Raymond Lumenario Archives - Philippine Spirits https://phspirits.com/tag/raymond-lumenario/ Your Portal to Philippine Mythology Thu, 11 Aug 2022 15:34:27 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.3 https://i0.wp.com/phspirits.com/wp-content/uploads/2020/05/cropped-Spirits-Logo-JPEG-scaled-1.jpg?fit=32%2C32&ssl=1 Raymond Lumenario Archives - Philippine Spirits https://phspirits.com/tag/raymond-lumenario/ 32 32 141540379 Mambababoy – Tagalog Translation https://phspirits.com/mambababoy-tagalog-translation/ Thu, 11 Aug 2022 15:34:27 +0000 https://phspirits.com/?p=3719 *Note this story is in Tagalog Hulyo 7, 1988   Nagsampa ng reklamo ang mga may-ari ng babuyan ukol sa kalagayan ng kanilang mga alagang hayop. Nakita na lamang nila […]

The post Mambababoy – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

Hulyo 7, 1988

 

Nagsampa ng reklamo ang mga may-ari ng babuyan ukol sa kalagayan ng kanilang mga alagang hayop. Nakita na lamang nila ang kanilang alaga na nagkapira-piraso ang mga laman at animo’y kinain ng mabangis na hayop. Nangyari ang pagsalakay sa ilang may-ari lamang at sa hindi matukoy na dahilan. Ang mga testimonya ng mga may-ari ng nasabing babuyan ay nakalahad sa ulat.

 

Joselito Guevarra, edad 52

 

“Nasa labas ako at inaabangan ko kung ano mang pumapatay sa mga alaga kong baboy. Mayroong tila isang malaking anino at hindi ko matukoy kung ano. Marahil ay kasing laki ito ng isang baka. Nasaksihan ko na pumunta ito sa kulungan ng baboy at isa-isang pinatay ang mga naroon. Talagang kakila-kilabot ang naganap.

 

Teresito Cruz, aged 58

 

“Narining ko lamang na ang nakakabinging pagtangis ng mga baboy. Hindi ko batid kung ano ba ito pero tila may dala itong kalupitan. Sinakmal nito ang leeg ng ilang baboy at ilan ay pinabayaang dumugo lang.”

 

Alfonso Moreno, edad 63

 

“Isa itong aswang, sigurado ako doon. Dito sa mga bahagi ng Marinduque, mayroong mga aswang na kayang magpalit ng kaanyuan at tanging baboy lang ang binibiktima.”

 

Vicente Cabarro, edad 61

 

“Nabigla na lang ako. Natutulog ako ng marinig ko ang malakas na pag-iyak ng alaga kong mga baboy. Nang lumabas ako upang tingnan sila, nakita ko na lang na nakahandusay ang mga ito sa lupa at wala ng buhay. Kitang-kita ang kagat sa kanilang mga leeg.

 

Paolo Nesperos, edad 43

 

“Yung ibang nag-aalaga ng baboy din siguro ang  may pakana nito. Ayaw nila ng mga ka-kompetisyon, kaya’t marapat na pinapatay nila ang alaga ng iba para makapaghiganti lang.”

 

Kung ano man ito, natigil ang patayan sa mga baboy limang buwan matapos ito iulat sa kinauukulan. Kung nagkataon man ito o hindi, ito rin ang parehong panahon na umalis si Teresito Cruz at nagpakalayo-layo. Siya ang tinuturong salarin sa nangyari pero walang sapat na katibayan laban sa kanya upang iusad ng mga pulis ang kaso.

=————————————–=
English Version

 

Case # KJGM1771

July 7, 1988

Farmers have filed a complaint that their livestock has been found mutilated and in some cases eaten by a wild animal. The attacks only happen during the night with some of the farmers unable to see what the cause was. Testimonials of the farmers are included in the report.

Joselito Guevarra, age 52

“I was out at night waiting for whatever it was that was killing my pigs. There was a giant blur of black and I couldn’t make it out It may have been as large as a bull. I saw it come into the pig sty and attacking the pigs one by one. It was a slaughter.”

Teresito Cruz, age 58

“I only heard the sound of the pigs as they squealed.. I don’t know what it was, but it was cruel. It bit the throats of my pigs and left some of them to bleed out.”

Alfonso Moreno, age 63

“It was an aswang, I’m sure of it. In these parts of Marinduque there are aswang that can change their form and only hunt pigs.”

Vicente Cabarro, Age 61

“It was a surprise. I was sound asleep when I heard the squealing of my pigs. The moment I went out I saw their bodies all on the ground. Something had taken bites out of their throats.”

Paolo Nesperos , age 43

“It might be some of the other farmers, they don’t like that the other pigs are growing fatter than theirs so they take revenge by killing the pigs.”

Whatever the case, the killings stopped 5 months after they were reported. Coincidentally or not it was also the time when Teresito Cruz had moved away, the other farmers blame him for their pigs being slaughtered, but there is not enough evidence against him for the police to act.

=—————————————————–=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by the Mambababoy legends from Marinduque

Mambababoy Illustration by Glendford Lumbao
Behance: https://www.behance.net/glendfordlumbao

The post Mambababoy – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3719
Adarna – Tagalog Translation https://phspirits.com/adarna-tagalog-translation/ Sat, 19 Mar 2022 09:41:51 +0000 https://phspirits.com/?p=3584 *Note this story is in Tagalog Matindi ang sikat ng haring araw sa kalangitan, ngunit hindi papapigil ang dalawang magkaibigan na ipahinga ang kanilang mga pakpak sa isang puno at […]

The post Adarna – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

Matindi ang sikat ng haring araw sa kalangitan, ngunit hindi papapigil ang dalawang magkaibigan na ipahinga ang kanilang mga pakpak sa isang puno at malugod na batiin ang isa’t-isa.

Ang isa ay nakatakas sa pagkakakulong mula sa isang malayong kaharian at isa naman ay nakalaya bungad sa kapatawaran ng kanyang hari. Naging mahirap at masalimuot ang kanilang mga paglalakbay subalit nagpapasalamat sila  dahil kasama nila ang isa’t-isa.

“Kaibigan, sabihin mo sa akin ang iyong kuwento,” pakiusap ng dakilang ibon.

“Nagsimula lahat noong nagpalipas ako ng gabi sa puno ng Piedras Platas, tulad ng madalas kong ginagawa.”

“Ang iyong puno ng brilyante?”

“Siyang tunay. Tulad ng dati, sinimulan kong awitin ang isa sa aking pitong kanta ng dumating ang dapit-hapon. Subalit sa pagkakataong natapos ko ang ika-pitong awitin, hindi ko napansin na may tao sa ilalim at hindi sinasadyang nahulugan ko siya ng aking dumi.

“At naging bato siya.”

“Oo, naging bato siya. May ibang tao na hindi alam kung ano ang sinusuong nila. Nung sumunod na araw, isa na namang tao ang nakatulog sa ilalim ng puno. Hindi ko pa alam ng pagkakataong iyon na magkapatid sila.”

“Anong nangyari pagkatapos?”

“Hinuli ako habang mahimbing ang tulog ko. Nanatili gising ang taong dumakip sa akin habang kumakanta ako at iniiwasan niya ang mga dumi ko. Naibalik niya ang mga kapatid niya mula sa pagiging bato subalit hindi nila ito kinatuwa. Bagkus ay ginapos nila ito kahit siya ang nagpalaya sa kanila at dinala ako sa kanilang hari.”

“Hindi mawari talaga ang kasakiman ng mga tao.”

“Nang mga sandaling iyon, hindi ko mapagaling ang hari sapagkat kakanta lang ako kapag bumalik ang tunay na dumakip sa akin. At kinalaunan ay nagbalik ‘nga siya. Nagsimula akong umawit at lumabas ang katotohanan tungkol sa kataksilang ginawa ng kanyang mga kapatid. Napalayas sana sa kaharian ang mga taksil niyang kapatid kung hindi lang sa kapatawarang ginawad niya sa kanila.”

