*Note this story is in Tagalog

Marahil iniisip mo na ang mga isda ay palagi silang ganyan, at sa ilang kaso ikaw ay tama. Subalit may nag-iisang isda ang namumukod-tangi sa lahat, siya ang Hari ng mga isda at siya ay nakatira sa malalim na bahagi ng mga alon, gamit ang kanyang kapangyarihan upang pamunuan ang kaibuturang bahagi ng karagatan.

 

Karamihan ng mga tao ay nakalimutan na ang Hari ay isang kabunyian at tangkaing tanggihan siya sa kanyang nararapat, subalit kalaunan ay kanilang natutuhan na walang paglabag sa isang pinanumpaang ginawang bagay sa hari.

May isang kuwento ng magkabiyak na nagngangalang Juan at Juana na natutuhan nang mabuti ang aral na ito. Nakatira sila sa baybayin at naghintay nang mahabang panahon upang mabiyayaan ng anak.

Hindi nagtagal ngumiti ang kapalaran sa kanila pagkatapos ng maraming taon at inaasahan ang pagluwal ng bagong biyaya ng mag-asawa.

Sa panahon ng pagbubuntis ni Juana, naglilihi itong kumain ng bangus. Si Juan na kanyang maarugang asawa ay pumapalaot sa malayong karagatan makahanap lamang ng isdang kinahuhumalingan ng kanyang kabiyak.

At dumating ang araw na walang mahuling bangus si Juan. Nakaupo sa kanyang bangka, lupaypay habang iniisip na umuwing walang dala.

Sa labas ng katahimikan may isang boses ang tumawag kay Juan. Lumingon ito at sa pagkagulat nakita ang isang bangus na may suot na korona.

Ipinakilala ng bangus ang sarili bilang Hari ng mga Isda at nagtanong bakit bangus lamang ang hinuhuli ni Juan. Ipinagtataka nito kung bakit pakaunti ang mga nasasakupan nitong isda sa karagatan.

Ipinaliwanag ni Juan na ang kanyang nagdadalang-taong asawa ay naglilihi ng bangus araw-araw. Kanyang iniugnay ang kalungkutan kaugnay ng pagkawalang huli.

“Huwag kang mangamba,” sambit ng Hari ng mga Isda, “Pagkakalooban kita ng lahat ng bangus na kakailanganin mo, subalit bilang kapalit ay ibibigay mo ang iyong anak pagtuntong nito ng pitong taong gulang.”

Bakas sa mukha ni Juan ang pagkagulantang. Totoong hindi niya magagawang ipamigay ang kanyang anak sa Hari ng mg Isda subalit, iniisip din niya ang kanyang kabiyak na siya ay umuwi nang walang bitbit. Panahon pa naman kung saan mahirap makakuha ng bangus at hindi alam ni Juan kung makakahuli ba ito kung wala ang tulong ng Hari ng mga isda.

Di naglaon ay sumang-ayon na rin si Juan sa Hari ng mga Isda at, tapat sa kanyang binitawang mga salita, binigyan si Juan ng Hari ng maraming bangus na hindi niya mabilang. Sa dami nito, patuloy ang pagdadala ni Juan maging pagkatapos manganak ni Juana.

Pinangalanan nila ang supling na “Maria,” at kanila itong labis na minahal. Pagtuntong ng batang babae sa gulang na pito, nagmakaawa si Juan sa Hari ng mga isda na pakawalan sila sa binitawang pangako. Hindi nagpatinag ang Hari ng mga Isda at nagsambit lamang na, “Ang pangako ay pangako.”

At ang hari ay hindi dapat tinatanggihan.

Umuwi si Juan na wasak ang puso. Mula sa araw na iyon, pinagbawalan ni Juan at Juana ang kanilang minamahal na anak na lumapit sa dagat.

Iyan ay, hanggang isang araw, habang naglalaba sina Juan at Juana sa may ilog. May dumating na maringal na bangka. Sa karilagan nito, dinumog ng mga tao upang tingnan ang magandang tanawin. Si Maria na tinulak ng pagkamausisa, sumama sa mga tao sa dalampasigan.

