*Note this story is in Tagalog
Muli akong nagising, nagimbal ang buong bulwagan sa mga sigaw ko.
Si Sister Ella ang unang nagpunta sa akin, siya ang laging nariyan sa lahat ng bangungot ko.
Hindi nila puwedeng malaman ang pinanggalingan ko.
Inilabas niya ang rosaryo at nagsimula kaming magdasal. Sa sandali ring iyon ay para akong binalot ng banayad na alon at tuluyang kumalma.
Hindi sapat ang pasasalamat para sa pagkupkop nila sa akin. Bihira lang ang taong magtitiwala sa isang estrangherong inanod sa kanilang pampang, pero ang mga madre ay hindi nagdalawang-isip na tumulong.
Isa akong kaluluwang kailangang sagipin.
Normal lang ang sumunod na araw, tutulong ako sa mga gawain sa kumbento, magninilay, at susubukang umangkop sa bago kong buhay.
Ang pagbabasa ng Bibliya ang paborito ko sa lahat. Kahit noong bago ako mapadpad sa kumbento, pagbabasa na ang paraan ko ng pagtakas sa reyalidad.
Iyon lang ang tanging mahalaga sa akin.
Magkakaroon daw ako ng kapayapaan sa tulong ng pagdarasal, sabi ng mga madre. Pero wala silang alam sa mga nakita ko, kung paanong ang pagkawasak ng sangkatauhan ay ilulubog ang lahat pati ang magagandang bagay.
Umiling ako at sinubukang kalimutan ang nakaraan.
Ito na ang buhay ko ngayon.
O akala ko lang ‘yon.
May mga oras na magkakasama kaming nagbabasa at pag-uusapan ang Bibliya at pilosopiya. Isang araw ay pinag-usapan namin ang pitong kasalanan. Naiisip ko pa lang iyon ay ayaw nang tumigil ng kamay ko sa panginginig.
Napansin ni Sister Adeline ang pagiging balisa ko at sinabi sa lahat na magpahinga muna kami. Tinabihan niya ako at saka nagtanong kung ayos lang ako.
Tanging pag-iyak ang naisagot ko sa kaniya.
Nagpaalam siya sa mga kasama namin at inaya ako sa mas tahimik na lugar.
Tinanong niya ako kung gusto ko raw bang subukang mangumpisal, baka sakaling mapagaan daw nito ang loob ko.
Marahan akong umiling at sinabing hindi niya maiiintindihan. Hindi niya maiintindihan ang lahat ng pinagdaanan ko.
Tumango siya at ngumiti. Hindi na niya pinilit pang alamin, pero pinayuhan niya akong ilabas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng salita. Sumang-ayon ako.
Dahil iyon sa hangin.
Wala tayong alam.
Hindi tayo nakinig.
Hanggang sa binalot ng kadiliman ang buong daigdig.
Hanggang…
Huminto ako at hinayaang lumabas ang mga luha ko.
Sa katahimikan ay tinanong ako ng madre kung ano ang ibig kong sabihin sa “tayo”?
Tumayo ako at umalis. Tanga. Muntik ko nang masabi kung saan ako nanggaling.
Ilang linggo mula nang humupa ang mga bangungot ko, lumilipas ang mga araw nang hindi ako sumisigaw.
Ang mga araw na inilagi ko sa kumbento ang ilan sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Pero alam kong hindi ito magtatagal.
Nawala man ang mga bangungot ay nariyan pa rin ang mga panaginip.
Inuudyukan akong bumalik sa isla kung saan ako isinilang at subukang baguhin ang sarili.
Ang mga panaginip ko ba ang penitensiya ko?
Kailangan kong bumalik sa dati kong tahanan.
Tinipon ko ang kaunti kong gamit at nag-iwan ng papel kung saan nakasulat ang isang salita.
Polobulac.
Sumakay ako ng bangka para makita kung ano ang nangyari sa isla ng mga bulaklak.
Ang pitong itim na bato ang siyang nagpatunay ng pagbagsak ng sangkatauhan.