“Hango sa sinabi mo, para siyang wala muwang sa mga bagay-bagay.”

“Pagkatapos nun, maayos ang naging pakikitungo nila sa akin. Subalit inasam ko iwagayway ang aking mga pakpak at makalipad muli sa kalangitan. Nakita ko ang pagkakataong ito nang pinalaya ako ng isa sa mga magkakapatid. Pasubali ko ay pakana ito para palabasing hangal ang mabuting niyang kapatid, pero ito ay aking haka-haka lang.”

“Isang kakaibang pagsubok ang iyong naranasan kaibigan.”

“Sang-ayon ako, isang natatanging pakikipagsapalaran, gaya ng marami na siyang pupunan sa ating mga sandali ng habambuhay. Minsan darating sila sa atin at wala tayong magagawa sa bagay na ito. Ang aking pagkakabihag ang nagturo sa akin na pahalagahan ang kalayaang tinatamasa ko ngayon.”

“Tulad ng inaasahan sa iyo kaibigan, may taglay na karunungan ang iyong mga salita.”

Lumubog na ang haring araw habang pinagpatuloy ng dalawang dakilang ibon ang kanilang usapan. Habang patuloy na kumakagat ang dilim ng gabi, kapansin-pansin ang kakaibang kislap sa kanilang mga balahibo dulot ng mga liwanag ng mga bituin.

=——————————————

English Version

The sun shone with an unforgiving glare, but this did not stop the two friends from resting their wings upon a tree and greeting each other warmly.

One had just fled from captivity in a faraway kingdom while the other had sought forgiveness from their king. It had been an exceptionally challenging time in the lives of both these great birds, but they were thankful for each other’s company.

“Tell me your story, old friend,” the great bird, Sumayang Galura, requested.

“It started when I was spending the night on the Piedras Platas, as I always do.”

“Your tree of diamond?”

“The very same. As the sun was setting, I began to sing the first of my seven songs, when I had finished with the seventh, I did not realize that there was a human below me and my droppings had fallen on him.”

“He then turned to stone”

“That he did. Some humans just don’t realize what they get themselves into. The next day the same thing happened with another human that fell asleep at the foot of my tree, I didn’t know they were brothers then.”

“What happened then?”

“The human’s other brother came forth and captured me while I slept. He stayed awake during my songs and avoided my droppings until I fell asleep. He turned his brothers back from stone, but they did not appreciate their freedom. They beat the brother that freed them and took me to their king.”

“Will the cruelty of humans never cease?”

“I would not sing my song to heal the king until my true captor returned, and he did. I sang and my song revealed the duplicity of the two brothers, they would have been banished if not for the forgiveness of the brother that freed them.”

“He sounds like a naïve human.”

“After that, I was not treated badly, but I yearned to stretch my wings and fly through the sky once again. I had this opportunity when one of the brothers just released me. I think it was to frame the good brother as a fool, but that is just my guess.”

“It seems you have had a great ordeal, old friend.”

“I have had an adventure, as what fills most of our lifetimes. Sometimes they come to us and we do not have any choice in the matter. My captivity has only made me more grateful for the freedom I now possess.”

“Wise words, I would expect no less from you.”

The sun set as the two great birds continued their conversation. The star’s light gave their feathers a brilliant glow as they talked late into the night.

=——————————————————————0

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by Ibong Adarna

Adarna Illustration and Watercolor by Franz Lim

The post Adarna – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3584
Magtatangal – Tagalog Translation https://phspirits.com/magtatangal-tagalog-translation/ Tue, 08 Mar 2022 13:05:34 +0000 https://phspirits.com/?p=3578 *Note this story is in Tagalog Magmula ng pumanaw ang tito Paul niya, hindi na naging tulad ng dati si Leo. Binabalewala lang niya ang mga mensahe ko at nagkukulong […]

The post Magtatangal – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

Magmula ng pumanaw ang tito Paul niya, hindi na naging tulad ng dati si Leo. Binabalewala lang niya ang mga mensahe ko at nagkukulong na lamang siya sa kuwarto niya. Paglaon, bihira na ko na siyang makita sa paaaralan.

Kinse anyos pa lang kami noon. Nagkakilala at naging matalik na magkaibigan sa maraming taong nagdaan. Pareho kaming nag-iisang anak ng pamilya at nagkakasundo kami sa bagay na iyon.

Hindi ko nais magpanggap na alam ko kung ano man ang pinagdadaanan niya.  Karamihan sa mga matatandang nakakausap ko ang nagsasabing bigyan ko lang siya ng puwang. Subalit, ang hayaan siya sa ganung kalagayan ay parang pagsuko na rin.

Tuwing hapon, pinapadalhan ko siya ng parehong mensahe:

“Uy, L si Rafa ito. Alam kong may pinagdadaanan ka. Nandito lang ako kung kailangan mo ng may makakausap o makakasama man lang. Tawagan mo ako kung kailan mo kaya. Nag-aalala lang ako sa’yo.”

Bagamat alam kong binabasa lang niya mensahe ko, ayos na rin sa akin iyon. Ang mahalaga, nandoon ako para sa kanya.

Makalipas ang isang linggo, tumugon siya sa mensahe ko, sabi:

“Kamusta R, ngayon lang ako nakasagot sa mensahe mo. Masyadong maraming nangyari kamakailan at hindi ako masyadong nakakatulog. Salamat sa patuloy na pakikipag-ugnayan, malaking bagay ito para sa akin. Mag-usap tayo pag may pagkakataon ha?”

At sumagot ako:

“Siyempre naman L, alam kong mabigat sa iyo ang nangyari sa pagkawala ng tito Paul mo. Alam kong gugustuhin niya na nasa maayos kang kalagayan.”

Ngunit nabagabag ako sa tugon niya:

“Walang hiya siya!”


Matapos ang huling komunikasyon ko kay Leo,  hindi siya nakipag-ugnayan muli at naging paksa ng usap-usapan sa paaaralan. May nagsasabing dinala daw siya sa sa isang mental institution at kailangan niyang manatili doon ng buong taon. May ilan namang nagsasabi na lumayas daw siya ilang linggo na ang nakakalipas at nakita na lang na walang buhay sa isang estero subalit gusto ng pamilya niya na itago ang pagkamatay nito.

Ginawa ko lahat para iwasto ang mga hindi magagandang usapan patungkol kay Leo pero ang totoo, kapag nagsimula ang ganitong klaseng usapin, mahirap na ito pigilan.

Subalit ang lubos nakakagulo ng isipan ko ay ang huli niyang sinabi tungkol sa tito Paul niya. Matagal ko ng kilala ang pamilya nila at mukha naman na masaya sila.

Si Tita Tress, ang ina ni Leo, ay isang OFW, datapuwa’t nilalaan niya ang buong oras niya sa Saudi, bumubisita naman siya tuwing may okasyon. Sa kabilang banda, si tito Paul naman ay kilala bilang lubhang masiglahin subalit maingay na indibidwal. Lagi niyang ipinagmamalaki ang mga mga nakamit na parangal ni Leo at madalas inilalagay sa kanilang sala.

Napaisip ako ng lubusan kung ano marahil ang ibig sabihin ni Leo.

Ano ba talaga ang ugali ng tito Paul niya kapag sila-sila na lang? May pang-aabuso kayang nagaganap?

Bakit hindi ito nagawang ipabatid sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan?

Pakiwari ko ay pinili ni Leo na sarilinin ang problema. Napagtanto ko kung gaano ako kasarili at hindi naunawaan agad ang bigat ng problema na pasan-pasan ni Leo ng mga sandaling iyon.

Lagi ko siyang pinapadalhan ng mensahe tuwing hapon at alam ko na alintana niya ang mga ito.

