*Note this Story is in Tagalog
Umaalingawngaw ang bulwagan sa mga sigaw ng sakit. Ang mga taong dumaranas ng paghihirap sana ay makapagbigay ako nang kagaanan sa kanilang mga dinaranas. Subalit ngayon, mayroong mahalagang kailangang pagtuunan ng pansin.
Mabigat ang pakiramdam ng aking kamay habang hawak ko ang Bibliya. Matagal ko na ring hindi naisasabuhay ang aking pananampalataya, pero ipinaalala ko sa aking sarili na hindi lamang ito tungkol sa pananampalataya. Nagsimulang manginig ang kamay ko nang alisin ko ang demonyo sa aking nakaraan. Binalot ako ng demonyong ito sa mahabang panahon, ngayon ako na ang may kontrol sa kanya. Higit na akong makapangyarihan kaysa sa kanya.
Sinalubong ako ng pintong gawa sa bakal gayundin ng isang nars. Ipinaalam niyang handa na ang pasyente para sa pagsusuri. Itinanong ko kung ang pasyente ba ay mapanganib bago siya tuluyang lumakad palayo sa akin. Nagkibit-balikat ang nars sabay komento na ang mga pasyenteng tulad niya ay hindi mapagkakatiwalaan pero ang pasyenteng ito ay walang rekord ng pagiging bayolente.
“Tahimik na tao lamang siya Ma’am, tingin ko po ay hindi siya mananakit ng kahit na sino.” Napansin ng nars ang hawak kong Bibliya, “Mabuti at handa kang nagpunta rito. Ang huling doktor na sumuri sa kanya ay hindi nakapaghanda. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na, titingnan ko lang ang iba pang pasyente.”
May malakas na kung anong tunog ang nagpahinto sa aming usapan. Naramdaman ko ang hangin na nagmumula sa mga nagmamadaling nars at nag-iiwan ng pangamba at pag-aalinlangan na mababanaag sa kanilang mga sarili. Ang lugar na ito ay maihahalintulad sa isang ulilang bata, napabayaan at para bang nais nang kalimutan ng lipunan. Ang mga nars ay pagal na ang katawan sa sobrang dami ng trabaho samantalang ang mga pasyente ay nabubulok na ang katawan dulot ng kanilang mga sakit.
Pinilit kong iwasan ang pag-iisip ng iba pang ikadidismaya ko. Kailangan kong ituon ang aking atensyon.Ang pasyenteng ito ay hindi nga mapanganib pero nakatitiyak akong mahihirapan ako sa kanya.
Una kong narinig ang pangalan ni Emilio Eugenio sa huli niyang psychiatrist. Hindi niya nasabayan ang pagiging kakaiba ng kanyang pasyente kaya naghanap din siya ng ibang pagpapasahan nito. Ang kanyang kalagayan ay nagbigay sa akin ng interes na higit pa siyang paglaanan ng oras marahil dala rin ito ng natapos kong thesis na may kinalaman sa mga problema sa pakikipag-komunikasyon. Ito ang kauna-unahang sakit na tinawag kong ‘Context Specific Callback Disorder’ na tingin ko ay maaari pang mapalitan kung may matuklasan pang impormasyon ukol dito.
Makakamit ko na rin ang pagkilalang matagal ko ng hinihintay. Salamat sa mga pasyenteng ito.
_________________________________________________
“Hello Emilio, ako nga pala si Katrina. Ikinagagalak kitang makilala”
Ang pagpapakilala ay sinuklian nang marahas na tugon.
“Ang lahat ng mga kapatid natin sa pananampalataya ay pinaaabutan ka ng pagbati. Batiin natin ang isa’t isa nang isang sagradong halik.
Natarantang hinanap ng doktor ang kanyang banal na aklat. Pansamantala siyang natigilan ngunit nangibabawa pa rin ang mahaba niyang pagsasanay upang maiayos ang kanyang sarili. Hindi niya hahayaang makita ng kanyang pasyente na siya ay nagsisimula nang kabahan. Ang kanyang mga daliri ay napaturo sa pahayag sa banal na aklat, 1 Corinthians 16:20. Agad niyang pinansin ang iba pang pahayag sa aklat, ang huling pagbati ni Paul.
