*Note this story is in Tagalog
Isa itong magandang lugar para manalangin. Ang mga salita ng kaniyang mga magulang ay umalingawngaw sa puso ni Alfonso.
Sa unang pagkakataon na sinabi ng kaniyang mga magulang na sila ay pupunta ng La Union, naisip na ni Alfonso ang mga itatanong niya sa surfing instructor.
Ngunit hindi niya inaasahan ang mga batong walang laman sa isang lumang simbahan.
Sa paglipas ng mga taon, sila ay nagbigay ng isang uri ng kaginhawaan.
Anuman ang mangyari sa kaniyang buhay, nandoon lamang ang mg bato. Nandoon sana siya.
Naalala ni Alfonso ang unang beses nang makita niya ang pari.
Nakita niya ito sa gilid ng kaniyang mga mata. Ginagalugad niya noon ang mga guho at tinitingnan kung sino pa ang ibang naroroon.
Nagtawag siya ng isang kaibigan at nakakita siya ng isang multo.
Tumatangis, tumakbo siya papunta sa kaniyang mga magulang at sinabi sa kanila ang kaniyang nakita.
Pareho ang kanilang naging sagot — “Ipanalangin mo siya.”
Alas-otso na ng gabi, tatlong oras buhat nang dumating si Alfonso sa simbahan. Muli siyang nanigarilyo at inalala ang nakaraan.
Tinangka niyang alamin lahat ng tungkol sa pari, ang mga alamat patungkol sa pugot na ulo, ngunit wala siyang napala.
Walang nakaaalam kung paano siya napugutan ng ulo. “Pero mahalaga pa ba ito?” naisip niya.
Sumagi ang isa na namang repleksyon sa isip niya. “Ang salitang ‘nawala’ ay nangangahulugang alam mo kung saan ka papunta, hindi mo lang alam paano makarating doon.” Hindi siya makahanap ng iba pang salitang makapagpapaliwanag ng sitwasyon niya.
Hindi siya nagkaroon ng anumang layunin na maaari niyang habulinl
Alas-nuebe na at sa wakas nagpakita na rin ang pari, nag-iikot-ikot sa mga pinagpalang bato.
At sinimulan na ni Alfonso:
Ama namin sa langit
Sa Iyo namin matatagpuan ang kaligtasan
Ang mga kaluluwa ay gumagala
At itinatangis ko sa Iyo
Para sa mga nawawalan ng pag-asa
Para sa mga nawawalan ng pag-ibig
Ikaw nawa ang maging lahat ng bagay
Sa lahat ng tao
Upang mailigtas Mo sila
Itaas mo ang Iyong mga kamay
Palayain mo ang aming mga kaluluwa
Pakawalan mo kami sa aming mga tanikala
Linisin mo kami mula sa aming mga nakaraan
Gamutin mo ang aming mga sugat
Upang kami ay umasa sa hinaharap
Ito ay nangyayari lamang sa pamamagitan ng Iyong biyaya
Sa pangalan Mo
Na nagliligtas sa amin
Amen
Inulit-ulit ito ni Alfonso nang walang tigil hanggang sa tumulo ang kaniyang mga luha sa mga bato/
Alam niya na naroon pa rin ang pari sa susunod.
Alam niya na hindi ito patatawarin.
Ngunit naniniwala siya sa kapangyarihan ng panalangin.
Mula sa isang ligaw na kaluluwa papunta sa isa pa.
=———————————–=
English Version
It’s a good place to pray. His parent’s words rang hollow in Alfonso’s heart.
The first time his parents said they were going to La Union Alfonso had already thought of the questions he would ask the surfing instructor.
He didn’t expect the empty stones of an old church.
Through the years they became a sort of comfort. No matter what happened in his life, the stones would be there. He would be there.
Alfonso remembers the first time he saw the priest.
It was out the corner of his eye. He was exploring the ruins and wanted to know who else was there.
He called out for a friend and he found a phantasm.
Tears in his eyes, he ran to his parents and told them what he saw.
Their answer was always the same – ‘Pray for him’
It is 8PM, 3 hours since Alfonso arrived at the church. He takes another drag on his cigarette and remembers better times.
He tried to find out everything about the priest, of course, digging through urban legends about the headless specter and finding nothing of note.
No one knows why he lost his head. ‘But does it matter?’ he thought.
Another drag, another reflection. ‘The word ‘lost’ implies that you know your destination and you just don’t know how to get there.’ He couldn’t find another word to explain his situation.
He never had a goal he could chase.
9PM and the priest finally shows up, making his rounds through the once-blessed stones.
And Alfonso begins:
Heavenly Father
In You we find salvation
Souls wander
And I cry to you
For those that are hopeless
To those that do not know love
You become all things
To all people
That you may save them
Lift Your hands
Set our souls free
Undo our chains
Cleanse us of the past
Heal our scars
That we may look forward
It happens only through your grace
In your name
Who saves us
Amen
He repeats this without pause and Alfonso’s tears fall on the stones below.
He knows that the priest will still be there the next time.
He knows that he won’t be forgiven.
But he trusts in the power of prayer.
From one lost soul to another.
=====—————————————
*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
Written by Karl Gaverza
Translation by Gabriela Baron
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Gabriela Baron
Inspired by The Headless Priest of Pindangan Ruins urban legends
The Headless Priest of Pindangan Ruins Illustration by Kring Demetrio
IG: www.instagram.com/thekringles
FB: facebook.com/thedrawerkring