*Note this story is in Tagalog

Iniiwasan ni Aguihao ang tingin ng mumbaki habang hawak niya ang telang nakabalot sa kanang braso niya.

“Nagulat ako sa lakas ng loob mong magpunta sa akin para humingi ng tawad sa espiritu,” sinasabi ng mumbaki habang nakatingin sa braso ni Aguihao.

“Ginawa ko ang kinakailangan kong gawin para sa aking pamilya,” sagot ni Aguihao, na piniling tumingin sa lupa kaysa harapin ang mumbaki ng mata sa mata.

“Niluraan mo ang tradisyon ng ating mga ninuno! Sa ganitong paraan tayo namuhay sa loob ng ilang henerasyon at kinukuwestiyon mo ito?!”

“Hindi mo naiintindihan! Hindi mo alam kung gaano ka kasuwerte na hinahayaan mong magsalita ang mga espiritu sa pamamagitan mo habang ang mga katulad ko ay kailangang magtrabaho araw-araw dahil sa inyong ‘mga batas’.”

“Ang mga batas na iyon ay pinamamahalaan ng mga espiritu, at ang pagsuway sa kanila ay pagsuway sa tadhana.”

“Ang tadhana mo siguro, pero hindi ang sa akin.”

Napuno ng katahimikan ang paligid at binasag ito ng mumbaki.

“Tanggalin mo iyan,” utos niya kay Aguihao.

Ang mga suson ng tela ay nagbigay daan sa isang nagnananang, magang sugat. Halos hindi maitago ng mukha ni Aguihao ang sakit at sa unang pagkakataon ay tumingin siya sa mga mata ng mumbaki. May pagkahabag doon at maliit na kirot ng panghihinayang.

“Sabihin mo sa akin ang kuwento mo,” sabi ng mumbaki.

“Nagsimula ito sa pagkamatay ng aking asawa.”

“Naaalala ko iyon. Dumalo ang mombangol.”

“Oo, at nawala ang lahat sa akin. Kinailangan kong isangla ang mga ari-arian ko para makahanap ng pera para sa lamay.”

“Lahat tayo ay kailangang sundin ang mga ritwal. Sa loob ng limang araw, kailangang mag-alay ng mga baboy at mga kalabaw sa mga diyos at mga espiritu.”

“Walang saysay ang pagkuha mula sa mga walang-wala.”

“Ang kaluluwa ay imortal. Dapat nating gawin ang lahat ng ating makakaya para masigurong mahahanap nito ang lugar nito sa buhay pagkatapos ng buhay na ito.”

“Sa loob ng limang araw na iyon ay pinagluksa namin siya at iniupo siya sa hangdel.”

“At ginawa ninyo ang nararapat base sa ating mga tradisyon.”

“Ngunit hindi ito makatarungan! Mas kaunti na lang ang natira sa akin kaysa sa kung ano ang mayroon ako dati.”

“Hindi lang ito tungkol sa lamay, ‘no?”

“Oo, hindi lang ito tungkol doon.”

“Sabihin mo sa akin ang natitira pa sa kuwento mo.”

“Panglima akong anak ng aking mga magulang. Walang tigil sila sa pagtatrabaho para makapag-ipon ng mga ari-arian para sa kanilang mga anak, at sa kanilang pagpupursigi ay nakaipon sila ng limang palayan at kagubatan. Noong ikakasal ang kuya ko, kinuha niya ang kalahati sa tatlong kapat ng mga ari-arian. At ang natira ay hinati para sa ate ko at isa ko pang kuya. Binigay pa nga sa ate ko ang bahay. Walang naiwan para sa aming mga natira.

“Mapanganib ang tinatayuan mo ngayon. Ang pagkuwestiyon dito ay pagkilos laban sa pagkakaisa. Ang pagkakataon ng isang tao sa buhay ay datapwa’t isang maliit na sakripisyo upang matiyak na nasusunod ng mga tradisyon.”

“Nakalubog ako sa utang na susundan ako hanggang sa kamatayan, na mamanahin ng aking mga anak at ng aking mga apo. Ginawa ko ang makakaya ko para bigyan sila ng pagkakataon.”

“Kaya ba pumunta ka sa bahay ng kuya mo?”

“Sagana naman siya, hindi niya mapapansin ang kaunting perang mawawala. Kailangan ko lang ng maliit na halaga.”

“At nahuli ka ng espiritu.”

“Hindi ko alam na hinimok ng kuya ko ang espiritu na protektahan ang kanyang mga ari-arian.”

“Susubukan mo pa rin bang magnakaw kahit alam mo?”

“Oo, kung para sa pamilya ko.”

Muling napuno ng katahimikan ang paligid, pero sa pagkakataong ito, si Aguihao ang bumasag nito.

“Paalam, mumbaki. Nakikita ko sa iyong mga mata na hindi lang bahay ng kuya ko ang pinanghimasukan ko, kung hindi pati na rin ang mga tradisyon ng ating tribo. Labis ang paghingi ng kapatawaran para sa dalawang ito, at ito ang magiging penitensiya ko.”

Noong tumayo si Aguihao para lumakad palayo, itinaas ng mumbaki ang kamay nito.

“Manatili ka,” sabi ng mumbaki.