Ang mahalaga, buhay siya. Maisip ko lang iyon ay panatag na ako.

Pinanghawakan ko ang paniniwalang ito hanggang matapos ang huling bahagi ng taon. Natatakot ako na dumating ang araw na hindi niya babasahin ang mensahe ko at malaman ko na lang na may nangyaring masama sa kanya.

Isa lang akong takot na bata na kailangan ang kanyang matalik na kaibigan. Nanalangin na nasa maayos siyang kalagayan.

=================

Patapos na ang panahon ng tag-ulan nang sa wakas ay makatanggap ako ng tugon mula kay Leo. Isa lang itong mensahe pero napuno ako ng pag-asa. Buhay si Leo at makikita ko siya ulit.

MAGKITA TAYO SA PARKE, ALAS-ONSE NG GABI

Kahit masyadong gabi at malayo, hindi na mahalaga sa akin iyon.

Matalik na kaibigan ko si Leo at kailangan niya ako.

Nang gabing iyon, sinabi ko sa mga magulang ko na matutulog ako ng maaaga. Masunurin akong bata, may magandang grado, mabait, lagi sa oras at iba pa. Hindi maghihinala pamilya ko.

Tatlong kilometro ang layo ng parke mula sa amin at ang liwanang ng buwan ang gabay ko sa pagbibisekleta. Masuwerte ako at kabilugan ng buwan ng gabing iyon.

Nang nakarating ako sa parke, umupo ako sa tabi ng puno ng balete at hinintay si Leo.

“R”

Laging gulat ko ng may isang kamay ang sumandal sa aking mga balikat mula sa likod.

“Ano ba Leo?! Huwag mo akong takutin ng ganyan!

“Pasensya na.”

Miserable ang kaanyuan ni Leo. Magulo ang kanyang buhok, malalim ang mga mata at halata ang ikinapayat niya.

Pilit niyang iniiwasan ng tingin ang mga mata ko sapagkat hindi lingid sa kanya kung gaano kamiserable ang gayak niya pero sa kabila nito ay mahigpit ko siyang niyakap.

Hindi ko alam kung gaano katagal na ang nakalipas at nagpasya ako na basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo simula ng nawala ang iyong ama.”

“HINDI MO ALAM KUNG ANONG GINAWA NIYA SA AKIN!”

Napaatras ako sa pagsagot niya at napaluha si Leo ng mga sandaling iyon.

“Tama ka, hindi ko ‘nga alam. Kaya ako nandito. Hayaan mo akong makinig. Pakiusap, L.”

“Ayaw ko ng makasakit ulit.”

“Hindi mangyayari iyon, pangako. Maupo muna tayo at mag-usap.”

“Ikaw ang maupo, mayroon kang kailangan makita.”

Nakinig ako sa sinabi niya at sumandal ako sa puno ng balete. Ang buong parke ay naiilawan ng buwan.

Walang makakapaghanda sa akin sa ginawa ni Leo. Kinikilabutan ako tuwing naaalala ko ang mga sandaling iyon.

Maririnig ang pagtunog ng buto niya sa bawat pagbaling ng kanyang leeg. Nanginginig ang kanyang katawan nang mahulog ito sa lupa at ang natira na lamang ay ang malaking puwang ng laman. Makikita ang pagtibok ng kanyang puso at ang paggalaw ng kanyang baga habang hiwalay sila mula sa katawan nito.

Lumulutang si Leo sa hangin subalit wala akong makita kundi ang kanyang ulo at mga lamang-loob.

Naduwal ako sa kahindik-hindik na nasaksihan ko.

Tumingin siya sa akin at makikita pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata. “Ako ito. Naging ganito na ako,” malungkot na wika nito.

Mabigat ang katahimikang naramdaman ko. Sa pagkakataong ito, si Leo naman ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Inilahad niya ang kuwento patungkol sa kanyang ama. Isang sumpa ang ipinamana sa kanilang pamilya mula sa angkan ng tito Paul niya. Nalaman lang niya ito noong pumanaw ang kanyang ama. Sila ay nabibilang sa magtatanggal, mga nilalang na kumakain ng laman ng tao. Lumilisan sila sa gabi upang maghanap ng kanilang mabibiktima.

“Noong una, pusa at aso lang hinuhuli ko, subalit habang tumatagal, nararamdaman ko na lumalakas ang sumpa. Tuwing makakakita ako ng ibang tao sa gabi ay parang gusto kong magpalit anyo at kainin ang kanilang puso.”

“Paano si tita?”

“Itinago ng ama ko ang sikreto mula sa kanya. Ito rin ang dahilan kung bakit kinonsinte niya na mag-OFW siya.”

“Marahil ito rin ang dahilan kung bakit hindi mo ako kinakausap?

“Oo.”

Bakit ngayon mo lang ito sinabi?”

Dagliang lumutang si Leo ilang layo mula sa puno.

“Nakikita mo ba ‘yang supot na ito?”

“Oo.”

Naglalaman ang supot ng asin at kung ano mang bagay na tila abo.

“Ano it–”

“Kapag nilagyan mo ng asin at abo ang aking katawan, hindi na ako muling makakabalik dito. At ‘pag nasinagan ako ng araw…”

“Anong sinasabi mo?”

“Lagyan mo ng asin at abo ang aking katawan. Hindi na ulit ako makakabalik sa katawan ko pag nasinagan ako ng araw.”

“Nais mong wakasan ko buhay mo?”

“Hindi ko na kayang gawin ito R. Sa bawat araw na lumilipas, sinasabi ng sarili ko na pumatay. Naiintindihan mo ba? Makakapanakit lang ako at mauulit lang ito hanggang sa wala na itong katapusan. Magiging mas madali sa akin ang pamamaraang naiisip ko habang hindi  pa ako tuluyang nagiging tunay na halimaw.

“Hindi dapat magkaganito. Hahanap tayo ng pwede nating kausapin hinggil dito, may magagawa pa tayo.”

Lumapait si Leo sa akin, animo ay lumulutang sa hangin.

“Alam mo ba na nagtatago ng tropeo ang aking ama? Mga bagay na nagpapaalala ng kanyang mga biktima. Ipinakita niya sa akin ito bago niya ibigay ang sumpa. Binubuo ito ng mga buto, mga malilit na uri. Siguro malapit sa ilang daan ang bilang nito.

Napapatahimik na lang ako.

“L, huwag mong akong piliting gawin sa iyo ito, matalik mo akong kaibigan.”

“Kaya ko ito sinasabi sa iyo. Pakiusap R, hindi ko na nais makapanakit pa ng iba.

Napahikbi na lang sa iyak si Leo at ang kanyang luha ay walang tigil ang pagpatak sa mga lumulutang na lamang-loob nito.

Kasabay nito, dumaloy ang mga alaala sa aking isipan, ang takot na tumitibok sa aking pulso, at ang ibang gunita ng kahapon.

“Naalala mo ba noong sampung taong gulang pa tayo, at akala ko na kaya kong lumipad?

“Oo, at kalahating taon na nakabalot ang paa mo dahil nabalian ka.”

“Anong pakiramdam kapag lumilipad ka?”

“Ito ang pinakamalayang pakiramdam na mararanasan mo.”

“At gusto mo itong tapusin?”

“Oo.”

Lumapit ako sa walang laman na katawan ni Leo. Matapos ang ilang sandali ay isinaboy ko dito ang asin at abo.

Tumingin ako sa kanyang mata at tinanong, “mayroon pa ba akong magagawa para sa’yo?”

“Maaari ka bang manatili muna sandali? Kahit hanggang sumikat ang araw?”

“Oo naman, para sa’yo.”

