanyang leeg at galos mula rito. Walang tinamong pinsala ang ibang bahagi ng katawan nito. Tila namatay din ang guro sa pagitan ng ilang minuto.

Sa mas mabusising pagsisiyasat, nakita ang mga malalambot na hibla ng buhok sa leeg ng biktima na magsisilbing palatandaang iniwan ng salarin sa iba pang biktima.

Natagpuan ang lahat ng mga biktima sa iisang lugar, sa kakahuyan na puno ng *bagras. Bakas sa bawat biktima ang pinsalang tinamo ng unang katawan na nakita sa imbestigasyon. Ang lahat ng mga biktima ay mayroong pahiwatig ng pagkabigti. At sa lahat ng katawan, muling nakita ang mga malalambot na hibla ng buhok sa kanilang leeg. Ang mga kabataang biktima ay natagpuang may mga bali at galos ngunit natamo matapos silang mamatay. Batay sa autopsya, minuto lamang ang pagitan ng pagkamatay ng mga biktima.

Limang batang babae, siyam na batang lalaki, at tatlong babaeng guro. 17 na buhay ang naputol sa kakahuyan ng bagras.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isinara ang liwasan at matiyagang sinuri ang bawat papalabas na sasakyan. Ngunit sa kabila nito, hindi natagpuan ang kagamitan, o sa halip, bahagi ng katawan na ginamit sa pagpaslang. Wala sa mga bumisita sa liwasan ang tumugma sa mga hibla ng buhok na natagpuan sa mga biktima.

Hanggang sa ngayon, nananatiling bukas at hindi nalulutas pagkamatay ng grupo.

*Bagras – rainbow eucalyptus

=—————————————=

English Version

Case # KGMJ4852

The children went missing July 17, 1961 at about 1pm. Rangers searched the Orang National Park for hours before they discovered what had happened to them.

It was supposed to be a routine field trip, a bunch of grade schoolers and their teachers going through a park and making papers about it after. The children were lead by 3 chaperons.

The first body was of one of the teachers, she looked like she had died from strangulation. The cause was unknown, but there was evidence of violent compression on the neck as well as presence of bruising. It seemed that death was within minutes with no disfiguring physical findings. Strands of soft hair were found on the victims neck, mirroring later findings.

The rest of the victims were found all in the same place, a rainbow eucalyptus grove. Each victim had the same marks as the first body and all showing signs of strangulation, with the presence of the hair on their necks. The child victims show fractures and bruising that were found to be postmortem. Autopsy showed the times of death of all the victims were within minutes of each other.

In total there were 17 victims. 9 boys, 5 girls and 3 female teachers.

The park was put on lockdown and all exiting vehicles were searched but nothing was ever found that would match the presumed murder weapon. No hairs that matched the ones found were present on any of the other park visitors.

The case remains unsolved to this day.

————————–————————–———————

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza

Translation by Mathew Juganas
Copyright © Karl Gaverza

Translation Copyright © Mathew Juganas

Story inspired by Ikugan entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Ikugan Illustration by Leandro Geniston from Aklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen