Posted in

Tamyaw – 2 Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

“Yumayapak sa lupa, sino kang lumalapit sa akin?”

“Makapangyarihang anito, lumuluhod po ako sa inyo, humihingi ako ng inyong tulong at kalinga.”

“Sabihin mo sa akin ang salaysay mo.”

“Ngayon din po, ginoo.”

=————————=

Hamak man akong matandang ale, nakikita ko pa rin po ang mga pagbabagong gawa ng pag-hampas ng mga hangin. Hindi po ganito noong aking kabataan. Dati, sinasanggahan ng mga puno ang pananalanta ng mga bagyo. Hinahamon ng mga bundok ang lakas ng mga unos.

Ligtas kami.

Ngunit ngayon, mas nakakasira ang mga buhawi. At tanto kong hindi po namin kasalanan ito. Pawang mga natatamaan ng mga dagok ng panahon ang aking mga kawan, ang mga tao pong nakasalalay sa inyong pag-gabay.

‘Tagapag-wasak’ po ang tawag ko sa tinutukoy nilang ‘pagbabago ng klima’!

Umuugong po ang mga dalampasigan sa pag-bugso ng mga alon.

Pasakit po ang dulot ng pag-guho ng mga burol.

At ang mga puno: ang mga puno pong nawala na.

Kaya lumalapit po ako sa inyo nang buong kababaang-loob.

Nakikiusap po ako, para sa mga tao ninyo.

=———————————————=

“Maikwento ko sa iyo, Nanang. Nanginginig ang kaharian ng mga anito sa kapangyarihang ngayon lamang nagpaparamdam.”
“Ipagkaloob n’yo po sa akin ang inyong dunong.”

==——————————————==

Laganap kami noong una.

Dinig ang mga hakbang namin saan man sa pulong silangang ito na kapwa nating tinatawag na lupain natin.

Pagkakamaling isipin na hindi kami namamatay. Maaaring maisilang ang espiritu sa daigdig na ito o sa susunod, mga pasulpot-sulpot na saksi ng daigdig na likas.

Ngunit nang lumipas ang panahon at nagdaan ang mga siglo…

isa-isa kaming nangamatay.

Halos huli na akong natitirang anito na nagtatanggol sa uri niyo.

May mga espiritung ipinanganak sa mga ilang nakaraang sampung-taon–yaong mga nananalanta dito at sa iba pang mga pulo.

Nakikipaglaban kami.

Subalit hindi na mabilang ang aming pagkatalo.

Init at Unos at Gutom at Dugo ang mga bagong espiritung ito at sila lamang ang matitira kapag lumipas kaming mga dating tagapagtanggol ng kahariang ito.

Binigyan sila ng sangkatauhan ng kapangyarihan sa lupaing ito at sa karagatan.

May kapangyarihan ang mga pangalan at walang pakundangang binigyan pa lalo ng tao ng bisa ang mga ito.

Auring. Dante. Huaning. Quedan. Obet. Neneng.

Mga pangalan ng bagyo!

Ninais ng mga tao sa kanilang kahunghangan na pamahalaan ang abot-tanaw at paghandaan ang mga darating na unos.

Pinagtatawanan ko lang ang kanilang kapangahasan.

Ninanakawan ng inyong mga pinuno ang sarili ninyong mga kaban.

Hinaharhar ng mga nagmimina ang inyong mga bundok, walang dumidinig sa sigaw ng mga nuno.

Walang makapipigil sa kanila.

Ni ang mga nuno ng lupaing ito.


Ni ang mga tao ng pulong ito.

Katawa-tawang isipin na bahagi ng mas malaking sangkapuluan ang liping ito.

Ngunit anong napapala n’yo dito?

Mga pagmumukha ng pinunong nakapaskil sa mga pamigay sa kanilang mga mamamayan bilang pampalubag-loob sa kanilang paghihira.

Mga pinunong naglalakbay sa kung saan-saang bansa habang tumatangis ang mga tao sa pag-hingi ng saklolo.

Pagnanakaw. Katiwalian. Kamatayan.

Kung walang halaga sa kanila ang buhay ng kanilang mga mamamayan, bakit pa kaming mga nuno makikialam?

Tulad mo, nakatatanda ako. At pagod na ako.

Sunud-sunod na mga unos.

Mga buhay na nawasak dahil ng kasakiman.

Ikinalulungkot kong sabihin na hindi kita matutulungan.

Padating na ang sunod na espiritung-bagyo, marahas lalo sa anumang dating naramdaman ng mga buto-butong ito.

Kunin mo ang iyong mga tao, Nanang, at ilayo mo sila dito.

Humanap na kayo ng ibang tirahan.

Kita ko sa mukha mong gusto mong sumuway… nauubusan na ako ng salita.

Hindi kayo makakatakas.

Bumibitiw na ang lupa.

Pinapalayo ko kayo, ngunit saan mang lupalop kayo dumapit ganoon din ang matatagpuan ninyo:

Tubig ng karagatang kumukulo dahil sa mga espiritu ng Init.

Paglayas ng mga espiritu ng kabundukan sa mga dating may kapangyarihan.

Takot sa anumang lingid sa kaalaman, pangamba sa anumang alanganin.

Iyan ang daigdig natin, sa diwa at pangkatawan.

=———-

“Iyan ang aking saysayin, Nanang.”

“Sa gayon wala kayong magagawa?”

“Hindi maaayos ang sirang ginawa ng mga taong ito sa magkatambal na abot-tanaw.”

“Hindi sila titigil.”

“Paano pa sila titigil? Malakas ang tinig ng kasakiman at makikinig ang mga ganid.”

“Kung gano’n mamamatay na lang ba kami?”

“Kayo lang ang makakasagot n’yan.”

=————————————-=

English Version

“Walker of the earth, who are you to come to me?”

“Great spirit, I bow to your presence, I ask for aid and protection.”
“Tell me your tale.”
“Of course, venerable one.”

=————————=

I am but a humble, old, woman, but I have seen the changes wrought by the moving of the winds. It wasn’t like this, not like in my youth. In those days the trees would break the destruction from the storms. The mountains would challenge their power.

And we would be safe.

But now the typhoons carry more devastation. And I know it isn’t our fault. My people, the people that pray to you for guidance, are but victims in the tides of the world.

They would cal it ‘climate change’, I say ‘that which brings ruin’.

The beaches moan with bursting waves.

The landslides signal suffering.

And the trees.

The trees that are no more.

I have come to you, with all the humility I can muster.

Please,

For your people.

=———————————————=

“Let me tell you my tale, elder of your people. The spirtit realms trembles wit a power that only reveals themselves now.”

“Please bless me with your wisdom.”

==——————————————==

We were legion then.

The rumble of our footsteps were heard throughout this eastern island we both call our home.

It is a mistaken assumption that we are eternal. Spirits can be born in this world and the next. Popping up as witnesses to the natural world.

But as time passed on to centuries.

We died.

I am almost the last of the spirits attempting to protect your kind.

There are spirits born in the last few decades, those that lay waste to this and other islands.

We try to do battle.

But we have lost countless times.

These new spirits are those of heat and storm, of famine and blood. Only they will remain afther the death of us who were once guardians of this realm.

They have been given power by humans in this land and over the seas.

There is power in names, and humans have foolishly given them even more force.

Auring. Dante. Huaning. Quedan. Obet. Neneng.

Names for the storms.

Humans in their folly , sought to try and control the horizon, they try to prepare themselves for the coming storms.

I laugh at their audacity.

Your own leaders steal from your coffers.

Those that mine the earth bald the mountain slopes, the spirits cry with no audience.

No one can stop them

Not the spirits of the land.

Not the people of this island.

It is laughable to think that your people are part of a greater archipelago.

But what does that give you?

Leaders that plaster their visages on goods meant to sooth the suffering of their constituents.

Leaders that travel to other lands while their people cry out for aid.

Thievery. Corruption. Death.

If the lives of their people mean nothing to them, then whu do the spirits still try.

I am an elder, just like you. And I am tired.

Storm after storm.

Lives lost to greed.

I am sorry, I cannot help you.

The next typhoon-spirit is coming. More deadly than any one these bones have felt.

Take your people, elder.

Take them far away and find a new home.
Your face shows defiance, but alas my own words fail me.

You cannot run.

The earth its shedding its realm.

I told you to go far, but wherever you land it will be the same story.

The spirits of heat boiling the oceans.

The spirits of the mountain abandoning those who once held power.

Fear of the unknown, of the uncertain.

That is the world we live in, both in spirit and incarnate.

=———-

“That is my tale, elder.”

“So there is nothing you can do?”

“These people have done irreparable damage to the twin horizons.”
“They will not stop.”
“How can they? Greed speaks volumes, and those with black hearts listen.”
“So are we just to die?”
“Only you can answer that.”

=————————-=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza

Translation by Ana Rogers

Copyright © Karl Gaverza

Translation Copyright © Ana Rogers

Inspired by the Tamyaw entry in Mga Nilalang na Kagila-Gilalas by Samar. 2019.

Illustration by Angelo Adonis Chavez used with permission from Rob Martin of Pine Box Entertainment and Secret Garden Games