Tagalog Story Archives - Philippine Spirits https://phspirits.com/tag/tagalog-story/ Your Portal to Philippine Mythology Wed, 28 Dec 2022 08:23:42 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.3 https://i0.wp.com/phspirits.com/wp-content/uploads/2020/05/cropped-Spirits-Logo-JPEG-scaled-1.jpg?fit=32%2C32&ssl=1 Tagalog Story Archives - Philippine Spirits https://phspirits.com/tag/tagalog-story/ 32 32 141540379 The Sansilmo Bird – Tagalog Translation https://phspirits.com/the-sansilmo-bird-tagalog-translation/ Wed, 28 Dec 2022 08:23:42 +0000 https://phspirits.com/?p=3976 *Note this story is in Tagalog Sa Norte, sa lugar na tinatawag na Lagui, may nakatirang ibon na nagngangalang Apan. Nagmula sa malayong hilagang-silangan si Apan at ang kaniyang uri, […]

The post The Sansilmo Bird – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

Sa Norte, sa lugar na tinatawag na Lagui, may nakatirang ibon na nagngangalang Apan. Nagmula sa malayong hilagang-silangan si Apan at ang kaniyang uri, ngunit bunsod ng marahas na taglamig sa lupaing iyon, lumipad sila patimog sa lugar na maraming molino.

Isang araw, habang nagpaparaya ang araw sa pagsikat ng buwan, may nasulyapan si Apan na ibong noon niya lamang nakita. Apat na taglamig na ang lumipas mula nang siya ay isilang, at akala niya ay alam na niya ang lahat ng ibong dumarayo sa Lagui. Ang ibong iyon ay hindi susulbot, galansiyang, o maya. Naalala niya roon ang mga ngiwngiw na nangangaso malapit sa sangang pahingahan niya dahil sa mukha at dipa ng mga pakpak niyon, ngunit hanggang doon lamang ang pagkakawangis.

Wala sa mga ibong naisip niya ang may liwanag na parang bituin.

Pagod na si Apan dahil buong araw siyang naghanap ng makakain, subalit hindi iyon naging hadlang upang lumipad siya papalapit sa ibon sa pagnanais niyang makita iyon nang mas mabuti.

Hindi kalakihan ang ibon. Naalala rito ni Apan ang mga pato at saranggola na iniiwasan ng kaniyang uri. Madaling sundan ang ibon kahit sa malayo, na magandang bagay para kay Apan. Ibinuka ng ibon ang mga pakpak nito at dumapo ito sa isang sanga sa malapit.

Nang iangat ng ibon ang mga pakpak nito, nakita ni Apan ang pinagmumulan ng liwanag nito. May bolang nagbabaga sa ilalim ng bawat pakpak ng ibon. Nagtaka si Apan kung paano nangyaring hindi nilalamon ng apoy ang ibon. Binabaan niya ang kaniyang lipad sa pag-aakalang hindi siya makikita ng ibon at dumapo siya sa isang sanga sa ilalim nito.

Tila rebulto ang ibon. Kinilabutan si Apan sa bikas nitong walang-tinag. Naisip niya, “Ano ang gagawin ng ibong ito?”

“Alam kong nariyan ka,” ang sambit ng ibon, sa wakas.

Hindi gumalaw si Apan. Sigurado siyang nakapuwesto siya sa lugar kung saan hindi siya makikita ng ibon.

“Halika’t mag-usap tayo,” ang sabi ng ibon.

Kaya naman, lumipad si Apan upang tumabi sa ibon. Hindi siya sanay nang gising sa gabi at nakakaramdam na siya ng bigat sa kaniyang mga pakpak, ngunit noon lamang siya nakadama ng ganoong kagalakan. Bihirang magkaroon ng pagkakataong makahanap ng bagay na bago at maaari niyang usisain.

Humarap siya sa ibon at nagtanong. “Ano ka?”

Tumawa ang ibon. “Hindi ka nagpapaligoy-ligoy, ano?”

Ibinaba ng ibon ang mga pakpak nito at natakpan ang mga bola ng apoy.

“Tulad mo, isa akong ibon.”