Inayos niya ang kanyang sarili at tumugon, “ Batiin natin ang isa’t isa ng isang halik na may pagmamahal. Kapayapaan kay Kristo at kapayapaan sa isa’t isa.
——————————————————————–
Isa lamang itong maikling talata, talatang may intensyong ibaba ang depensa ng kanyang pasyente. Napapaatras si Emilio sa mga taong nagsasalita sa paraan kung paano niya inaatake ang kanyang kausap.
“Alam kong mahihirapan kang makipag-usap sa akin pero hindi mo ako kaaway,” sabay lapag ng Bibliya sa pagitan nila. “Gusto lang kitang tulungan para gumaling ka. Papayagan mo ba ako?”
“Huwag mo siyang ituring na kaaway, bagkus ituring mo siyang kapatid .”
Muli nanamang gumana ang daliri ng doktor. Ang talata 2 Thessalonians: 15 ay bahagi ng isang mas mahabang paalala laban sa katamaran. Hindi niya matiyak kung kanino ipinatutungkol ang pahayag, kay Emilio ba o sa kanya.
Inilagay niya ang mga files ni Emilio sa tabi ng banal na aklat.
Hindi niya lubos maisip kung paanong ang buong buhay ng isang tao ay magkakasya lamang sa 12 pahina ng papel. Sa pagitan ng mga gamutan at pagsusuri gayundin ng mga naranasang trauma ay ang mga istroya ng hindi makayanang mga paghihirap.
“Kung nalalaman mo, pinagpapala ang mga taong nagsisikap. Narinig mo na ang pagsisikap sa trabaho at nakita kung ano ang kayang gawin ng Panginoon. Siya ay punong-puno ng pagkahabag at awa,” Matamang nakatingin si Emilio sa doktor.
“Marami ka ng pagtitiyagang pinagdaanan, tama ba?” naisip ng doktor sa kanyang sarili. Kinuha niya ang Bibliya at muling nagsimulang basahin ang talata mula sa Lamentations.
“Magdulot man siya ng pighati, mayroon pa rin siyang habag sa napakaraming taong maaawain.”
Inabot ng doktor ang mga files at inilabas ang larawan, larawang nagpapakita ng pagiging payak.
“ Kayong mga magulang, huwag hayaan ang inyong mga anak na mabalot ng pagkamuhi bagkus palakihin sila sa mga pagpapaalala ng Panginoon.” Kinuha ni Emilio ang larawan ng isang batang lalaki, nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.
“Maaari mo bang sabihin kung ano ang nagyari sa kanya?”
“Ngunit ang kanyang anghel na si Michael, hinamon ang demonyo at nakipagtalo kay Moses, hindi niya inakalang magbibigay siya ng hindi makatarungang paghahatol. Ngunit ang sabi, ang Panginoon ay nakipag-usap sayo.”
Tinanggap niya ang mga salitang ito, malinaw na sa kanya ang mga pahayag na ito. Sa simula ng kanyang gamutan, ang mga imahe ng demonyo at ang kapangyarihan nito ang siyang nakapagdulot upang mas lumala pa ang kanyang sakit sa pag-iisip. Kailangan niyang malaman kung anong klaseng demonyo ang kanyang nilalabanan. Naisip niyang sumubok ng iba pang paraan.
“Ngunit ang sabi ko sayo, huwag kang makipaglaban sa demonyo. Pero kung sinampal ka niya, sampalin mo rin siya.”
Naidabog ni Emilio ang kanyang mga kamay sa mesa, nagpupuyos ang kanyang kalooban. Sa wakas! Labanan mo at maging malakas ka sa tulong ng Panginoon. Gamitin ang kalasag Niya na siyang magagamit mo sa anumang pamamaraan ng demonyo.
Dahil hindi tayo nakikipagbuno sa laman at dugo bagkus sa lahat ng kapangyarihan na binabalot ng kadiliman, laban sa kapangyarihan ng mga masasamang espirito.