Ilang oras kaming naghintay hanggang dumating ang bukang-liwayway. Hindi ko inaasahan na mabilis ang mga susunod na pangyayari. Matapos haplusin ng liwanag, ang kanyang ulo at katawan ay dagliang nadurog ng pinong-pino na animo’y buhangin.

Kalaunan, nalaman din ng aking magulang ang ginawa kong pagtakas ng gabing iyon. Sinabi ko na hinanap ko si Leo at hindi naman ako pinarusahan. Palagay ko ay nakita nila akong umiiyak.

Makalipas noon, maraming naging haka-haka tungkol kay Leo. Ang pinaka-patok ay ang paglayas niya at ang pag-aakalang namatay na siya. Hindi ko na iniwaksi ang paniniwala nila hanggang lumipas ang panahon at nakalimutan na ito ng mga tao.

=———————————————————–=

English Version

Leo wasn’t the same after tito Paul died. He’d ignore my messages and hole himself in his room. It became rarer and rarer to see him in school.

Back then we were only fifteen. We met in grade school and had been best friends for years. Both of us were the only child of our family and we bonded through that.

I didn’t want to pretend that I knew what he was going through. Most of the adults that I talked to told me to give him space, but that, to me, just felt like giving up.

Every afternoon I’d send the same message:

“Hey L it’s Rafa. I know you’re going through some stuff right now. I’m always here if you need me, to talk or just to be there. Hit me up when you can please. I’m really worried about you.”

He’d leave me on seen, which was still a relief for me. At least he’d know I was there.

After a week he finally messaged back:

“Hey R, sorry I didn’t get back to you ‘til now. Things have been getting too much to handle, haven’t been sleeping much. Thanks for reaching out to me, I really appreciate it. Let’s talk soon alright?”

And I replied:

“Of course L, I know tito Paul’s passing hit you hard. I know wherever he is now he’s wishing you’re alright.”

His reply unsettled me:

“He was a bastard.”

=————————————————————=

After that conversation Leo didn’t contact me for a month. He was the main topic of everyone’s gossip in school. Someone started the rumor that he was put in a mental institution and would have to stay there for the whole year. There was another where they said he ran away weeks ago and they found him in a ditch and the family wanted to keep his death a secret.

I tried to shut them down the best I could, but once the words were out in the air they couldn’t be brought down.

Leo’s last message still disconcerted me. I had known their family for years and they seemed to be happy.

Tita Tress was an OFW, she spent most of her time in Saudi, but would visit every now and then, every other year during holiday season. Tito Paul was a loud man, in the best sense of the term. He would always tell everyone about Leo’s achievements and would put them all over their sala.

My mind raced to all the possibilities of what Leo could have meant.

What was tito Paul like behind closed doors?  Was there any kind of abuse?

Why didn’t my best friend tell me?

Looking back, I realize how selfish I was, trying to make this about myself. Leo was the one that had the problem. If he didn’t want to tell me that was his choice.

I still messaged him every afternoon and he still would leave me on seen.

At the very least he’s alive. I’d think to myself.

I hung onto that thought to the latter part of that year. I was so scared that he’d leave my messages unseen and I’d never hear from him ever again.

I was just a scared kid that needed his best friend to be okay.

=———————————————————————————=

It was the end of the rainy season when I finally got a response from Leo. It was just one message but it filled my heart with hope. Leo was alive and I could finally see him.

MEET ME AT THE PARK TONIGHT AT 11

It was late. It was far. It didn’t matter.

Leo was my best friend and he needed me.

That night I told my parents that I was going to bed early. I was the requisite good boy. Good grades, well behaved, always on time, etc. My family wouldn’t suspect a thing.

The park was 3 kilometers away from me and I biked using the light of the moon. I was lucky there was a full moon that night.

When I got to the park I sat by the balete tree and waited for Leo.

“R?”

A hand gripped my shoulder from behind and my heart nearly jumped to my chest.
“Dammit L, don’t scare me like that! God!”

“Sorry.”

Leo looked awful. His hair was disheveled, eyes sunken and he was thinner than I’d ever seen him.

He tried to avoid eye contact and took a step back, knowing what he looked like.

I still gave him the biggest hug I could.

I didn’t know how much time passed and I thought it would be best for me to break the silence.

“I know things have been rough since your dad passed.”

“YOU DON’T KNOW WHAT HE TURNED ME INTO!”

The reply made me step back. Leo face was flooding with tears.

“You’re right, I don’t. But that’s why I’m here. Let me listen. Please, L.”

“I just don’t want to hurt anyone.”

“You won’t hurt me, I promise. Let’s just have a seat and talk, okay?”

“You should sit, I need you to see this.”

I did what he asked, sitting back by the balete tree. The whole park was illuminated by the light of the full moon.

Nothing could have prepared me for what Leo was about to do. Even now the memory horrifies me.

I could hear his spine crack as his neck turned.  His body shivered as it fell to the ground and what was left was hollow. I could see his heart beat and his lungs inflate as they detached.

He was floating through the air with nothing but his head and organs.

I vomited as the grisly spectacle finished.

He looked at me and I could still see the tears in his eyes. He said, “This is me. This is what I have become.”

The silence was heavy.

This time it was Leo who broke the silence.

He told me about his father. There was an inheritance from tito Paul’s side of the family, a curse that Leo only learned about as his father passed away. They were magtatangal, creatures that fed on human flesh who flew at night, searching for victims.

“I tried to be only catching cats and dogs, but every day the curse gets stronger. Every time I see someone at night I want to change and eat their hearts.”

“What about tita?”

“Papa kept the curse a secret from her, it’s why he pushed her to be an OFW.”

“This is why you haven’t talked to me.”

“Yes.”

“Why are you telling me this now?”

Leo floated to a tree a few meters away.

“Do you see that bag?”

“Yeah.”

“Open it.”

The bag was filled with salt and what looked to be a grey powder.
“What is—”

“If you put the salt and ashes on my body I won’t be able to reattach. Once the sun hits me….”

“What are you talking about?”

“If the ash and salt are sprinkled on my body, I won’t be able to reattach. If I cant be complete when the sun hits, I won’t be coming back from that.”

“You…..do you want me to kill you?!”

“I can’t keep doing this R. Every day my instincts tell me to kill people I see. Don’t you understand?! I’m going to hurt someone and then another and then another. It’s just going to get easier for me. Until I’m as much a monster as I look like.”

“It doesn’t have to be this way, we can find someone to talk to, there has to be something else we can do!”

Leo floated nearer to me.

“Did you know my dad kept trophies? He showed them to me before he gave me the curse. They were bones, small ones. There must have been hundreds of them.”

Another pause, another break in the silence.

“L, please don’t make me do this. I’m your best friend.”

“That’s why I’m telling you this. Please R. I don’t wat to hurt anyone else.”

Leo sobbed unceasingly, his tears falling onto his floating organs.

Memories started to flood my mind, the fear pulsing through my veins, until something struck me.

“Remember when we were ten and I thought I could fly?”

“Yeah your leg had to be in a cast for nearly half a year.”

“What’s it like to fly?”

“It’s the most liberating feeling you could ever have.”

“And you still want to end it?”

“Yes.”

I stood above his hollow body and sprinkled the salt and ash.

I looked at Leo in his eyes and asked him, “is there anything else you want me to do?”

“Can you stay with me? Until the sun comes up?”

“Anything for you.”

We sat there for hours waiting for sunrise. When it happened it was faster than I expected, Leo’s body and head disintegrated as soon as the sun rays hit them.

When my parents found out that I snuck out they were livid. I told them I was trying to find Leo and they eased out of punishing me. I think they saw that I was crying.

There was even more gossip after that. Leo ran away and was assumed dead was the most popular theory. I never corrected them and as the years passed people forgot.

=———————————————-=

To this day, I still remember him asking me to make the most difficult decision of our lives.

Goodbye L.

I’ll always miss you.