“Wala kang katulad sa mga ibong nakita ko na dati, at apat na taglamig na akong pumupunta rito,” ani Apan.

“Isa akong espesyal na uri ng ibon,” ang tugon nito.

“Bakit ka may apoy sa ilalim ng iyong mga pakpak? Paano nangyaring hindi ka nilalamon nito?”

“Napakamausisa mong ibon,” ang sagot nito. “Bakit mo gustong malaman?”

“Ngayon lamang ako nakakita ng nilalang na lumilipad sa kalangitan nang may taglay na angking karingalan. Nais kitang ikuwento sa iba pang ibon sa aking langkay.”

“O, siya,” ang sabi ng ibon. “Sasabihin ko sa iyo ang aking kuwento. Bago iyon, may tanong ako na dapat mong sagutin.”

“Sige!” ani Apan. “Gagawin ko ang lahat, marinig ko lamang ang iyong kuwento.”

“Ano ang paniniwala mo sa usapin ng kapalaran?”

Nabigla si Apan. Hindi niya inaasahang magbabato ng ganoong klase ng tanong ang ibon. Hindi nag-aabala ang kaniyang uri sa mga dakilang bagay na tulad ng kapalaran. Nalulugod na silang lumipad patungo sa maiinit na lugar at maghanap ng makakain.

Kaya naman, ganito ang isinagot niya:

“Hindi ko alam kung talagang may ganoon. Isang salita ang kapalaran na naglalarawan sa mga bayani at hari, hindi sa abang ibon na gaya ko.”

Tumawa ang ibon. “Pinaniniwalaan mo ba talaga iyan?”

“Oo.”

Tumingin ang ibon kay Apan nang may awa na bakas sa mukha nito. “May kapalarang sinusundan ang bawat nabubuhay na nilalang. Kapag hindi mo iyon tinahak, malaki ang ipinagkakait mo sa iyong sarili.”

“Ikaw naman, ano ang palagay mo sa kapalaran?”

“Maihahalintulad sa hangin ang kapalaran. Maaari itong umihip nang kasinglakas ng unos o kasinghina ng dampi sa iyong balahibo. Hindi ito maaaring tanggihan; may dala itong kinabukasan na kung babalewalain ay maituturing na isang kahangalan.”

Napatahimik si Apan. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot sa ibon.

Nagpatuloy ang ibon: “May mas malaking kinababahagian ang lahat ng buhay. Sa munting pagbabago sa hangin na bunsod ng pagpagaspas natin sa ating mga pakpak, maaaring makarating ang isang langaw sa lugar na kung hindi dahil doon ay hindi nito pupuntahan. Malinaw na naaapektuhan ang lahat ng buhay bawat araw ng mga puwersang hindi natin lubusang maiintindihan. At kapag napagtanto na natin iyon, dapat tayong sumuko.”

“At ano ang iyong kapalaran?” ang tanong ni Apan.

“Makikita mo mamaya.” Halos tila nakangiti ang ibon. “At dahil narito ka, sasagutin ko ang iyong tanong.”

Muling inangat ng ibon ang mga pakpak nito upang ipakita ang mga bola ng apoy. Nag-alala si Apan na masusunog ang kaniyang balahibo sa lapit niya sa apoy, ngunit nagulat siya sa init na bumalot sa kaniyang katawan at kaibuturan.

“Ito ako,” ang sambit ng ibon.

“Ikaw ang apoy?” Sinubukang unawain ni Apan ang sinasabi sa kaniya ng ibon.

“Ako ay apoy at manlilinlang.”

“Ngunit isa kang ibon. Paano ka naging mga bagay na iyon?”

“Tumingala ka,” ang sabi ng ibon. “Malapit na ang oras.”

“Oras ng ano?”

“Ng ulan.”

Sa sandaling iyon, may naramdaman si Apan na patak ng ulan sa kaniyang ulo. At isa pang patak. At isa pa.

Tila nakalimutan na ng ibon ang pag-uusap nila at pumailalang ito patungo sa mga ulap na may dalang ulan.

Sinubukang sumigaw ni Apan upang itanong sa ibon kung ano ang ibig nitong sabihin.

