*Note this story is in Tagalog

Nadinig mo ang kanilang boses na tinatawag ang iyong pangalan at ikaw ay napangiti. Naisip mong ito ay isa na namang gabi ng kasiyahan sa labas ng siyudad. Hindi mo na maalala kung saan mo sila nakilala o kung kailan nangyari iyon, pero hindi na mahalaga, dahil ang alam mo lang ay ang kasabikan – kung paano tumibok ang iyong puso kapag kasama mo sila, at kung paano ang mundo ay tila bukas at maganda muli.

Maganda. Sila ay napakaganda… at mayaman. Sila ay halos sobrang ganda para maging totoo. Mayroon silang mga mata na kaya kang akitin sa loob ng segundo na ito ay iyong tingnan. Halos takot kang hawakan ang kanilang damit – na parang masisira kapag hinawakan mo ang maselang tela. Lumiliwanag sila sa ilaw at tingin mo ay parang gawa sila sa ginto. Baka nga totoo.

Ngayon gabi, dinala ka nila sa ibang lugar. Sinabi nila na may pagdiriwang sa bahay. Sa iyong pagdating, hindi mo maihalintulad ang bahay sa mga nakita mo noon. Ito ay marilag, napakalaki, at mamahalin. Hindi mo lubos na maisip ang akmang salita para ilarawan ang iyong paghanga na nakapasok ka sa loob.

Puno ang pagdiriwang ng mga kahalintulad nila ang kagandahan, pero may ilan din na kakaiba ang anyo. Walang nagsabi sa iyo na ito ay isang pagtitipon kung saan ang mga kasali ay nakabihis ng nakakatakot na kasuotan. Nakararami ang nagbihis bilang mangkukulam o aswang, kaya pakiramdam mo ay hindi akma ang iyong kasuotan para sa okasyon. Hindi naman ito inalintana ng iyong mga bagong kaibigan. Sinabi nila na napakahalaga na ikaw ay nakarating.

Binigyan ka nila ng pagkain na parang isang uri ng itim na kanin, pero mas alam mo kung ano iyon.  Nasa kanila ang pinakamagagandang bagay, pati pinakamagandang mga droga. Kumain ka ng walang pag-aatubili. Ang lakas ng iyong tama ay kamangha-mangha. Naramdaman mo na nagsisimulang magbago at gumalaw ang iyong kapaligiran. Ang lahat ng tao ay parang nagbabago – ang kanilang mga buhok at mga mata ay nagiging kulay puti. Ikaw ay nakaramdam ng paglutang – parang ikaw ay inaangat mula sa sahig. Ang tugtugin ay tila lalong lumalakas.

Tumingin ka sa iyong relo. Alas-dos na ng umaga. Masyado ka nang ginabi. Alam mong dapat ka nang umuwi. Kailangan mo nang bumalik sa karaniwan at nakakasawang buhay na kasama ang iyong karaniwan at nakasasawang mga kaibigan. Kahit papaano ay wala ka na ding pakialam. Mukhang hindi masamang isipin na manatili na lamang.

Ayaw mo nang umuwi ng bahay.

Tingin mo ay hindi mo na ito magagawa.

=——————————————————————=

English Version

You hear their voices calling your name and you smile. Another night of fun out in the city, you think. You don’t remember where you met them or when that was, but it doesn’t matter, all you know is the thrill. How it makes your heart beat when you’re with them, how the world is somehow open and beautiful again.

Beautiful. They’re so beautiful. And rich. These people are almost too good to be true. They have eyes that just captivate you within a second of looking at them. You’re almost afraid to touch their clothes, like touching them might destroy the delicate fabric. They shine so brightly in the light you almost think they might be made of gold. Maybe they are.

Tonight they take you somewhere different. They say it’s a house party. When you arrive it’s unlike any house you’ve ever seen before. Regal, spacious, luxurious, you can’t even find the words to describe how amazing it is just to be inside.

The party is filled with equally beautiful people, but also some strange ones. No one told you it would be a costume party. So many people dressed as witches and aswang that you feel under-dressed at this occasion. Your new friends don’t mind though, they say it’s so great to have you here.

They offer you some food, it looks like some kind of black rice, but you know better. They have all the best things, including the best drugs. You eat it without a second thought. The high is amazing. You feel things start to change and move around you. Everyone seems to be changing, their hair and eyes turning white. You can feel yourself floating, like you’re being lifted off the floor. The music feels like it’s getting louder.

You look at your watch. It’s 2am. Getting late. You know you have to get home. Have to go back to your normal, boring life, with your normal, boring friends. But somehow you don’t care anymore, it doesn’t seem like a bad idea to stay.

You never want to go home.

You don’t think you can.

=——————————————–=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
Written by Karl Gaverza
Translation by Cherry M. Gonzales
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Cherry M. Gonzales

Story inspired by the Dalaketnon entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos.

Illustration and Watercolor by Laura Katigbak
FB: Rabbit Heart
IG: https://www.instagram.com/rabbitheartart/

By admin