*Note this story is in Tagalog
Mas magaan pa sa hamog na nakapalibot sa Laguna de Bay ang kaniyang mga yapak. Hilig niyang gunitain ng mga magandang babaeng ito ang mga nakaraan niyang pakikipagsapalaran, lalo na yaong mga naganap sa kaniyang lugar na pinanghaharian. Pinagtatakhan man ng ibang mga diwata bakit niya nanaising maging ganoon kalapit sa mga tao, hindi lang nila alam ang kasiyahan niyang pagkatuwaan ang mga nilalang na ito. Lakip sa buhay na walang hanggan ang walang hanggan ding pagka-inip. ‘Di naman niya hahayaang manaig ang pagka-inip.
Kakaiba ang gaan ng mga liryo sa tubig ngayong araw na ito. Nadama niya sa ginaw ng hangin na umiiyak muli si Larina. Naalala ng engkatada ang parusang natamo ng dalagitang suwail dahil sa kaniyang pagkakasala. Matagal na iyong nakalipas, iilang buhay tao na rin ang nakaraan.
Binalikan niya sa kaniyang alaala ang nakaraan ni Larina bilang isang marilag na dilag, ginintuan ang buhok ngunit hindi ang puso. ibang-iba sa kaniya ang kaninyang kapatid. Bagaman kasing-itim ng gabi ang buhok sa pag-abot ng mga Laho, ay ‘di hamak na mas busilak ang puso, minsa’y masasabing mas mabait pa kaysa sa isang Kamanan Daplak. Mara nga ba? Maria? … Magita nga pala. Napakatagal na noon, nalimutan niya na halos ang pangalan.
Umihip muli ang malamig na hangin, at pinigilan ng engkanta ang kaniyang hagikhik. Tulad ng hanging ito ang siyang umihip upang dapuan ng sakit si Mangita, ang sakit na siyang nagbigay puwang upang iligtas ng engkanta ang dalaga, at parusahan ang kaniyang makasalanang kapatid.
Lingid sa kaalaman ng magkakapatid, hindi magagamot ng mga binhing iniwan ng engkanta ang may sakit. Sapat lang ito upang maabutan niya ang paglaganap ng kaniyang sumpa. Umabot sa labindalawang buto, labindalawang pagkakataong ipinagkait ni Larina sa kaniyang kapatid ang tunay na lunas, at sa halip, nilagyan lamang ng mga buto ang buhok ng may sakit. Napahanga ang engkanta sa antas ng kaniyang kalupitan, tulad halos ng Dalaketnon. Naisipan ng engkantang ipaubaya ang malupit na dalaga sa mga iyon, kung ‘di lang siya nasasabik na sarilinin ang paghihiganti.
Hindi kalupitan sa kapatid ang ikinasusuklam ng engkanta kay Larina. Hindi rin dahil sa kawalang galang niya’t ‘di paghahandog ng alay sa engkanta. Ikinapopoot niyang lubos ang lakas ng loob ng babaeng iyon na itulak siya’t pabagsakin sa lupa.
Kapupulutan ng munting aral ng bawat tao ang lahat ng ito:
Huwag kailanman hawakan ang isang engkata.
————————–
English Version
Her footsteps were lighter than the mist surrounding the Laguna de Bay. The beautiful woman liked to reminisce about her previous adventures, especially around her place of power. The other spirits wondered why she would choose a place with so many humans around to be her locus, they would never know the joy that one could acquire through toying with the denizens of the earthrealm. Boredom and immortality were intertwined, and she had to deal with the former somehow.
The water lilies were lighter today. A chill in the air told her that Larina had been crying again. The engkanta remembered the crime for which she had punished the spoiled girl, it was many human lifetimes before.
She remembered when Larina was a beautiful maiden with golden hair and cruel intentions. The sister was the complete opposite, hair as black as a night when the Laho would do its business and kinder than a Kamanan Daplak. Was it Mara? Maria?… Mangita, of course, it had been so long she had almost forgotten her name.
The cold wind blew again and the engkanto stopped herself from laughing. It had been a wind like this that helped her spread the sickness that Mangita caught, which gave her an excuse to save her and punish her sister.
The seeds would have never healed Mangita of course, they were just there to spread the curse when the engkanta returned. It had taken twelve seeds, twelve times when instead of giving a cure to her sister, Larina put a seed in her hair. The engkanta was impressed, that kind of cruelty befitted a dalaketnon. She would have given the girl to those spirits had it not been for the revenge the engkanta craved.
It wasn’t the cruelty that Larina showed to Mangita that the engkanta loathed, not even the fact that Lariana had disrespected the spirit by not offering her food. It was when the girl had the audacity to push the engkanta to the ground.
There was a small lesson for the humans in all this:
Never touch an engkanta.
————————–
Written by Karl Gaverza
Tagalog Translation by Ruiz Act
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Ruiz Act
Story continued from “Mangita and Larina” http://
Story inspired by Philippine Folklore Stories. Miller. 1904. (Full text can be accessed at http://
The Engkanta of Laguna de Bay Illustration by Marc Samuel Magpantay
FB: Murcy Murc Art
Tumblr: Glassy-draws.tumblr.com