Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Nangangatok – Tagalog Translation

 

*Note this story is in Tagalog

Iilan lang marahil ang mahilig mag-backpacking, at sayang, dahil maraming napaka-gandang tanawin na wala o malayo sa mga madalas puntahan ng mga turista. Sa oras na umiba ka ng daan o pumunta sa hindi madalas puntahan, matutuklasan mong napakarami pang maihahandog ng mga pamayanan at mamamayan sa kanayunan.

Nag-umpisa ang paglalakbay ko sa Pilipinas sa isang munting bayan na ‘di kalayuan sa Maynila. Matapos ang pakikipagsapalaran sa ilang bus at dyip, namahinga ako sa isang maliit na pamayanan sa paanan ng bundok na kung tawagin ay Sta. Montinola. Gutom na gutom na ako nu’n kaya agad akong tumigil sa isang bulaluhan at nakipag-usap sa mga taga-roon.

Mababait ang mga taga-Sta. Montinola, kinuwentuhan nila ako tungkol sa mga magagandang lugar na dapat ko daw bisitahin sa bayan nila. Mga maiinit na bukal, bulubundukin, mga ilog—lahat ay mga pangitaing ‘di ko inakala ang ganda. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mas gusto ko ang backpacking. Mas nabibigyan ka ng pagkakataong tuklasin ang mga lugar na maaaring sa mga mapa o travel blogs ay hindi pa nailalathala—makikita mo at masusulit ang ganda ng isang lugar nang ikaw lang at walang kahati.

Ang mismong bayan palang nila ay kaakit-akit na—naglipana ang mga estrukturang kahali-halina. Kakatukin ko na sana ang isang bahay nang nagmamadaling pinigilan ng isang taga-roon ang aking kamay. Ipinaliwanag niya na ang pinto sa bahay na iyon ay napapalibutan ng bubog at mas mainam na gamitin ko na lang ang doorbell. Tinanong ko siya kung bakit naglalagay ng mga ganung bagay sa pinto, gayong alam naman nilang nakakasakit ang mga iyon. Nagkibit-balikat lang siya at sinabing ganu’n talaga ang kalakaran sa kanilang bayan. Aniya, mas pinapahaba nu’n ang kanilang buhay.

Marami pang nakalagay at nakapalibot na mapanganib na bagay sa pinto. Sa hotel na tinuluyan ko, may mga pakong nakakabit sa lahat ng pintuan sa pasilyo. Tinanong ko ang manager tungkol sa bagay na ito at ang sabi niya ay isa daw itong pamahiin upang itaboy ang mga masasamang espiritu. Sabi niya pa, hindi nila bubuksan ang pinto sa sinumang hindi gagamit ng doorbell.

Kataka-taka at mapanganib ang pamahiin nila, kung iisipin ko palang ang lahat ng mga aksidente na puwedeng mangyari dahil du’n, ako mismo ay maaaksidente na.

Ngunit ayaw kong husgahan ang mga taga-rito. Ang mga taga-Sta. Montinola ay pala-kaibigan at mukha namang walang naidudulot na masama sa kanila ang ganu’ng tradisyon. Binigyan pa nga nila ‘ko ng schedule para sa mga tanawin at ilog na mainam daw bisitahin bukas para maabutan ko ang paglubog ng araw sa tuktok ng bundok.

Kailangang matulog ako nang maaga ngayon para maaga din akong magising bukas, pero kanina pa may kumakatok sa pinto. Palagay ko ay pinagkakatuwaan lang ng mga bata ang kuwarto ko dahil sa tuwing bubuksan ko ang pinto ay wala namang nandu’n.

Tatanungin ko ang manager tungkol dito bukas.


English Version

A lot of people don’t have the best impression of backpacking, but there are a lot of things worth seeing. Once you get off the regular roads, away from all the tourists and really settle down in the rhythm of the local life you’ll discover just how much it has to offer.

I went to a small town not far from Manila to start my journey in the Philippines. After a few misadventures with some buses and some jeepneys, I stopped by this tiny community on the edge of a mountainside called Sta. Montinola. I was hungry so the moment I saw a Bulalo shop, I dropped my bags and did my best to interact with the locals.

They were very kind people, they told me all about the places I should visit around their town. The hot spring, the mountainside and the beautiful river were all wonderful surprises. This is why I enjoy backpacking. You get to see sights that aren’t on any tour map or travel blog. You get to see the beauty of the area on your own.

The town itself had very interesting architecture. I was about to knock on a door when a local grabbed my hand and stopped me. He explained that the door was covered in bubog (broken glass) and that I should use the doorbell instead. I asked why they would put something so dangerous on a door and if it causes accidents but the local just said that that’s the way they do things in this town, it helps people live longer.

The doors seem to be covered with dangerous things. In my hotel there are some nails attached to the front of all the doors in the hallways. I asked the manager about this strange tradition and she said it was to ward off evil spirits. She told me that they would never open a door to anyone that doesn’t use the doorbell.

It seems like an odd thing to do in a town and very dangerous. I don’t want to think about all the accidents that might happen with those sharp things on the doors. It just seems overkill.
But I don’t want to judge the locals. They’re very friendly people and it seems to be working out for them. They even gave me a schedule of when I should go up the river so I can see the sunset.

I should sleep early tonight so I can get a head start, but someone keeps knocking on my door. I think it’s a prank by one of the local kids because every time I open the door no one’s there.

I’ll talk to the manager about it in the morning.


Written by Karl Gaverza
Tagalog Translation by Alpine Moldez
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Alpine Moldez

Story inspired by the ‘Nangangatok’ entry in Myth Museum. Medina. 2015.

Watercolor by Tara Singson
IG: https://www.instagram.com/tarabell93/