Kagyat lang, isang malaking alon ang humampas sa dalampasigan at hinila si Maria.

Nagmadali ang mga taong puntahan sina Juan at Juana at sabihan ang mga ito sa nangyari, subalit huli na ang lahat. Batid nilang dalawa na kinuha ng Hari ng mga Isda si Maria.

Ganoon pa man, ang pagmamahal nila sa kanilang anak ay matatag, tuwing gabi sa loob ng maraming taon sila ay nag-aabang sa dalampasigan at umaasang maaninagan ang kanilang anak na si Maria.

At ang kanilang mga panalangin ay tinugon sa kaliwanagan ng buwan kung saan nakakita sila ng isang babae na ang katawan ay kalahating babae at kalahating bangus. Sa isang sulyap sa mahabang maitim na buhok at kanilang napagtanto na ito ang kanilang nawawalang anak, na ngayon ay habangbuhay na pagmamay-ari ng mga alon.

=———————————–=

English Version

Maybe you think that fishes were always the way they are, and in some cases you would be right. But there is one fish above all others, he is the King of Fishes and he lives deep beneath the waves, using his authority to govern the deep fathoms of the oceans.
 
Most humans forget that the King is royalty and seek to deny him his due, but they learn eventually that there is no breaking an oath made to a royal.
 
There is the tale of a couple named Juan and Juana that learned this lesson all too well. They lived by the seaside and waited through the seasons to be blessed with a child.
Fortune smiled upon them after many years and they were finally expecting a new addition to their family.
 
During the pregnancy Juana would crave bangus (milkfish) to eat. Juan was a faithful husband and would go far out to sea to catch the fish his wife enjoyed.
 
Then came a day when Juan was unable to find any bangus in his nets. He sat in his boat, crestfallen at the prospect of coming home empty handed to his wife.
 
Out of the silence a lone voice called for Juan. He turned around and was surprised to find a bangus with a crown.
The bangus introduced himself as the King of Fishes and asked why Juan fished only for bangus. He wondered why he would see less and less of his subjects in the water.
 
Juan explained that his pregnant wife craved bangus every day. He related his sorrow surrounding his empty catch.
“Fear not,” said the King of Fishes, “I will provide you with all the bangus you will ever need, but in return you must give your child to me when it turns seven years old.”
 
Juan’s face flashed with shock. Surely he couldn’t give away his firstborn child to the King of Fishes, yet he thought to his wife, devastated that Juan would come up empty. It was the season in which bangus was scarce and Juan didn’t know if he would be able to catch any without the King of Fishes’ help.
 
Juan eventually agreed to the King of Fishes’ terms and, true to his word, the King supplied Juan with more bangus than he could count. So bountiful was Juan’s catch that he continued to bring home bangus even after Juana had given birth.
They named the child “Maria” and they loved her very much. When the girl turned seven Juan begged the King of Fishes to release them from his promise. The King of Fishes did not waver and only said, “A promise is a promise.”
 
And a king will not be denied.
 
Juan returned home, his heart shattered into a million pieces. That day both Juan and Juana forbade their lovely daughter to go near the sea.
 
That is, until one day, when Juan and Juana were doing laundry by the river. There came a magnificent boat. So majestic it was that people gathered to the seaside to take in the beautiful sight. Maria, pushed by her curiosity, joined the people by the seaside.
 
In an instant, a giant wave rushed to the shore and dragged Maria out to sea.
 
The people rushed to Juan and Juana and told them about what happened, but it was too late. They both knew that the King of Fishes had taken Maria.
Still, their love for their daughter was strong, every night for years they would stay by the shore in the hopes of catching the merest vision of Maria.
 
And their prayers were answered on a moonlit night when they saw a woman whose body was half woman and half bangus. One glimpse of her long, black hair and they knew that it was their long lost daughter, now forever belonging to the waves.
=————————————————-=
*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Dominic Gonzaga Quilantang
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Dominic Gonzaga Quilantang
 
Adapted from “The Mermaid” in Philippine Folk Literature: The Legends. Eugenio. 2002.
 
The King of Fishes Illustration by Pia BMorante

By admin