Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Kapre – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

May mga sandaling maaaring umunat sa iilang taon kung ito ay hahayaan. Maraming panginoong pinagsisilibihan ang panahon subalit, ayon sa aking natutunan maraming taon na ang nakalipas, walang panginoon na mas makapangyarihan kaysa sa takot.
Iyon… Siya… Hindi ko mawari kung paano ko ilalarawan kung ano man iyon na nakita ko. Bigla lang yaong nagpakita sa harap ko—hindi, hindi biglaan. Aking naalala ang pagpapagaspas ng mga dahon, ang impit na halakhak ng isang lalaki, at ang amoy ng tabako. Ang mga kaganapang ito ay hindi ko malilimutan kailanman.

Siya’y matangkad, mas matangkad pa siya kaysa sa sinumang taong may karapatang maging. Humithit siya mula sa kanyang abano at ang titig niya’y hindi lumisan sa akin.

Teka, nauunahan ko na ang sarili ko. Noong araw na iyon, inaatupag ko ang mga gawaing bahay sa may bukid na katabi ng kagubatan—pagsampay ng mga damit na aking nilabhan at pagtitiyak kung pwede nang anihin ang mga pananim. Dahil sa pagod, ako’y napasilong sa ilalim ng puno ng Balete at napaidlip.
Naalimpungatan ako at aking napagtanto na naroon na siya sa tabi ko. Biglang waring nakabibingi ang katahimikan at nagkatitigan kami nang matagal… Matagal na parang ilang araw ang dumaan hanggang kaniyang binasag ang katahimikan.

“Magandang araw, aking liyag.”

Nakarinig na ako ng mga kuwento tungkol sa mga kapreng nahuhulog ang loob sa mga babaeng mortal. Naaalala ko pa ang kuwento ng isang babaeng nagngangalang Juana na sinubaybayan ng palihim ng isang kapre. Nagpalit anyo pa raw ito at nagmistulang kasintahan ni Juana. Makalipas ang panahon, ito’y binaril daw ng mga pulis ngunit nang sila’y lumapit, isang matangkad na puno ng saging na butas-butas dahil sa bala ang kanilang nadatnan.

Hindi na ako maililigtas ng mga bala, hindi ko alam kung ano pa ang makakaligtas sa akin ngayon. Pagkasabi niya ng iilang salitang iyon, aking naramdaman ang pamamanhid at pagkaparalisa ng aking katawan dahil sa labis na takot. Maluha-luha ko siyang sinagot,
“Hindi kita mahal, ni hindi nga kita kilala,”

At aking nabanaag sa kanyang mukha ang lahat ng kinakailangan kong malaman. Siya’y aking nasaktan. Mas nasaktan ko siya nang labis sa sinabi ko ngayon kaysa kumuha ako ng baril at binaril ko siya.

Ninamnam niya sa isa pang paghithit ang kaniyang tabako at saka ngumiti.

“Makikilala mo rin ako at iyong mamahalin,”

At sa puno siya ay naglaho.

Ang kakatwa ay hindi siya nagkamali. Ang mga taon ay lumipas at sinapantaha ko na ako ay kaniyang susubaybayan, ngunit hindi ko inaakala na itong halimaw… na siya ay magiging matalik kong kaibigan. O kung tutuusin mas malalim pa sa magkaibigan ang magiging relasyon namin.
Ang buhay ay puno ng mga inaasahan na hindi kailanman natutugunan—liglig pa ito ng maraming bagay na tunay na nakamamangha.

Naroon ang Kapre sa bawat durog na puso, bawat hidwaan sa mga magkakadugo. Nang mawala ang buhay na pumipintig pa lang sa aking sinapupunan at habang lumaking malakas ang iba kong supling dili ba’t naroon din siya.

Nadarama ko na nandiyan siya sa mga pangkaraniwang sandali, ang animo’y mga maliliit na bato na pumapatak sa bubong, ang samyo ng kaniyang tabako kasabay ng hangin na parang humahalik sa aking pisngi. Alam kong nandiyan siya… lagi. Isang piping tagapagtanggol.

Bilang kabayaran, ang sinomang nais magdulot ng kapahamakan sa kaniyang tahanan ay hindi ko pahihintulutan. Ang Balete na iyon ay akin ding naging tahanan.

Hindi mabilang ang mga gabi sa ilalim ng punong iyon na pinagmamasdan ko ang mga bituin habang siya’y nagbabantay sa akin. At matapos ang walong dekadang kasabay ng mga tag-init na sumapit at lumisan, nanatili pa rin ako dito. Dito sa lilim ng punong Balete kasama ang aking mangingibig.

“Nakilala kita. Ikaw nga at ika’y aking inibig.”

=—————————————————————–=

English Version

There are moments that stretch into years if you let them. Time has many masters, but none more potent than fear, this I learned many years ago.

It….He… I don’t know how to describe whatever it was. It just suddenly appeared before me, no, not suddenly. I remember the sound of rushing leaves, the soft laughter of a man and the smell of tobacco. I could never forget it.

He was tall, taller than any human had any right to be. He took a puff from his cigar and just stared at me.

I’m getting ahead of myself. I was doing chores in the field next to the forest, drying the laundry and making sure that the harvest would be ready when I sat under the Balete tree for some shade.

I woke up and he was there. We stared at each other for what felt like days, until he broke the silence.

“Hello, I love you.”

I had heard stories of the Kapre falling in love with human women before. I even remember a story of a girl named Juana who was stalked by her Kapre and the creature even changed form to be that of her lover. It was shot at by police officers but when they looked at the creature they only found a tall banana tree with bullet holes.

Bullets couldn’t save me now, I didn’t know what could. Three simple words were all that it took to paralyze me with fear and I cried as I said my reply.

“I don’t love you, I don’t even know who you are.”

The look on the Kapre’s face told me all I needed to know. I had hurt it. Far more than if I had taken a gun and shot it.
He took another drag out of his cigar and smiled.

“You will know me, and you will love me.”

Then, he vanished into his tree.

The strange part was he was right. Years had passed and I expected to be stalked by a monster, I had never expected that it… he… would become my friend, and then something more.

Life is full of expectations that are never met; it is even more full of surprises.

The Kapre was there through every broken heart, every fight with my family. He was there when I lost my first child, and when my other children grew to be strong.

He would show his presence in the small ways, a shower of stone outside my house, the smell of his cigar wafting on the wind, but I always knew he was there. A silent protector.

In return I would never let anyone harm his home, the Balete tree was as much my home as it was his. I spent countless nights, watching the stars with him watching over me.

And here I sit, 80 summers have passed through my life and I am under the Balete tree with my love.

“I know you, and I have loved you.”

=————————————————————–=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Translation by Dominique Ishmaielle
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Dominique Ishmaielle

Inspired by the Kapre Myths and description in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Kapre Illustration by Abe Joncel Guevarra