“Gagawin mo na ang ritwal?” tanong ni Aguihao.

“Alam mo bang isa ako sa mga natitirang mumbaki sa ating probinsiya?”

“Narinig kong paunti nang paunti ang mga taong gustong maging mumbaki.”

“Maaaring tanda ito ng mga oras, o maaaring hindi na hinahayaan ng mga espiritu na sila ay marinig. Namamatay na ang mga dating kinagawian, Aguihao. Mas gusto ng mga bata ngayon ang isang pirasong papel na nagsasabing sila ay “edukado” kaysa pag-aralan ang mga dasal at awit ng ating bayan. Nakikipag-usap sila sa diyos nilang may tatlong persona sa isa at sumasamba sa mga templong bato.”

“Kasalanan ba nila iyon? Ano pa ba ang natitira dito para sa atin?”

“Maaaring nararamdaman mong wala na, pero pinakamalakas ang alingawngaw ng mga espiritu sa katahimikan.”

Tumayo ang mumbaki at hinawakan ang braso ni Aguihao.

“Sa ngayon, kailangan natin ng manok.”

=—————————————————————–=

English Version

Aguihao avoids the gaze of the mumbaki* as he clutches the fabric covering his right arm.

“I am amused by the nerve you have coming to me to ask for the spirit’s forgiveness,” the mumbaki says as he looks at Aguihao’s arm.

“I did what I needed to do for my family,” Aguihao answers, preferring to look at the ground than meet the mumbaki eye to eye.

“You spit on the traditions of our ancestors! This is the way we have lived for generations and you dare question this?!”

“You don’t understand! You don’t know how lucky you are to let the spirits speak through you while those like me have to toil day after day because of your ‘laws’.”

“Those laws are governed by the spirits, to go against them is to go against destiny.”

“Your destiny maybe, but not mine.”

A pang of silence fills the air and is broken by the mumbaki.

“Take it off,” he commands Aguihao.

The layers of fabric give way to a swollen wound leaking pus. Aguihao’s face barely hides the pain and for the first time looks into the mumbaki’s eyes. There is pity there and a small twinge of regret.

“Tell me your story,” said the mumbaki.

“It started with the death of my wife.”

“I remember that. The mombangol** attended.”

“Yes, and I lost everything. I had to mortgage my property to find the funds for the vigil.”

“We all must follow the rituals. For five days pigs and carabaos must be offered to the gods and spirits.”

“It makes no sense to take from those who have nothing.”

“The soul is immortal. We must do all we can to make sure it finds its place in the life after this life.”

“For those five days we mourned her and sat her upon the hangdel***.”

“And you have done as you must do based on our traditions.”

“But it’s not fair! I have even less than what I had before.”

“This is not just about the vigil is it?”

“No, it is not.”

“Tell me the rest of your story.”

“I am the fifth child of my parents. They had worked tirelessly to save property for their children and through their trials they had accumulated five rice fields and forests. When my older brother was to be married, he got one half of three fourths of the property. And the rest was divided among my eldest sister and my other brother. They even gave my eldest sister the family home. The rest of us were left with nothing.”

“You tread on dangerous ground. Questioning this is acting against unity. One’s chance in life is but a small sacrifice to ensure that the traditions are upheld.”

“I am in a debt that will follow me until I die, that my children and their children will inherit. I did what I could to give them a chance.”

“Is that why you went to your brother’s house?”

“He has so much, he wouldn’t notice some money missing. I just needed a small amount.”

“And then the spirit caught you.”

“I did not know that my brother had the spirit invoked to protect his belongings.”

“Would you have tried to steal had you known?”

“Yes. If only for my family.”

Another spate of silence filled the room, but this time it was Aguihao that broke it.

“Goodbye, mumbaki. I can see it in your eyes that I have trespassed not only on my brother’s property but also on the traditions of our tribe. It is much too much to ask forgiveness for both, and this would be my penance.”

As Aguihao stood to walk away the mumbaki raised his hand.

“Stay,” the mumbaki intoned.
“Will you do the ritual then?” Aguihao asked.

“Do you know I am one of the last mumbaki among our provinces?”

“I have heard that less and less people were taking up the mantle of the mumbaki.”

“It may be the sign of the times, or maybe the spirits aren’t letting themselves be heard. The old ways are dying Aguihao. The young would rather have a piece of paper that says they are ‘educated’ than committing to learning the prayers and chants of our people. They speak to their god with three natures in one and worship in stone temples.”

“Is it their fault? What is there that is left for us here?”

“You may feel that there is nothing here, but the spirits echo loudest in the silence.”

The mumbaki stands up and clutches Aguihao’s arm.

“For now, we will need a chicken.”

=——————————————————————————————————————=

*Mumbaki/Mombaki are shamans in Ifugao culture.

**The chief mumbaki.

***An improvised chair constructed under the house.

Written by Karl Gaverza
Translation by Catherine Britania
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Catherine Britania

Inspired by the Pili description in Gibson’s Sacrifice and Sharing in the Philippine Highlands (London School of Economics Monographs on Social Anthropology,n.57); The Athlone Press: London, UK, 1986.

Pili Illustration by Alvin Gasga

FB: The Art of Alvin Gasga

By admin