=———————————————–=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by the description of the Magtatangal in “Distinctions Made Among the Priests of the Devil” in “Customs of the Tagalogs” by Juan de Plasencia. 1589.

Magtatangal Illustration by Fam Telmo

FB: https://www.facebook.com/famskaartyhan/
Instagram: @famskaartyhan

The post Magtatangal – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3578
Magtitima – Tagalog Translation https://phspirits.com/magtitima-tagalog-translation/ Wed, 15 Dec 2021 12:03:21 +0000 https://phspirits.com/?p=3526 *Note this story is in Tagalog Hindi naging madali ang negosasyon, subalit paglaon, makakakita ka ng mga sinusundang pamamaraan kung paano maiisagawa ng tama ang pagba-baratilyo. Natuto ako ng bagay […]

The post Magtitima – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

Hindi naging madali ang negosasyon, subalit paglaon, makakakita ka ng mga sinusundang pamamaraan kung paano maiisagawa ng tama ang pagba-baratilyo. Natuto ako ng bagay na ito mula sa isang matalinong dwende na nakilala ko maraming taon na ang nakalipas habang nililinis ko ang bukid ng aking kapatid. Pinagkalooban niya ako ng apat na mahahalagang aral. Mga aralin na mahalagang gunitain sa dahilang ipinatawag ako ng datu upang magtaboy ng galit na espiritu mula sa isang puno na nais niyang putulin. Ang buhay ng albularyo ay hindi naging kapanabik-panabik ngunit kapag hiningi ng pagkakataon, wala kang masyadong pagpipilian.

 

Ang dapat malaman sa unang aral ay kung paano mo bukas palad na papakitunguhan ang iyong susunod na layunin. Maiibigay lang ang tiwala kung ito ay una mong i-aalok, lalo na kung ikaw ang nangangailangan nito. Sa ganitong pamamaraan, nauunawaan ko kung anong klaseng espiritu ang aking kakaharapin. Isang magandang halimbawa nito ay ang kwento mula sa aking kinalakihang bayan. Kung saan, dito nagmula ang unang espiritu na nakasalamuha ko.

 

Noong una, tahimik ang puno ng mga ilang sandali. Subalit kinalaunan, sinaway ako at ipinabatid na nagsasayang lang ako ng panahon. Nararamdaman ko ang mapusok na panunuya na nagmumula sa mga dahon, ang Magtitima. Nang mga sandaling iyon, napagtanto ko na hindi magiging madali ang lahat.

 

Huminga ako ng malalim at naalala ang ikalawang aral. Mahalaga na maunawaan mo ang tuntunin mo. Nabigyan ako ng disenteng alok mula sa datu bagaman hindi ko alam kung sasapat ito. Sa pagkakaalam ko, kailangan ng datu na putulin ang puno sapagkat magtatayo siya ng isang bahay. Masusi kong pinag-aralan ang hinggil sa bagay na ito, ang nais na alok ng ganitong klaseng espiritu ay puting manok na may kasamang basi, isang alak na gawa sa palay.

 

Ang pangatlong aral ay, laging ikaw ang gumawa ng unang alok. Karaniwan na sa ibang mga albularyo na maghintay, nagbabaka-sakaling makakuha ng impormasyon mula sa espiritu bago sila gumawa ng kahit na anong kasunduan. Pero tinuruan ako ng duwende ng ibang pamamaraan. Ikaw dapat ang maunang magtakda sa patutunguhan ng pagpapalitan. Kaya nagsimula ako sa mababang tawad muna, nag-alay ako ng ilang supot ng bigas.

 

Nagsimula nang maglaro sa aking palad ang Magtitima sapagkat alintana ang pagkaka-insulto nito. Ito ang tamang pagkakataon upang isagawa ang ika-apat na aral: bigyan mo sila ng paniniwalang sila ang nakakalamang. Kahit sinong bumubili ay nais maramdaman na nagkaroon sila ng magandang alok. Samakatuwid, urong-sulong ang panghihimok ko. Gusto ng espiritu ng pinaka magarang ginto at mga alahas, at mabilis kong ihihingi ng tawad sapagkat walang ganung kahalagang ambag sa kaha ng datu. Sa halip, i-aalok ko ang ilang mamahaling bato at isang pamanang punyal.

 

Maraming panahon at oras ang ginugugol ng ganitong uri ng negosasyon. Mahalaga na hindi ipaalala sa espiritu na nakikipag-usap siya sa isang hamak na mortal, kaya sinisugarado ko na hindi niya mapapansin na ako ay pinagpapawisan. Pagkatapos ng waring walang katapusan na tawaran ng alay at panalangin, sa wakas ay sumang-ayon siya sa kasunduan ng limang puting manok at pitong bote ng basi.

 

 

Ngumiti ako at ipinabatid na ang datu ay mag-aalay ng isang pagdaraos bilang pag-alaala sa kabaitan ng makapangyarihang espiritu, isang bagay na buong pusong tinanggap ng Magtitima. Sinabi ko sa espiritu na maaari siyang lumipat sa ibang puno malapit sa  ilog, na kung saan mas malaki ng di-hamak kaysa sa ibang puno sa kagubatan. Bagama’t hindi na nagpaalam, walang paglagyan ang lingas ng espiritu kaya daglian itong umalis.

 

Tumingin ako sa mga bituin at napagtanto na kalahating-araw na pala ang nakalipas mula nang nakipag-usap ako sa espiritu. Sininop ko ang aking mga gamit at tutungo sa tahanan ng datu na may dalang magandang balita, umaasa na makakakuha ng konting bagay kapalit ng abala. Datapuwa’t sa gaya kong albularyo, hindi kami humihingi ng kung ano mang kapalit bagkus, tumatanggap lang kami.

 

Ang buhay ng albularyo ay hindi naging kapanabik-panabik ngunit kapag hiningi ng pagkakataon, wala kang masyadong pagpipilian.

=————————————–=

English Version

Negotiations are never easy, but eventually you see patterns in the way the bargains are done. I learned this from a savvy dwende I met a few years ago while clearing out a part of my brother’s farm. He gave me four very important lessons. Lessons that I must recall today because a datu has contracted me to move an angry spirit away from a tree he intends to cut. The life of an albularyo is never glamorous, but when you are called, there is little choice.

The first lesson is to approach your target with an open hand. Trust must first be offered before it is given, especially when you are asking for it. This also gives me an opening to see just what kind of spirit I’m dealing with. I open with a story about my hometown and the first spirit I ever spoke to. The tree is quiet for a while before it scolds me for wasting its time. I can sense the prideful scorn emanating from the leaves. A Magtitima. I soon realize this isn’t going to be easy.

I take a deep breath and remember the second lesson. It always pays to know what your terms are. I was given a modest offering from the datu, but I don’t know if it will be enough. The datu needs the tree to be cut down to build a new house that much I know. At least I did my research, the preferred offering of this spirit is a white chicken served with basi, a rice wine.

Lesson number three is to always make the first offer. Most other albularyos would wait, trying to see how much information they could get out of the spirit before making any sort of deal, but the dwede told me a different tactic. You have to set the stage, I give a low bid of a few bags of rice to start with.

The Magtitima is insulted and plays right into my hands. The fourth lesson now comes into play: always make them think they have the advantage. Every buyer wants to feel they got a good deal, so I start the back and forth. The spirit demands only the best gold and jewels and I apologize for the lacking resources in the datu’s coffers. I counter with some precious stones and an heirloom kris.

The negotiation takes hours of time and effort. A spirit must never be reminded that he is conversing with a mortal so I make sure he doesn’t see me sweat. After what seems like an eternity haggling offerings and prayers I finally bargain him down to five white chickens and seven bottles of basi.

I smile and tell him the datu will offer a celebration in commemoration of the powerful spirit’s great generosity, something that the Magtitima agrees to wholeheartedly. I tell the spirit that it can move to another tree by the river, one that is bigger than the other trees in the forest. The spirit’s pride is too much to contain and it moves there immediately, not even saying a word of goodbye.

