*Note this story is in Tagalog
“Kaya ko ito sa loob ng dalawang minuto. Ilang talampakan lang naman ang layo patungo sa susunod na gusali at kaya kong tumakbo ng mabilis.” Ramdam mo ang tibok ng iyong puso na umaabot hanggang sa iyong talampakan, pinagpapawisan ng malamig ang iyong mga kamay, at mula pa lang sa simula, hindi maalis ang kilabot na iyong nararamdaman. Nagsimulang maghigpit ang kalamnan sa iyong mga binti at huminga ka ng malalim bago mo simulan ang iyong pagtakas.
“Ito na marahil ang huling beses na gagawin ko ito.” Tumindi ang pagsidhi ng lakas sa buo mong katawan. Ang bawat yapak ay tila nagbibigay sayo ng pakiramdam na ikaw ang pinakamabilis na tao sa buong mundo. “Eto na ‘yon,” sabi mo sa sarili mo,”nagawa ko!” Ang iyong inaasam ay ay halos abot kamay na lang.
“Hindi.” Wala kang ideya kung paano ito nakarating agad, kumpyansa ka na mauunahan mo ito. Subalit, ang bumungad sayo ay isang babeng may kahindik-hindik na mukha at ang kanyang panlilisik mula sa mga mapupulang niyang mga mata. HINDI!” Sigaw mo sa isipan mo. “… Hindi dapat nagkaganito!”
Di umano ay dinala ka ng mga binti mo sa kabilang direksyon, pabalik sa kaligtasan ng puno. “Bakit hindi ba ako nanatili sa loob?” Nagbalik sa iyo ang lahat. “Bakit hindi pa ba ako tumakbo?”, “bakit ba ako nasa lugar na ito?”, “bakit ba hindi ako nakinig nung may pagkakataon pa ako.” Hindi tumigil ang mga tinig sa isipan mo.
Tanaw mo na ang puno. “Hindi ito makakalampas sa mga sanga.” Napagtanto mo na wala pang limang minuto mula nung tumakbo ka, ang tila limang minuto na may malaking pagkakaiba sa ngayon at sa natitira mong mga sandali.
“Isang hakbang na lang at nandiyan na ako.” Isang mabilis na sugod na lang at hindi ka na nito maaabot. May konti kang pag-aagam-agam nang sumuong ka sa puno at sa kailaliman ng mga malalaking ugat nito, subalit, hindi mo na ininda ang sakit at laking pasalamat ka na lang. “Buhay pa ako”.
Datapwat bigla ka na lang napaisip ng ilagay mo ang iyong mga kamay sa iyong dibdib. “Hindi maaari… Hindi dapat ito ganun kabilis.” Nagsimula tumulo ang dugo pababa sa iyong mga daliri at dagling nagsikalat sa iyong damit. “Nakarating ako, dapat ay ligtas ako.”
Paulit-ulit mong binibigkas ang mga salitang ito sa iyong isipan hanggang sa iyong mga huling sandali.”Dapat ay ligtas na ako.” Ito na lang ang namutawi sa iyong kaisipan, bago magsara ang iyong mga mata. Marahil, sa huling pagkakataon.
=————————————————=
English Version
“I can make it in two minutes. It’s only a few feet to the next building and I can run fast.” You can feel your heartbeat reverberate to your feet, your hands are cold and sweaty and the chill down your spine has been there for the better part of an hour. The muscles in your legs start to tighten and you take one deep breath before starting your sprint.
“This might be the last breath I’ll ever take.” The adrenaline surges through your body. Each step makes you feel like you’re the fastest person in the world. Your face betrays a smile, “This is it!” you think, “I made it!” Your objective is just a few steps away.
“Oh no.” You don’t know how it got there so fast. You were so sure that you were going to outrun it. The woman stares at you with her bulging red eyes and her hideous face twists in a scream. “No!” The voice in your head shouts “It wasn’t supposed to be this way!”
Your legs take you in the opposite direction, back to the relative safety of the tree. “Why didn’t I stay indoors?” The decisions all start coming back to haunt you “Why didn’t I take up running?”, “Why am I in this place?”, “Why didn’t I listen when I had the chance.” The voices in your head won’t stop talking.
The tree is in sight now. “It won’t be able to get past the branches.” You realize it’s been less than five minutes since you started running. Less than five minutes would make the difference between now and the rest of your life.
“One more step and I’m there.” Just one last dash and it won’t be able to grab you. There is a moment of doubt before you lunge under the tree and crash into the roots. You don’t feel much of the pain because of your adrenaline. “I’m still alive.” You’ve never been more grateful.
Until you put your hand to your chest. “No, no, no…” Your mind trails off. “It couldn’t have been that fast.” The blood starts to trickle down your fingers onto the rest of your clothes. “I made it, I’m supposed to be safe.”
You repeat those words in your head until there’s too much blood loss. “I should be safe.” Was what you thought before you closed your eyes. Maybe for the last time.
=——————————————–=
Inspired by the Abat entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.
Abat illustration by Leandro Geniston from Aklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen