Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Usikan – Tagalog Translation

 

*Note this story is in Tagalog

Dumaloy sa dugo ng lalaki ang hiwagang kaniyang taglay, sabay sa nagngingitngit niyang poot. Hindi ito tulad ng ibang pagkakataon na siya ay maghihiganti kapalit ng salapi. Bakas sa pagsakal niya sa manika ang labis na pagninilay kung gaano kapersonal ang bagay na ito sa kaniya.

May natatanging dalawang paraan kung paano tataglayin ng isang tao ang kakayahan sa usik. Ang una ay ang pagbibigay ng pasasalamat sa mga diyos ng kadiliman bilang pagtanaw ng utang na loob sa kapangyarihang pinagkaloob bilang kakambal mula pagkapanganak, na buong buhay ay tataglayin niya ito kaakibat ng kaalaman sa paglilipat ng hiwaga mula sa isang katawan.

At naroon sa kaniyang tabi ay ang kaniyang alalay na mag-aaral, ang patunay sa ikalawang paraan sa pagtataglay ng usik. Maaari pa ring ituro ang hiwaga ng usik sa iba, isang pag-aaral na puno ng hilahil, na maituturing na kabaliwan kung susubukan ng isang palalong tao, ngunit ang sumpa ay mapang-akit pa rin s mata ng mga desperado at mapaghiganti.

Muli niyang tinitigan ang manika at nanatiling walang kibo. Isa itong digmaang hindi gagamit ng tabak, at nag-aalangan siya kung nais niyang tapusin ang digmaan sa isang iglap lamang. Inalala niyang ang alalay na mag-aaral ay hindi niya dugo ni laman, ngunit nag-alaala pa rin siya rito sa paraang mag-aalala ang isang halimaw sa kaniyang mga kauri.

Ang unang pagkakataon na nagtagumpay ang alalay sa pagsasagawa ng sumpa ng usik ay itinuturing niyang isang espesyal na araw sa tanang buhay niya hindi lamang bilang isang guro. Tanda niya pa ang ngiting ipinamalas habang pinapakinggan ang sigaw ng unang biktima ng mag-aaral ng ilipat nito ang bubog sa katawan ng biktima, hilig pa man din niya ang klasikong pamamaraan.

Dangal ang pumuno sa kanila ng gabing iyon. Dangal din ang sisira sa kanila sa gabing ito.

Paupos na ang apoy ng lamparang nagbibigay ng malilim na liwanag ng makaramdam ng pangangati ang lalaki sa kaniyang pisngi. Kinamot niya ito at maya’t-maya ay may malilit na butil na nahulog mula rito.

Butil ng mga buhangin.

Tanda ng panghahamon at pangkukutya.

Mula rito ay alam niyang nagsimula na ang digmaang hinihintay niya. Isang laban sa pagitan ng guro at ng kaniyang mag-aaral hanggang sa tuluyang manaig ang isa. Sa kailaliman ng kaniyang puso, kung mayroon man siya nito, ay ninanais niyang hindi na sana pa humantong dito sapagkat maaari namang hindi lamang iisa ang tataguriang usikan sa buong baryo.

Ang tanging hindi niya lamang matanggap ay ang pagtaliwas ng mag-aaral bilang respeto sa guro at hindi niya tutulutan ang isang tutang nagyayabang na mangangagat bagamat sa pagtahol pa lamang ito natututo.

Muli niyang hinawakan ang manika sa mga kamay at minabuting magsaksak ng talim sa mata ng mga manika. Wala ng dahilan pang patagalin pa ang labang ito.
Malalaman na ng palalong mag-aaral kung ano ang pagkakaiba ng kapangyarihang natutunan sa kapangyarihang likas na taglay.


The magic flows through the man, and so does his anger. This time it isn’t about being hired to carry out some petty revenge, as he clutches the doll he thinks about how personal this matter is.

There are two ways the usik can move through a person’s body. The man thanks his dark gods that he was born with the power, he had lived with it his whole life and knew the small ways the magic could move from one person to another.

Then there was his apprentice. The usik could be taught to others, it was an excruciating process, one that no normal person would be crazy enough to try, but then again the curse always attracted those desperate or cruel enough to learn its ways.

He stared at the doll and sat in silence. This was a war unlike any that would be fought, and he didn’t know if he wanted to stage a preemptive strike. The apprentice was not his flesh and blood, but the man still cared about his student in the way monsters cared about their own kind.

The first time his apprentice ever successfully practiced the curse was a proud day in the man’s life. The boy chose shards of glass to transfer into the victim’s body, the man had a soft spot for the classics and smiled as the screams of the victim echoed through the night sky.

Pride was all they felt that night. Pride would also be his downfall.

The candle was slowly burning away when the man suddenly felt an itch in his cheek. He scratched until small grains fell out.

Sand.

A challenge and an insult.

Now the war had truly begun. Master and apprentice would battle until only one of them would be left. The man wished it didn’t have to be this way, truly, in his heart he believed that there was room for more than one usikan in the village.

But he could not tolerate disobedience and he would certainly not tolerate a young upstart trying to show people the power he had just barely earned.

The man took the doll in his hands and set a few razorblades inside where the doll’s eyes were. There was no point in dragging the battle longer than it had to be.

The young apprentice was about to learn that true power is something that you are born with.

————————–————————–————————

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Tagalog Translation by Mitch Johnson Abel
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Mitch Johnson Abel

Inspired by the Usikan description in Cebuano Sorcery: Malign Magic in the Philippines. Lieban 1967.

Usikan Illustration by Leandro Geniston from Aklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen

Color by Yanna Gemora
FB: Yannami