I look up at the stars and realize it’s been more than half a day since I started talking to the spirit. I pack up my things and head to the datu’s house with the good news, hoping that I can get something for my troubles. An albularyo can never demand payment, only accept it.

The life of an albularyo is never glamorous, but when you are called, there is little choice.

=——————————————————=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by the Magtitima entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Magtitima Illustration by Leandro Geniston fromAklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen

The post Magtitima – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3526
Abat – Tagalog Translation https://phspirits.com/abat-tagalog-translation/ Fri, 26 Nov 2021 08:15:41 +0000 https://phspirits.com/?p=3503 *Note this story is in Tagalog “Kaya ko ito sa loob ng dalawang minuto. Ilang talampakan lang naman ang layo patungo sa susunod na gusali at kaya kong tumakbo ng […]

The post Abat – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

“Kaya ko ito sa loob ng dalawang minuto. Ilang talampakan lang naman ang layo patungo sa susunod na gusali at kaya kong tumakbo ng mabilis.” Ramdam mo ang tibok ng iyong puso na umaabot hanggang sa iyong talampakan, pinagpapawisan ng malamig ang iyong mga kamay, at mula pa lang sa simula, hindi maalis ang kilabot na iyong nararamdaman. Nagsimulang maghigpit ang kalamnan sa iyong mga binti at huminga ka ng malalim bago mo simulan ang iyong pagtakas.

 

“Ito na marahil ang huling beses na gagawin ko ito.” Tumindi ang pagsidhi ng lakas sa buo mong katawan. Ang bawat yapak ay tila nagbibigay sayo ng pakiramdam na ikaw ang pinakamabilis na tao sa buong mundo. “Eto na ‘yon,” sabi mo sa sarili mo,”nagawa ko!” Ang iyong inaasam ay ay halos abot kamay na lang.

 

“Hindi.” Wala kang ideya kung paano ito nakarating agad, kumpyansa ka na mauunahan mo ito. Subalit, ang bumungad sayo ay isang babeng may kahindik-hindik na mukha at ang kanyang panlilisik mula sa mga mapupulang niyang mga mata. HINDI!” Sigaw mo sa isipan mo. “… Hindi dapat nagkaganito!”

 

Di umano ay dinala ka ng mga binti mo sa kabilang direksyon, pabalik sa kaligtasan ng puno. “Bakit hindi ba ako nanatili sa loob?” Nagbalik sa iyo ang lahat. “Bakit hindi pa ba ako tumakbo?”, “bakit ba ako nasa lugar na ito?”, “bakit ba hindi ako nakinig nung may pagkakataon pa ako.” Hindi tumigil ang mga tinig sa isipan mo.

 

Tanaw mo na ang puno. “Hindi ito makakalampas sa mga sanga.” Napagtanto mo na wala pang limang minuto mula nung tumakbo ka, ang tila limang minuto na may malaking pagkakaiba sa ngayon at sa natitira mong mga sandali.

 

“Isang hakbang na lang at nandiyan na ako.” Isang mabilis na sugod na lang at hindi ka na nito maaabot. May konti kang pag-aagam-agam nang sumuong ka sa puno at sa kailaliman ng mga malalaking ugat nito, subalit, hindi mo na ininda ang sakit at laking pasalamat ka na lang. “Buhay pa ako”.

 

Datapwat bigla ka na lang napaisip ng ilagay mo ang iyong mga kamay sa iyong dibdib. “Hindi maaari… Hindi dapat ito ganun kabilis.” Nagsimula tumulo ang dugo pababa sa iyong mga daliri at dagling nagsikalat sa iyong damit. “Nakarating ako, dapat ay ligtas ako.”

 

Paulit-ulit mong binibigkas ang mga salitang ito sa iyong isipan hanggang sa iyong mga huling sandali.”Dapat ay ligtas na ako.” Ito na lang ang namutawi sa iyong kaisipan, bago magsara ang iyong mga mata. Marahil, sa huling pagkakataon.

=————————————————=

English Version

“I can make it in two minutes. It’s only a few feet to the next building and I can run fast.” You can feel your heartbeat reverberate to your feet, your hands are cold and sweaty and the chill down your spine has been there for the better part of an hour. The muscles in your legs start to tighten and you take one deep breath before starting your sprint.

“This might be the last breath I’ll ever take.” The adrenaline surges through your body. Each step makes you feel like you’re the fastest person in the world. Your face betrays a smile, “This is it!” you think, “I made it!” Your objective is just a few steps away.

“Oh no.” You don’t know how it got there so fast. You were so sure that you were going to outrun it. The woman stares at you with her bulging red eyes and her hideous face twists in a scream. “No!” The voice in your head shouts “It wasn’t supposed to be this way!”

Your legs take you in the opposite direction, back to the relative safety of the tree. “Why didn’t I stay indoors?” The decisions all start coming back to haunt you “Why didn’t I take up running?”, “Why am I in this place?”, “Why didn’t I listen when I had the chance.” The voices in your head won’t stop talking.

The tree is in sight now. “It won’t be able to get past the branches.” You realize it’s been less than five minutes since you started running. Less than five minutes would make the difference between now and the rest of your life.

“One more step and I’m there.” Just one last dash and it won’t be able to grab you. There is a moment of doubt before you lunge under the tree and crash into the roots. You don’t feel much of the pain because of your adrenaline. “I’m still alive.” You’ve never been more grateful.

Until you put your hand to your chest. “No, no, no…” Your mind trails off. “It couldn’t have been that fast.” The blood starts to trickle down your fingers onto the rest of your clothes. “I made it, I’m supposed to be safe.”

You repeat those words in your head until there’s too much blood loss. “I should be safe.” Was what you thought before you closed your eyes. Maybe for the last time.

=——————————————–=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by the Abat entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Abat illustration by Leandro Geniston from Aklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen

The post Abat – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3503
Lolid – Tagalog Translation https://phspirits.com/lolid-tagalog-translation/ Thu, 16 Sep 2021 11:10:44 +0000 https://phspirits.com/?p=3406 *Note this story is in Tagalog Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang magkasakit ako. Sabi nila, may ginawa ako para galitin ang mga espiritu. Subalit hindi ko magagawa […]

The post Lolid – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang magkasakit ako.

Sabi nila, may ginawa ako para galitin ang mga espiritu. Subalit hindi ko magagawa iyon, bagamat kung meron, may kadahilanan.

Alam ko na dapat ay hindi na ako lumabas pa. Hindi ko kinahiligan ang kahit na anong bagay na hinggil sa kalikasan. At marahil pagkatapos nito, hindi ko na rin siguro nanaiisin ang kahit na anong bagay na may kinalaman dito

Napahinga ako ng malalim nang dumaan ang babaylan.

Mariin kong pinagmamasdan kung ano ang ginagawa niya sa gitna ng ritwal. Humingi siya ng isang palayok na kayang maglaman ng isang salóp o tatlong litro. Pagkatapos ay kinailangan niya ng mga basag na porselang plato kung saan nilagay niya ito sa loob ng palayok.

Pagkatapos noon ay tinawag niya ang lolid.

Isa sa mga gabay ang nagsabi sa akin na nasa maling lugar at panahon ako. Ang mga lolid ay mga hindi nakikitang espiritu na gumagapang kung saan-saan dahil wala silang mga paa. Hindi posible para sa akin na makita sila.

Kinalog ng babaylan ang palayok at sumigaw siya habang sambit ang mga sumusunod na kataga.