Habang papalapit ako ay naririnig ko ang halo-halong mga bulong.
Pagdurusa. Pagkawasak.
Babala. Paghahatol.
Pagnanasa. Pag-aadya.
Kamatayan.
Tumapak ako sa natitirang lupa ng isla, ang huling anak ng abo at kasalanan.
Bumalik ang mararahas at matatalim na alaala.
Ang pitong boses.
Ang pitong haligi ng apoy.
Ang panahon na binalot ang araw ng kadiliman.
Ang unos.
Lumuhod ako at nagpalamon sa natitira nilang kapangyarihan.
Kahit saan ako magpunta ay natatagpuan nila ako.
Pero ngayon, ako na ang kusang sumuko.
Salamat sa mga madre.
Mahahanap ko na ang kapayapaan ko.
=—————————–=
English Version
I woke up again, my screams reverberate through the halls.
Sister Ella was the first to come to me, that poor woman has been with me through all my terrors.
I can’t let them know where I came from.
She takes out a rosary and we begin to pray, and in that moment, calm washes through me like a gentle wave.
I can’t thank them enough for taking me in. Not many would trust a stranger that washed up on theirshores, but to the sisters it didn’t matter.
I was a soul that needed saving.
The next day was like any other, I would help do chores around the convent, do my daily meditation and try to adjust to my new life.
Reading scripture was my favorite part, even before stepping foot in the convent books were my escape.
They were the only things that mattered to me in the end.
The sisters told me I would find solace in prayer. They didn’t see what I saw, how human failings would drown out even the best of people.
I shake my head and try to forget the past.
This is my life now.
Or so I thought.
There were times when we would read and discuss scripture and philosophy together. That day we discussed the seven sins. My hands wouldn’t stop shaking at the mere thought of them.
Sister Adeline saw my discomfort and called for a break. She sat next to me and asked me if I was alright.
The warm heat from my tears was all the answer she needed.
She and I excused ourselves and went to a quieter place.
She asked me if I had considered confession, that maybe that catharsis would make me feel better.
I calmly shook my head and told her she wouldn’t understand. Not with what I had been through.
She nodded her head and smiled. She wouldn’t presume to know that, but she asked me to put my feelings into words. I agreed.
It was the wind.
We were ignorant.
We didn’t listen.
Until the blackness rolled through the land.
Until…..
I paused for a moment to let my tears out.
In the silence, sister asked me, what did I mean by “we”?
I stood up and left. Stupid. I almost told her about where I came from.
In the weeks that followed the night terrors subsided, I could get through some days without screaming at all.
The days spent in the convent were some of the best of my life.
But I know it wouldn’t last.
The dreams were there even without the terrors.
To go back to the island of my birth, and make amends.
Were the dreams my penance?
I needed to go back to my old home.
I gathered what meager belongings I had and left a note with only one word.
Polobulac
I took a boat and saw for myself what happened to the island of flowers.
7 black rocks stood testament to a fallen people.
As I go closer, I can hear their mixed murmurs.
Torment. Devouring.
Warning. Condemnation.
Desire. Avoidance.
Death.
I stepped on what remained of the island, the last daughter of ash and sin.
The memories came back, harsh and jagged.
The seven voices.
The seven pillars of flame.
The day the sun was hidden behind a curtain of dark.
The tempest.
I fall on my knees and let myself be consumed by the remnants of their power.
No matter where I was, they would find me.
But now it would be on my own terms.
Thank you, sisters.
I shall now find my rest.
=————————————–=
*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
Written by Karl Gaverza
Translation by Raquel Jacinto Pombo
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raquel Jacinto Pombo
Story inspired by:
THE FALL OF POLOBULAC. http://www.sacred-texts.com/asia/pfs/pfs13.htm
*This is a tale from Panay. It probably originated with the Spanish fathers, who wished to impress the doctrine of the Seven Deadly Sins on the natives. The islands are just off Iloilo.
The Seven Sins Illustration by Abe Joncel Guevarra
FB: https://www.facebook.com/profile.php?id=100008285862780
IG: @abe.art.ph