Natanggap niya ang sagot na hinahanap niya sa anyo ng liwanag na halos makabulag.

Naging apoy ang ibon—isang nag-aalab na bola sa kalangitan. Hindi alam ni Apan kung gaano katagal siyang nakatitig sa bola ng apoy. Pagsapit ng bukang-liwayway, naglaho ang liwanag ng apoy at bumalik na si Apan sa kaniyang langkay.

Nasasabik na siyang ikuwento sa kanila ang ibon.

Gayunpaman, dala niya ang bigat ng mga salitang binitiwan ng ibon.

Nakakulong ba tayo sa ating kapalaran?

=————————————-=

In the North, in a place called Lagui, there lived a bird called Apan. Apan and her kind were from the far northeast, but the harsh winters in that land made them migrate southwards to the land of windmills.

One day, as the sun was giving way to the moon, Apan caught a glimpse of a bird she had never seen before. It had been four winters since she had been hatched and she thought she knew all the birds that came to flock in Lagui. The bird was not a kingfisher, a starling, nor a sparrow. It did remind her of the grass owls that hunted near her perch, with its wingspan and face, but the similarities ended there.

None of those birds ever glowed like starlight.

Apan was tired, having spent the whole day foraging for food. That didn’t stop her from flying towards the bird to sate her curiosity.

The bird was not that large, it reminded Apan of the ducks and kites that her kind avoided. Even from far away the bird could be followed which was convenient for Apan. The bird spread its wings and perched on a nearby branch.
As it lifted its wings up Apan saw the source of its glow. Under each of its wings there was a ball of intense fire. Apan wondered how the fire didn’t consume it. She flew low thinking that the bird would not see her and roosted on a branch under the bird.

It seemed like the bird was a statue. The unmoving countenance of it gave Apan chills. “What would this bird do?” she wondered.

“I know you’re there,” it finally spoke.

Apan did not move. She was sure she was in a place where the bird could not see her.

“Come here and we shall talk,” the bird said.

With that, Apan flew above and rested beside the bird. She was not nocturnal and the hours of night felt heavy upon her wings, but she had never felt such exhilaration. It was rare to find something completely new that she could explore.

She faced the bird and asked, “What are you?”
The bird laughed, “Straight to the point, aren’t you?”
It put its wings down, covering the balls of fire.
“I am, like you, a bird.”

“You are not like any kind of bird I have ever seen, and I have been going here for four winters,” said Apan.
“I am a special kind of bird,” it replied.

“Why do you have fire under your wings? How does it not consume you?”

“You are a very curious bird,” it answered, “why do you want to know?”

“Never have I seen such majesty flying through the skies, I would like to tell the other birds of my flock about you.”
“Very well,” said the bird, “I will tell you my story. But first you must answer a question.”

“Of course!” Apan said, “anything to hear your story.”

“What do you believe about destiny?”

Apan was caught off guard. She had not expected this kind of question from the bird. Her kind did not think of grand things such as destiny, they were content to fly to warm places and find their next meals.

And thus she answered:

“I do not know if it exists. Destiny is a word that describes heroes and kings, not a lowly bird such as I.”

The bird laughed. “Do you truly believe that?”

“Yes, I do.”

The bird looked at Apan with pity, “Every living being has a destiny that they follow. To deny that is to deny yourself.”

“What about you? What do you think about destiny?”

“Destiny is like the wind. It can blow with the wild abandon of a hurricane or the smallest of whispers on your feathers. It cannot be denied, it brings a future that would be foolish to ignore.”

Apan fell silent. She could not find the words to reply to the bird.

The bird continued, “All life is part of something much larger. A brief change in the air caused by the flap of our wings could make it so that a fly would end up where it might never have gone. It is clear that all life is affected every day by forces beyond our comprehension. And once we realize that, we must surrender.”

“And what is your destiny?” Apan asked.

“You will see it later.” The bird almost looked like it was smiling. “And since you are here I will answer your question.”

The bird once again raised its wings so that the balls of fireballs were visible. Apan was worried that her feathers would burn being so close to fire, but she was surprised at the warm glow that washed over her form.

