Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Mambababoy – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

Hulyo 7, 1988

 

Nagsampa ng reklamo ang mga may-ari ng babuyan ukol sa kalagayan ng kanilang mga alagang hayop. Nakita na lamang nila ang kanilang alaga na nagkapira-piraso ang mga laman at animo’y kinain ng mabangis na hayop. Nangyari ang pagsalakay sa ilang may-ari lamang at sa hindi matukoy na dahilan. Ang mga testimonya ng mga may-ari ng nasabing babuyan ay nakalahad sa ulat.

 

Joselito Guevarra, edad 52

 

“Nasa labas ako at inaabangan ko kung ano mang pumapatay sa mga alaga kong baboy. Mayroong tila isang malaking anino at hindi ko matukoy kung ano. Marahil ay kasing laki ito ng isang baka. Nasaksihan ko na pumunta ito sa kulungan ng baboy at isa-isang pinatay ang mga naroon. Talagang kakila-kilabot ang naganap.

 

Teresito Cruz, aged 58

 

“Narining ko lamang na ang nakakabinging pagtangis ng mga baboy. Hindi ko batid kung ano ba ito pero tila may dala itong kalupitan. Sinakmal nito ang leeg ng ilang baboy at ilan ay pinabayaang dumugo lang.”

 

Alfonso Moreno, edad 63

 

“Isa itong aswang, sigurado ako doon. Dito sa mga bahagi ng Marinduque, mayroong mga aswang na kayang magpalit ng kaanyuan at tanging baboy lang ang binibiktima.”

 

Vicente Cabarro, edad 61

 

“Nabigla na lang ako. Natutulog ako ng marinig ko ang malakas na pag-iyak ng alaga kong mga baboy. Nang lumabas ako upang tingnan sila, nakita ko na lang na nakahandusay ang mga ito sa lupa at wala ng buhay. Kitang-kita ang kagat sa kanilang mga leeg.

 

Paolo Nesperos, edad 43

 

“Yung ibang nag-aalaga ng baboy din siguro ang  may pakana nito. Ayaw nila ng mga ka-kompetisyon, kaya’t marapat na pinapatay nila ang alaga ng iba para makapaghiganti lang.”

 

Kung ano man ito, natigil ang patayan sa mga baboy limang buwan matapos ito iulat sa kinauukulan. Kung nagkataon man ito o hindi, ito rin ang parehong panahon na umalis si Teresito Cruz at nagpakalayo-layo. Siya ang tinuturong salarin sa nangyari pero walang sapat na katibayan laban sa kanya upang iusad ng mga pulis ang kaso.

=————————————–=
English Version

 

Case # KJGM1771

July 7, 1988

Farmers have filed a complaint that their livestock has been found mutilated and in some cases eaten by a wild animal. The attacks only happen during the night with some of the farmers unable to see what the cause was. Testimonials of the farmers are included in the report.

Joselito Guevarra, age 52

“I was out at night waiting for whatever it was that was killing my pigs. There was a giant blur of black and I couldn’t make it out It may have been as large as a bull. I saw it come into the pig sty and attacking the pigs one by one. It was a slaughter.”

Teresito Cruz, age 58

“I only heard the sound of the pigs as they squealed.. I don’t know what it was, but it was cruel. It bit the throats of my pigs and left some of them to bleed out.”

Alfonso Moreno, age 63

“It was an aswang, I’m sure of it. In these parts of Marinduque there are aswang that can change their form and only hunt pigs.”

Vicente Cabarro, Age 61

“It was a surprise. I was sound asleep when I heard the squealing of my pigs. The moment I went out I saw their bodies all on the ground. Something had taken bites out of their throats.”

Paolo Nesperos , age 43

“It might be some of the other farmers, they don’t like that the other pigs are growing fatter than theirs so they take revenge by killing the pigs.”

Whatever the case, the killings stopped 5 months after they were reported. Coincidentally or not it was also the time when Teresito Cruz had moved away, the other farmers blame him for their pigs being slaughtered, but there is not enough evidence against him for the police to act.

=—————————————————–=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by the Mambababoy legends from Marinduque

Mambababoy Illustration by Glendford Lumbao
Behance: https://www.behance.net/glendfordlumbao