———————————————————————————
Bago siya makapagsalita, itinuloy ni Emilio, “ Ngunit sinabi ng Panginoon, “Hayaang lumapit sa akin ang mga anak Ko at huwag hadlangan dahil sila ay nabibilang sa Aking kaharian sa langit.”
Ang paghinga ng bawat isa ang pumuno sa silid. Nabuksan na ng doktor ang mga sakit at wala na itong atrasan. Kailangan na niya itong ituloy.
“Maaari mo bang sabihin sa akin kung sino ang babaeng nasa larawan?”
“At ang dakilang dragon ay bumaba, ang sinaunang serpente na tinawag ng demonyo at ni Satanas, ang mapanlinlang sa buong sanlibutan- ibinaba sa mundo kasama ng kanyang mga anghel.
“Ano ang ginawa niya?”
“Nakita ng Panginoon ang kasamaan ng mga tao sa mundo, at ang intensyon ng kanilang mga isip at puso ay puro kasamaan.”
‘Anong kasamaan ito?”
Hindi tumugon si Emilio, ang kanyang mga mata ay naiwang nakatingin sa batang lalaki na nasa larawan.
Pinaalala ng doktor sa kanyang sarili na isa lamang lalaki ang kanyang kaharap. Ang mga naiwang paghihirap ng taong ito ay naiwang naglalaro sa kanyang isipan, naghahanap ng katahimikan sa matagal na niyang pinanghahawakang napakalaga sa kanya.
“Anong nangyari sa kanya?” Alam na ng doktor ang sagot ngunit mas gusto niyang manggaling ang sagot sa pasyente.
“Naghirap, isang bruha na hindi maaaring mabuhay”
——————————————————————————–
English Version
The halls echo with screams of unknown pain. Those poor people, I wish I could give them some solace, but today there is a special case that needs my focus.
The Bible feels heavy in my hand. I haven’t practiced that faith in a very long time, but I remind myself it’s not about faith. My hand starts to shake as I brush off the demons of my past. I was that person for too long, now I have control. Now I have power.
A metal door greets me, as does a nurse. He tells me that the patient is inside and ready for my evaluation. He starts to walk away, and I ask him if the patient is dangerous. The nurse shrugs and comments that you can’t trust the loons in this place, but this particular patient didn’t have any history of violent outbursts.
“He’s a very quiet person ma’am, I don’t think he could hurt anyone,” the nurse sees the Bible I’m carrying, “at least you came prepared, the last doctor didn’t know how to deal with that one. Call me when you’re finished, I’ll be checking up on the other patients.”
A loud bang interrupts our conversation. I feel the air as the nurse rushes past me, leaving a trail of trepidation and concern in his wake. This whole place is like an orphaned child, cast away and ignored by the rest of society. The nurses are overworked and understaffed, the patients festering in their own filth.
I shake off the feeling of disgust. I need to keep my head clear, this patient may not be violent, but he will be difficult.
I had first heard of Emilio Eugenio from his last psychiatrist.
She couldn’t handle his idiosyncrasies and was looking for someone to pass him off to. His case was of particular interest to me as I had done my thesis on communication disorders. This was the first known case of what I had termed ‘Context Specific Callback Disorder’, though I may change the name if I think of something that will jump off the page.
I will finally get the recognition I deserve, all thanks to this patient.
————————–————————–————————–————————–————————–—-
“Hello, Emilio my name is Katrina. It’s nice to meet you.”
The greeting is met with a curt reply.
“All the brothers and sisters here send you greetings. Greet one another with a holy kiss.”
The doctor searches the holy book frantically. She is momentarily shocked, but years of training take over. She will not allow her patient to see her flustered. Her fingers land upon the passage, 1 Corinthians 16:20. She quickly scans the surrounding passages, the final greetings of Paul.
She collects herself and replies, “Greet one another with a loving kiss. Peace to all of you who are in Christ.”