“This is what I am,” said the bird.

“You are the fire?” Apan tried to understand what the bird was trying to tell her.

“I am the fire and a deceiver.”

“But you are a bird. How can you be both?”

“Look up,” the bird said, “it is almost time.”

“Time for what?”

“For the rain.”

At that moment Apan could feel a raindrop hit her head. And another. And another.

The bird seemed to forget their conversation and flew high towards the rainclouds.

Apan tried to shout at the bird, to ask what it meant.

She received her answer in a luminescence that nearly blinded her.

The bird became fire, a ball of bright flame hanging in the sky. Apan didn’t know how many hours she had spent staring at the ball of fire. Once the morning sun broke through the twilight the light disappeared and Apan made her way back to her flock.

She couldn’t wait to tell them about the bird.

But the bird’s words weighed heavy on her.

Are we only what our destiny is?

————————————————————————–

**Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza

Translation by Maui Felix
Copyright © Karl Gaverza

Translation Copyright © Maui Felix

Inspired by the Sansilmo bird legends from Ilocos and “Sansilmo, the Light Deciever.” in Philippine Folk Literature: The Legends. Eugenio. 2002. and an Interview with Migo Luis (2015)

The Sansilmo Bird Illustration by Alvin Gasga
FB: Art of Alvin

The post The Sansilmo Bird – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3976
The King of Fishes – Tagalog Translation https://phspirits.com/the-king-of-fishes-tagalog-translation/ Thu, 15 Dec 2022 06:23:58 +0000 https://phspirits.com/?p=3953   *Note this story is in Tagalog Marahil iniisip mo na ang mga isda ay palagi silang ganyan, at sa ilang kaso ikaw ay tama. Subalit may nag-iisang isda ang […]

The post The King of Fishes – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
 

*Note this story is in Tagalog

Marahil iniisip mo na ang mga isda ay palagi silang ganyan, at sa ilang kaso ikaw ay tama. Subalit may nag-iisang isda ang namumukod-tangi sa lahat, siya ang Hari ng mga isda at siya ay nakatira sa malalim na bahagi ng mga alon, gamit ang kanyang kapangyarihan upang pamunuan ang kaibuturang bahagi ng karagatan.

 

Karamihan ng mga tao ay nakalimutan na ang Hari ay isang kabunyian at tangkaing tanggihan siya sa kanyang nararapat, subalit kalaunan ay kanilang natutuhan na walang paglabag sa isang pinanumpaang ginawang bagay sa hari.

May isang kuwento ng magkabiyak na nagngangalang Juan at Juana na natutuhan nang mabuti ang aral na ito. Nakatira sila sa baybayin at naghintay nang mahabang panahon upang mabiyayaan ng anak.

Hindi nagtagal ngumiti ang kapalaran sa kanila pagkatapos ng maraming taon at inaasahan ang pagluwal ng bagong biyaya ng mag-asawa.

Sa panahon ng pagbubuntis ni Juana, naglilihi itong kumain ng bangus. Si Juan na kanyang maarugang asawa ay pumapalaot sa malayong karagatan makahanap lamang ng isdang kinahuhumalingan ng kanyang kabiyak.

At dumating ang araw na walang mahuling bangus si Juan. Nakaupo sa kanyang bangka, lupaypay habang iniisip na umuwing walang dala.

Sa labas ng katahimikan may isang boses ang tumawag kay Juan. Lumingon ito at sa pagkagulat nakita ang isang bangus na may suot na korona.

Ipinakilala ng bangus ang sarili bilang Hari ng mga Isda at nagtanong bakit bangus lamang ang hinuhuli ni Juan. Ipinagtataka nito kung bakit pakaunti ang mga nasasakupan nitong isda sa karagatan.

Ipinaliwanag ni Juan na ang kanyang nagdadalang-taong asawa ay naglilihi ng bangus araw-araw. Kanyang iniugnay ang kalungkutan kaugnay ng pagkawalang huli.

“Huwag kang mangamba,” sambit ng Hari ng mga Isda, “Pagkakalooban kita ng lahat ng bangus na kakailanganin mo, subalit bilang kapalit ay ibibigay mo ang iyong anak pagtuntong nito ng pitong taong gulang.”

