*Note this story is in Tagalog

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang magkasakit ako.

Sabi nila, may ginawa ako para galitin ang mga espiritu. Subalit hindi ko magagawa iyon, bagamat kung meron, may kadahilanan.

Alam ko na dapat ay hindi na ako lumabas pa. Hindi ko kinahiligan ang kahit na anong bagay na hinggil sa kalikasan. At marahil pagkatapos nito, hindi ko na rin siguro nanaiisin ang kahit na anong bagay na may kinalaman dito

Napahinga ako ng malalim nang dumaan ang babaylan.

Mariin kong pinagmamasdan kung ano ang ginagawa niya sa gitna ng ritwal. Humingi siya ng isang palayok na kayang maglaman ng isang salóp o tatlong litro. Pagkatapos ay kinailangan niya ng mga basag na porselang plato kung saan nilagay niya ito sa loob ng palayok.

Pagkatapos noon ay tinawag niya ang lolid.

Isa sa mga gabay ang nagsabi sa akin na nasa maling lugar at panahon ako. Ang mga lolid ay mga hindi nakikitang espiritu na gumagapang kung saan-saan dahil wala silang mga paa. Hindi posible para sa akin na makita sila.

Kinalog ng babaylan ang palayok at sumigaw siya habang sambit ang mga sumusunod na kataga.

“Do-ol na kamong mga lolid nga natomban”

(Pumarito kayo mga hindi nakikitang nilalang na nagambala)

“Ari na ang among guibayad”

(Narito na ang inyong kabayaran)

“Kuha-a na ang inyong kaligotgot sa mada-oton”

(Alisin ang inyong galit sa pasyente)

Ari na kamo ug uban kanako didto sa kawayanan”

(Lumapit kayo ngayon at magtungo tayo sa kawayanan)

Kinakalog ng babaylan ang tangan nitong palayok habang palabas siya ng bahay. Nang makarating siya malapit sa kawayanan, nilapag niya ang palayok sa lupa at tinanggal ang takip bago umalis.

At sa pagkakataong iyon, natapos ang ritwal.

Ayon sa babaylan, aabutin pa nang ilang araw bago ako tuluyang gumaling. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya at napabuntong-hininga na lang ako.

Mula sa karanasang ito, natununan ko ang isang mahalagay aral:

Mahalaga na tinitingnan ko ang dinadaanan ko.

=————————————————-=

English Version

It’s been days since I got sick.

They tell me that it’s because I did something to anger the spirits, but I know I would never do that, not knowingly at least.

I knew I never should have gone out, nature isn’t my thing and after this I don’t think it will ever be.

I breathe deep as the babaylan passes me.

I take special care to see what he does during the ritual. He asks for a pot with a capacity of one ganta. He then asks for broken china plates which he puts inside the pot.

Then he calls for the lolid.

One guide tells me that I was in the wrong place at the wrong time. The lolid are invisible spirits that roll around because they have no limbs. It would have been impossible for me to see them.

The babaylan shakes the pot, causing a great commotion as he shouts:

“Do-ol na kamong mga lolid nga natomban

(Come here now invisible beings that were stepped)

Ari na ang among guibayad

(Here now is our payment)

Kuha-a na ang inyong kaligotgot sa mada-oton

(Remove now your anger from the patient)

Ari na kamo ug uban kanako didto sa kawayanan

(Come to me now and go with me to the bamboo thickets)”

The babaylan exits the house with the pot and shakes it until he reaches the bamboo groves close by. He places the pot on the ground and removes the cover as he leaves.

It is then that the ritual is completed.

The babaylan says that it will take a few days before I get better and I sigh with relief.

Coming from all this I know I learned one lesson:

I should watch where I step.

=————————————————————=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by The Bais Forest Preserve Negritos: Some Notes On Their Rituals and Ceremonials by Timoteo S. Oracion (1967) in Studies in Philippine Anthropology (In Honor of H. Otley Beyer)

Lolid Illustration by Leandro Geniston
FB: That Guy With A Pen

 

By admin