It was short verse, one that had its intended effect of lowering the patient’s defenses. Emilio was taken aback by someone who spoke the way he did.
“I know it will be hard for us to communicate, Emilio, but I am not your enemy,” the doctor puts the Bible between them, “I just want to help you get better. Will you let me do that?”
“Yet do not regard him as an enemy, but admonish him as a brother.”
The doctor’s fingers fly again. The passage 2 Thessalonians: 15 is part of a larger warning against idleness. She was not sure who Emilio was relaying the message to, Emilio or herself.
She places Emilio’s file beside the holy book. It still boggled her mind that a whole life could be summarized in twelve pages. In between the treatments and the trauma was the story of unimaginable hardship.
“As you know, we count as blessed those who have persevered. You have heard of Job’s perseverance and have seen what the Lord finally brought about. The Lord is full of compassion and mercy,” Emilio stared placidly at the doctor.
“You have persevered through a lot haven’t you?” The doctor thinks to herself. She takes the book in her hands and settles on a verse from Lamentations.
“But though he causes grief, yet will he have compassion according to the multitude of his mercies.”
The doctor reaches into the file and brings out a picture, a showing of simpler times.
“And you, fathers, do not provoke your children to wrath, but bring them up in training and admonition of the lord.” Emilio’s arm extended towards the small boy in the picture, tears were falling down his cheeks.
“Can you tell me what happened to them?”
“But when the archangel Michael, contending with the devil, was disputing about the body of Moses, he did not presume to pronounce a blasphemous judgment, but said, ‘the Lord rebuke you.’”
She took those words, and the meaning was clear. In the early days of his treatment, the imagery of the devil and his forces played a great part in his psychosis. She needed to know what kind of evil he was fighting against. She thought she would try another tactic.
“But I say to you, do not resist the one who is evil. But if anyone slaps you on the right cheek, turn to him the other also.”
Emilio slammed his fist against the table, his face wrenched with emotion, “Finally! Be strong in the Lord and in the strength on his might. Put on the whole armor of God that you may be able to stand against the schemes of the devil. For we do not wrestle against flesh and blood but against the cosmic powers over this present darkness, against the spiritual forces of evil in the heavenly places.”
Before she could react, Emilio continued, “But Jesus said, ‘Let the little children come to me and do not hinder them, for such belongs the kingdom of heaven.’”
Their breaths filled the empty room. The doctor had opened old wounds, and there was no turning back from this point. She had to continue.
“Can you tell me about the woman in this picture?”
“And the great dragon was thrown down, that ancient serpent, who is called the devil and Satan, the deceiver of the whole world – he was thrown down to the earth, and his angels were thrown down with him.”
“What did she do?”
“The Lord saw that the wickedness of man was great in the earth, and that every intention of the thoughts of his heart was only evil continually.”
“What was that wickedness?”
Emilio did not respond, his eyes were focused on the small boy in the picture.
The doctor reminds herself that this is only a man. The shattered remnants of his mind danced in his words, finding solace in the one thing that he held dear all his life.
“What happened to her?” The doctor already knew the answer, but she wanted to hear it from her patient.
“Suffer not a witch to live.”
————————–————————–————————–———-
The kind of magic that the Siquijor Mamamarang practice is called ‘haplit’. They use a wooden doll that represents the victim and when pins are inserted, intense pain is induced.
The making of the doll is a grisly process. It is carved during the seven Fridays of Lent. When it is finished the doll is taken to a church where a child is being baptized and the doll goes through the baptismal rites as well (this is done by someone other than the Mamamarang). The doll is given a similar/ the same name as the child. It is only if the child dies that the doll can be used for haplit. It is believed that the dead child’s spirit has possessed the doll and it is now the Mamamarang’s servant.
Written by Karl Gaverza
Translated by Abigail Descartin
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Abigail Descartin
Source: The Folk Healers-sorcerers of Siquijor
By Rolando V. Mascuñana, Evelyn Fuentes (2004)
By Rolando V. Mascuñana, Evelyn Fuentes (2004)
Mamamarang illustration by Annadel Cinco
FB: Adelair