“Do-ol na kamong mga lolid nga natomban”

(Pumarito kayo mga hindi nakikitang nilalang na nagambala)

“Ari na ang among guibayad”

(Narito na ang inyong kabayaran)

“Kuha-a na ang inyong kaligotgot sa mada-oton”

(Alisin ang inyong galit sa pasyente)

Ari na kamo ug uban kanako didto sa kawayanan”

(Lumapit kayo ngayon at magtungo tayo sa kawayanan)

Kinakalog ng babaylan ang tangan nitong palayok habang palabas siya ng bahay. Nang makarating siya malapit sa kawayanan, nilapag niya ang palayok sa lupa at tinanggal ang takip bago umalis.

At sa pagkakataong iyon, natapos ang ritwal.

Ayon sa babaylan, aabutin pa nang ilang araw bago ako tuluyang gumaling. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya at napabuntong-hininga na lang ako.

Mula sa karanasang ito, natununan ko ang isang mahalagay aral:

Mahalaga na tinitingnan ko ang dinadaanan ko.

=————————————————-=

English Version

It’s been days since I got sick.

They tell me that it’s because I did something to anger the spirits, but I know I would never do that, not knowingly at least.

I knew I never should have gone out, nature isn’t my thing and after this I don’t think it will ever be.

I breathe deep as the babaylan passes me.

I take special care to see what he does during the ritual. He asks for a pot with a capacity of one ganta. He then asks for broken china plates which he puts inside the pot.

Then he calls for the lolid.

One guide tells me that I was in the wrong place at the wrong time. The lolid are invisible spirits that roll around because they have no limbs. It would have been impossible for me to see them.

The babaylan shakes the pot, causing a great commotion as he shouts:

“Do-ol na kamong mga lolid nga natomban

(Come here now invisible beings that were stepped)

Ari na ang among guibayad

(Here now is our payment)

Kuha-a na ang inyong kaligotgot sa mada-oton

(Remove now your anger from the patient)

Ari na kamo ug uban kanako didto sa kawayanan

(Come to me now and go with me to the bamboo thickets)”

The babaylan exits the house with the pot and shakes it until he reaches the bamboo groves close by. He places the pot on the ground and removes the cover as he leaves.

It is then that the ritual is completed.

The babaylan says that it will take a few days before I get better and I sigh with relief.

Coming from all this I know I learned one lesson:

I should watch where I step.

=————————————————————=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by The Bais Forest Preserve Negritos: Some Notes On Their Rituals and Ceremonials by Timoteo S. Oracion (1967) in Studies in Philippine Anthropology (In Honor of H. Otley Beyer)

Lolid Illustration by Leandro Geniston
FB: That Guy With A Pen

 

The post Lolid – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3406
Alan – Tagalog Translation https://phspirits.com/alan-tagalog-translation/ Mon, 16 Aug 2021 08:46:35 +0000 https://phspirits.com/?p=3315 *Note this story is in Tagalog May tatlong mangangaso, mariin na nagmamasid sa susunod nilang huhulihin. “Tumingin kayo sa taas mga kasama, wika ng unang mangagaso. “Ang ating pakay ay […]

The post Alan – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

May tatlong mangangaso, mariin na nagmamasid sa susunod nilang huhulihin.

“Tumingin kayo sa taas mga kasama, wika ng unang mangagaso. “Ang ating pakay ay nananatili sa taas ng mga puno.”

“Siyang tunay kaibigan,” tugon ng pangalawang mangangaso. “Hindi na ulit makakapaminsala sa ating nayon ‘yang lumilipad na nilalang na yan.”

“Dapat lang nating siguraduhin na matalas ang ating mga talim sapagkat ang balat nito as kasing tibay ng balat ng kalabaw.” Pagsambit ng pangatlong mangangaso.

Tinipon ng tatlong mangangaso ang kanilang mga sandata at nagtungo sa bundok.

Maraming taon na ang nakalipas mula noong unang dumating ang alan sa kanayunan. Ito marahil ang panahon na walang maglalakas ng loob umalis ng bahay sa pangamba nila na hindi na sila makakabalik muli.

Marami nang kinuha ang alan mula sa nayon, mga kuya, ate, at mga bata.

Alam ng mga mangangaso na kailangan na nilang wakasan ang paghahasik ng lagim ng nilalang na ito. Alam nila na walang gagawa nito na iba, sila lang.

Sa gitna na kagubatan, nagpasya silang magpahinga at maghanda ng makakain.

“Huwag kang gagawa ng apoy,” babala ng unang mangangaso, “sapagkat matututunton tayo ng mga nilalang ng gabi.”

“Kung ganoon, paano tayo makakapagluto kung hindi tayo gagawa ng apoy?” tanong ng pangalawang mangangaso.

“Kakainini natin ang pagkain natin ng hilaw,”  tugon ng pangatlong mangangaso.

Pinagpatuloy nila ang kanilang munting salu-salo ng biglang nabasag ang katahimikan.

“Alam n’yo ba kung paano sila nagpaparami?” tanong ng pangatlong mangangaso.

Tumugon ang pangalawang mangagaso, “Isang kahindik-hindik na pamamaraan. Narinig ko na ang kanilang nagiging supling ay gawa sa dugo mula sa mga nakunang kababaihan.”

“Kasuklam-suklam na mga nilalang. Mas mabuti kung mawawala silang lahat.” Sambit ng unang mangagaso.

Tila ba sumang ayon ang lahat sa sinabi ng unang mangangaso.

Kinalaunan, ang unang mangagaso ang nagbantay sa kanilang munting kampo.

“Bukas ng umaga natin sila tutugisin, kung kailan sila pagod,” sambit ng unang mangagaso.

“Sang-ayon ako, mas madali silang hanapin sa liwanag ng haring araw,” tugon ng pangalawang mangangaso.

“At mawawakasan natin sila ng walang kahirap-hirap,” dagdag ng pangatlong mangangaso.

Subalit nagpaalala ang unang mangangaso, “kailangan pa rin nating mag ingat. Hindi sila dapat maliitin.”

“Tama ka. Narinig ko na nakasabit sila sa mga sanga ng puno at naghihintay lang ng mabibiktima. Kapag nahuli ka, wala ka ng kawala,” wika ng pangalawang mangangaso.

“Bilib ako sa inyong karunugan mga kasama. Tayo ay magpahinga at ituloy ang ating paglalakbay sa umaga,” pagtugon ng pangatlong mangagaso.

Hindi lumipas ang gabi na nagpabaya sila sa pagbantay sa isa’t isa na tila ba ay pinapatalas ang pakiramdam nila ng kagubatan. Dumating ang umaga at nagpatuloy sila sa paglalakbay nila.

“May aaminin ko sa inyo mga kasama,” sambit ng pangatlong mangangaso.

“Ano iyon?” Tanong ng pangalawang mangangaso.

“Hindi ko pa nakikita kung ano ang tunay na anyo ng nilalang na tinutugis natin,” pag-amin ng pangatlong mangangaso.

Tumugon ang unang mangangaso hinggil sa tanong. “Makinig ka ng mabuti, kapatid. Ang mga nilalang na ito ay may lubhang karimarimarim ang itsura, animo’y sira ang kaanyuan ng mukha. Nagtatago sila sa sulok ng kadiliman ng kagubatan. Bagamat kasinglaki ng tao sa kaanyuan, may pakpak sila na kasing lapad ng mga puno. Ang mga daliri sa paa at kamay ay waring pabaliktad ang tubo mula sa mga kasukasuan nito. Samakatuwid, wala kahalintulad sa wangis ang isang nilalang na tulag ng isang alan.

“At malupit sila. Wala silang awa sa mga biktima nito, kahit ang mga musmos,” dagdag ng pangalawang mangangaso.

Napayuko lang sila habang inaalala ang mapait na pangyayari sa nakaraan. Bigla silang binalot ng katahimikan sapagkat alam nila ang kinuha ng alan sa kanilang nayon.