Bakas sa mukha ni Juan ang pagkagulantang. Totoong hindi niya magagawang ipamigay ang kanyang anak sa Hari ng mg Isda subalit, iniisip din niya ang kanyang kabiyak na siya ay umuwi nang walang bitbit. Panahon pa naman kung saan mahirap makakuha ng bangus at hindi alam ni Juan kung makakahuli ba ito kung wala ang tulong ng Hari ng mga isda.

Di naglaon ay sumang-ayon na rin si Juan sa Hari ng mga Isda at, tapat sa kanyang binitawang mga salita, binigyan si Juan ng Hari ng maraming bangus na hindi niya mabilang. Sa dami nito, patuloy ang pagdadala ni Juan maging pagkatapos manganak ni Juana.

Pinangalanan nila ang supling na “Maria,” at kanila itong labis na minahal. Pagtuntong ng batang babae sa gulang na pito, nagmakaawa si Juan sa Hari ng mga isda na pakawalan sila sa binitawang pangako. Hindi nagpatinag ang Hari ng mga Isda at nagsambit lamang na, “Ang pangako ay pangako.”

At ang hari ay hindi dapat tinatanggihan.

Umuwi si Juan na wasak ang puso. Mula sa araw na iyon, pinagbawalan ni Juan at Juana ang kanilang minamahal na anak na lumapit sa dagat.

Iyan ay, hanggang isang araw, habang naglalaba sina Juan at Juana sa may ilog. May dumating na maringal na bangka. Sa karilagan nito, dinumog ng mga tao upang tingnan ang magandang tanawin. Si Maria na tinulak ng pagkamausisa, sumama sa mga tao sa dalampasigan.

Kagyat lang, isang malaking alon ang humampas sa dalampasigan at hinila si Maria.

Nagmadali ang mga taong puntahan sina Juan at Juana at sabihan ang mga ito sa nangyari, subalit huli na ang lahat. Batid nilang dalawa na kinuha ng Hari ng mga Isda si Maria.

Ganoon pa man, ang pagmamahal nila sa kanilang anak ay matatag, tuwing gabi sa loob ng maraming taon sila ay nag-aabang sa dalampasigan at umaasang maaninagan ang kanilang anak na si Maria.

At ang kanilang mga panalangin ay tinugon sa kaliwanagan ng buwan kung saan nakakita sila ng isang babae na ang katawan ay kalahating babae at kalahating bangus. Sa isang sulyap sa mahabang maitim na buhok at kanilang napagtanto na ito ang kanilang nawawalang anak, na ngayon ay habangbuhay na pagmamay-ari ng mga alon.

=———————————–=

English Version

Maybe you think that fishes were always the way they are, and in some cases you would be right. But there is one fish above all others, he is the King of Fishes and he lives deep beneath the waves, using his authority to govern the deep fathoms of the oceans.
 
Most humans forget that the King is royalty and seek to deny him his due, but they learn eventually that there is no breaking an oath made to a royal.
 
There is the tale of a couple named Juan and Juana that learned this lesson all too well. They lived by the seaside and waited through the seasons to be blessed with a child.
Fortune smiled upon them after many years and they were finally expecting a new addition to their family.
 
During the pregnancy Juana would crave bangus (milkfish) to eat. Juan was a faithful husband and would go far out to sea to catch the fish his wife enjoyed.
 
Then came a day when Juan was unable to find any bangus in his nets. He sat in his boat, crestfallen at the prospect of coming home empty handed to his wife.
 
Out of the silence a lone voice called for Juan. He turned around and was surprised to find a bangus with a crown.
The bangus introduced himself as the King of Fishes and asked why Juan fished only for bangus. He wondered why he would see less and less of his subjects in the water.
 
Juan explained that his pregnant wife craved bangus every day. He related his sorrow surrounding his empty catch.
“Fear not,” said the King of Fishes, “I will provide you with all the bangus you will ever need, but in return you must give your child to me when it turns seven years old.”
 