Nagbalik sa alaala ng unang mangangaso ang kanyang mahal na asawa at kung gaano siya pinapasaya nito. Walang salita ang pwedeng maglarawan sa kalungkutang iniwan nito sa puso niya.

Samantala, natatandaan ng pangalawang mangangaso ang tawa ng kanyang kapatid na kakambal. Meron silang koneksyon na walang tulad sa iba.

At, ang pangatlong mangangaso ay nahulog sa gunita ng isang puting kumot, ang mga telang bumalot sa kanyang anak. Subalit kinuha ito ng alan, ilang linggo pa lang ang nakalipas mula ng ipanganak ito.

Mula sa rurok ng pagkalugmok na ito, napagpasiyahan nilang magtulungan at wakasan ang mga kampon ng kadiliman.

At sa pagkakataon iyon, ibinigay sa kanila ang sandali at nakarating sila sa kanilang papatunguhan.

Dagliang pinalibutan nila ang isang malaking puno ng balete. Tanaw nila ang mga balahibo ng mga nilalang na lumilitaw sa pagitan ng mga dahon. Inihanda nila ang kanilang mga patalim at nagsimulang sumalakay.

Bagamat lamang ang alan sa bilang na lima, hindi inaasahan ang pagsalakay ng mga mangangaso. Wala silang oras para lumaban pabalik at dagliang nagbigay ito ng pagkakataon para supilin sila.

Mag-isang hinarap ng unang mangangaso ang tatlong alan. Buong lakas niyang hiniwa ang makakapal na balat nito. Sinasamantala niya ang kaguluhan habang maliksi siyang nakakaiwas sa pag-atake nila.

Subalit bigla na lang napahinto ang pangatlong mangangaso. Bumungad sa kanya ang bitbit ng kinakaharap niyang alan.

Hindi siya makapaniwala na nakita niya ang kanyang sanggol na anak, nakabalot sa puting kumot.

Ibinaba ng pangatlong mangangaso ang kanyang sandata at lumapit sa alan . Hindi sumalakay ang nilalang at kusang inabot ang sanggol sa kanyang ama.

Napaluha na lang ang mangangaso habang tangan niya ang sanggol sa kanyang mga bisig. Sa kabila ng kanilang kalupitan, napagtanto niya na hindi sinasaktan ng alan ang mga supling at mga bata.

At bago pa man makatugon ang mangangaso, lumipad palayo ang mga natitirang alan.

Bagama’t matuturing na tagumpay sila sa adhikain nila, ang tanging naiisip ng pangatlong mangangaso ay ang kanyang munting sanggol, ligtas sa kanyang piling.

Pinagpatuloy ng dalawang mangangaso ang pagtugis sa mga natitirang alan patungo sa malalim na bahagi ng kagubatan. Habang ang pangatlong mangangaso ay inuwi ang kanyang anak pabalik sa nayon.

Datapwa’t hinirang na mga bayani ang dalawang mangangaso, wala ng narinig patungkol sa kanila kinalaunan. Habang panahon ng nakaukit sa alaala ng mga tao ang dalawang magiting na mangangaso na buong tapang na hinarap ang halimaw na nagbanta sa kanilang mapayapang pamumuhay.

At sa pangatlong mangangaso at kanyang anak, umalis sila sa nayon para magsimula ng panibagong buhay, malayo sa lagim at kaguluhan na dala ng alan.

=—————————————————————-=

English Version

Three hunters there were, closing in on their prey.
The first hunter said, “Look to the skies my fellow hunters, our prey stays in the trees.”

The second hunter replied, “Yes, my friend. These winged beasts will not harm our village anymore.”

The third hunter said, “Our blades must be sharp for its skin is as tough as a carabao’s hide.”

The three hunters gathered their weapons and trekked through the mountains.

It had been years since the first alan arrived in their village. Those were dark days when no man or woman would be brave enough to leave their homes for fear of never returning.

The alan took many away from the village, too many brothers and sisters. Too many children.

The hunters knew that they had to end this reign of terror through blood. Nothing else would do.

In the middle of the forest the three hunters sat and prepared a meal.

“Do not make a fire,” the first hunter said, “for the creatures of the night will be able to find us.”

“How will we cook our meal if we don’t have a fire?” said the second hunter.

“We will have to eat our food raw,” said the third hunter.
And they took out their provisions and ate.

The third hunter broke the silence by asking, “Have you heard how they make children?”

The second hunter replied, “A nasty business. I heard they take blood from miscarriages and mold it to become a child.”

The first hunter said, “Disgusting creatures. We’ll all be better off once they’re all dead.”

And to this all the hunters agreed.

The first hunter took watch over their camp.

“We will hunt them in the morning, when they are tired,” he said.

“I agree, it will be much easier to find them with the light of day,” said the second hunter.

“And we will be able to cut them down without any trouble,” said the third hunter.

“Be careful, brother, we must not underestimate these creatures,” replied the first hunter.

“That is true. I’ve heard they hang upside down from the limbs of trees and wait for their prey to pass under them, snatching up the poor soul with no chance of escape,” the second hunter intoned.

“I bow to your wisdom, brothers. Let us rest for the night and resume our hunt in the morning,” the third hunter said.
And so, the hunters took turns watching over their camp. With each rotation they became more aware of their surroundings, breathing in the paths of the forest. The night passed without incident and the hunters resumed their long trek through the underbrush.

“I must make a confession,” said the third hunter.

“What is it, brother?” replied the second hunter.

“I do not know what these creatures look like,” he admitted.
“Then listen close, brother. These creatures are deformed beings that lurk in the darkest parts of the forest. They are as large as you or I but they have wings that span the breadth of the limbs of trees. Their toes and fingers point backwards from their joints. Surely there is no other creature as ugly or as misshapen as the alan,” the first hunter replied.

“And they are vicious. They spare no mercy for any of their victims, not even the smallest ones,” said the second hunter.

And with this silence overtook the hunters.

They knew what the alan took from their village.

The hunters bowed their heads and drifted off to the realm of memory.

The first hunter remembered his wife and how she made him feel. Words could not describe the emptiness that filled his heart.

The second hunter remembered his brother’s laugh. They were twins and shared a bond no other could understand.
The third hunter remembered a white blanket in which laid his son. He was only a few weeks old when the alan took him.

They had decided enough was enough and banded together to fight these demons.

And now it came to this.

The three hunters circled a large balete tree. They could see the feathers of the creatures poking through the leaves.

They readied their blades and prepared to strike.
The creatures were caught by surprise and did not have enough time to retaliate. There were five creatures and though the odds were in their favor the beasts seemed to be caught unawares, giving the hunters ample time to cut them down.

What followed was a stream of talons and steel. An alan grabbed the second hunter and began to fly upward. It was only with his quick thinking that he managed to chop of the foot of the alan and rolled to the ground.

The first hunter fought three of the alan by himself. He hacked and slashed through their thick hides, dodging their blows and taking advantage of their confusion.
The third hunter stopped when he saw what the alan he faced was carrying.

It was his son, wrapped in a white blanket.

The third hunter dropped his sword and walked towards the alan that held his son. The creature did not attack and handed over the boy to his father.

The hunter wept as he cradled the baby in his arms. For all their viciousness the alan had not harmed children after all.
Before the hunter could respond the alan had flown away. The other hunters bandaged their wounds and screamed a cry of triumph.

But the third hunter could only think of his son, now safe in his embrace.

The two hunters continued on deeper in the forest, looking for more alan to hunt while the third hunter took his son and returned to the village.

They were never heard from again, though the pair were hailed as heroes by the village. Forever would the people remember the two brave hunters that stood against the monsters that threatened their way of life.

The third hunter and his son left the village to find a new life, far away from the chaos of the alan.

=————————————————————————=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario
Inspired by the Alan entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Alan Illustration and Watercolor by Nightmaresyrup
Tumblr: http://nightmaresyrup.tumblr.com/

The post Alan – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3315