Juan’s face flashed with shock. Surely he couldn’t give away his firstborn child to the King of Fishes, yet he thought to his wife, devastated that Juan would come up empty. It was the season in which bangus was scarce and Juan didn’t know if he would be able to catch any without the King of Fishes’ help.
 
Juan eventually agreed to the King of Fishes’ terms and, true to his word, the King supplied Juan with more bangus than he could count. So bountiful was Juan’s catch that he continued to bring home bangus even after Juana had given birth.
They named the child “Maria” and they loved her very much. When the girl turned seven Juan begged the King of Fishes to release them from his promise. The King of Fishes did not waver and only said, “A promise is a promise.”
 
And a king will not be denied.
 
Juan returned home, his heart shattered into a million pieces. That day both Juan and Juana forbade their lovely daughter to go near the sea.
 
That is, until one day, when Juan and Juana were doing laundry by the river. There came a magnificent boat. So majestic it was that people gathered to the seaside to take in the beautiful sight. Maria, pushed by her curiosity, joined the people by the seaside.
 
In an instant, a giant wave rushed to the shore and dragged Maria out to sea.
 
The people rushed to Juan and Juana and told them about what happened, but it was too late. They both knew that the King of Fishes had taken Maria.
Still, their love for their daughter was strong, every night for years they would stay by the shore in the hopes of catching the merest vision of Maria.
 
And their prayers were answered on a moonlit night when they saw a woman whose body was half woman and half bangus. One glimpse of her long, black hair and they knew that it was their long lost daughter, now forever belonging to the waves.
=————————————————-=
*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Dominic Gonzaga Quilantang
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Dominic Gonzaga Quilantang
 
Adapted from “The Mermaid” in Philippine Folk Literature: The Legends. Eugenio. 2002.
 
The King of Fishes Illustration by Pia BMorante

The post The King of Fishes – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3953
Adarna – Tagalog Translation https://phspirits.com/adarna-tagalog-translation/ Sat, 19 Mar 2022 09:41:51 +0000 https://phspirits.com/?p=3584 *Note this story is in Tagalog Matindi ang sikat ng haring araw sa kalangitan, ngunit hindi papapigil ang dalawang magkaibigan na ipahinga ang kanilang mga pakpak sa isang puno at […]

The post Adarna – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>

*Note this story is in Tagalog

Matindi ang sikat ng haring araw sa kalangitan, ngunit hindi papapigil ang dalawang magkaibigan na ipahinga ang kanilang mga pakpak sa isang puno at malugod na batiin ang isa’t-isa.

Ang isa ay nakatakas sa pagkakakulong mula sa isang malayong kaharian at isa naman ay nakalaya bungad sa kapatawaran ng kanyang hari. Naging mahirap at masalimuot ang kanilang mga paglalakbay subalit nagpapasalamat sila  dahil kasama nila ang isa’t-isa.

“Kaibigan, sabihin mo sa akin ang iyong kuwento,” pakiusap ng dakilang ibon.

“Nagsimula lahat noong nagpalipas ako ng gabi sa puno ng Piedras Platas, tulad ng madalas kong ginagawa.”

“Ang iyong puno ng brilyante?”

“Siyang tunay. Tulad ng dati, sinimulan kong awitin ang isa sa aking pitong kanta ng dumating ang dapit-hapon. Subalit sa pagkakataong natapos ko ang ika-pitong awitin, hindi ko napansin na may tao sa ilalim at hindi sinasadyang nahulugan ko siya ng aking dumi.

“At naging bato siya.”

“Oo, naging bato siya. May ibang tao na hindi alam kung ano ang sinusuong nila. Nung sumunod na araw, isa na namang tao ang nakatulog sa ilalim ng puno. Hindi ko pa alam ng pagkakataong iyon na magkapatid sila.”

“Anong nangyari pagkatapos?”

“Hinuli ako habang mahimbing ang tulog ko. Nanatili gising ang taong dumakip sa akin habang kumakanta ako at iniiwasan niya ang mga dumi ko. Naibalik niya ang mga kapatid niya mula sa pagiging bato subalit hindi nila ito kinatuwa. Bagkus ay ginapos nila ito kahit siya ang nagpalaya sa kanila at dinala ako sa kanilang hari.”

“Hindi mawari talaga ang kasakiman ng mga tao.”

“Nang mga sandaling iyon, hindi ko mapagaling ang hari sapagkat kakanta lang ako kapag bumalik ang tunay na dumakip sa akin. At kinalaunan ay nagbalik ‘nga siya. Nagsimula akong umawit at lumabas ang katotohanan tungkol sa kataksilang ginawa ng kanyang mga kapatid. Napalayas sana sa kaharian ang mga taksil niyang kapatid kung hindi lang sa kapatawarang ginawad niya sa kanila.”

“Hango sa sinabi mo, para siyang wala muwang sa mga bagay-bagay.”

“Pagkatapos nun, maayos ang naging pakikitungo nila sa akin. Subalit inasam ko iwagayway ang aking mga pakpak at makalipad muli sa kalangitan. Nakita ko ang pagkakataong ito nang pinalaya ako ng isa sa mga magkakapatid. Pasubali ko ay pakana ito para palabasing hangal ang mabuting niyang kapatid, pero ito ay aking haka-haka lang.”

“Isang kakaibang pagsubok ang iyong naranasan kaibigan.”

“Sang-ayon ako, isang natatanging pakikipagsapalaran, gaya ng marami na siyang pupunan sa ating mga sandali ng habambuhay. Minsan darating sila sa atin at wala tayong magagawa sa bagay na ito. Ang aking pagkakabihag ang nagturo sa akin na pahalagahan ang kalayaang tinatamasa ko ngayon.”

“Tulad ng inaasahan sa iyo kaibigan, may taglay na karunungan ang iyong mga salita.”

Lumubog na ang haring araw habang pinagpatuloy ng dalawang dakilang ibon ang kanilang usapan. Habang patuloy na kumakagat ang dilim ng gabi, kapansin-pansin ang kakaibang kislap sa kanilang mga balahibo dulot ng mga liwanag ng mga bituin.

=——————————————

English Version

The sun shone with an unforgiving glare, but this did not stop the two friends from resting their wings upon a tree and greeting each other warmly.

One had just fled from captivity in a faraway kingdom while the other had sought forgiveness from their king. It had been an exceptionally challenging time in the lives of both these great birds, but they were thankful for each other’s company.

“Tell me your story, old friend,” the great bird, Sumayang Galura, requested.

“It started when I was spending the night on the Piedras Platas, as I always do.”

“Your tree of diamond?”

“The very same. As the sun was setting, I began to sing the first of my seven songs, when I had finished with the seventh, I did not realize that there was a human below me and my droppings had fallen on him.”

“He then turned to stone”

“That he did. Some humans just don’t realize what they get themselves into. The next day the same thing happened with another human that fell asleep at the foot of my tree, I didn’t know they were brothers then.”

“What happened then?”

“The human’s other brother came forth and captured me while I slept. He stayed awake during my songs and avoided my droppings until I fell asleep. He turned his brothers back from stone, but they did not appreciate their freedom. They beat the brother that freed them and took me to their king.”

“Will the cruelty of humans never cease?”

“I would not sing my song to heal the king until my true captor returned, and he did. I sang and my song revealed the duplicity of the two brothers, they would have been banished if not for the forgiveness of the brother that freed them.”

“He sounds like a naïve human.”

“After that, I was not treated badly, but I yearned to stretch my wings and fly through the sky once again. I had this opportunity when one of the brothers just released me. I think it was to frame the good brother as a fool, but that is just my guess.”

“It seems you have had a great ordeal, old friend.”

“I have had an adventure, as what fills most of our lifetimes. Sometimes they come to us and we do not have any choice in the matter. My captivity has only made me more grateful for the freedom I now possess.”

“Wise words, I would expect no less from you.”

The sun set as the two great birds continued their conversation. The star’s light gave their feathers a brilliant glow as they talked late into the night.

=——————————————————————0

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by Ibong Adarna

Adarna Illustration and Watercolor by Franz Lim

The post Adarna – Tagalog Translation appeared first on Philippine Spirits.

]]>
3584