*Note this story is in Tagalog
Case #MKJG 7325
Inabisuhan ang mga pulis tungkol sa mga nalunod na turista dahil sa lakas ng daloy ng Ilog Ulot. Kilala ang lugar sa pagpapasakay sa bangka at tinatawag itong Torpedong pamamangka. Pagkatapos sumakay sa bangka, kasama sa pinapagawa ay ang tumalon sa Deni’s point kung saan sasalubungin ka ng rumaragasang ilog. Sa puntong iyon, doon gagabayan ng mga bangkero ang mga turista para abutin ang lubid para hindi sila matangay ng malakas na hampas ng tubig.
Naganap ang aksidente nang ika-8 ng Hulyo 2018. Ang dalawang turista na parehong galing Tsina ay sina Rowena Yi at Winston Yang. Sumakay sila sa bangka nang ika-1 ng umaga. Maayos ang paggalaw ng kanilang sinasakyan hanggang sa naabutan nila ang Deni’s point, kung saan hindi na sila lumutang pagkatapos nilang tumalon. Dahil sa takot na hindi sila matagpuan, hinanap agad ang mga ito. Nakita nila ang katawan ni Winston Yang sa tabing-ilog, isang kilometro mula sa kaniyang pinagtalunan.
Hindi na ito kayang buhayin dahil pagkakalunod nito. Kinuha at dinala ang kaniyang labi sa pinakamalapit na morge para masuri. Ang pagkakalunod talaga ang sanhi ng kaniyang pagkamatay, pero nakitaan ito ng gasgas sa sakong na parang may humatak sa kaniya pailalim.
Hindi na nakita ang katawan ni Rowena Yi, may mga bali-balita na umabot na ito sa dagat dahil sa malakas na pagdaloy ng ilog. Masinsinang isinagawa ang paghahanap at may kasama ring mga dalubhasang galing Tsina para tumulong maghanap, pero wala itong pinuntahan. Isang buwan pagkatapos maganap ang insidente, nagwakas na ang paghahanap.
Noong ika-3 ng Septyembre 2018 may nawala ulit na mga turista. Ngayon mga bisitang galing Maynila na sina, Loren Albay, Samuel Encarnacion at Iñigo Ferrer ang hindi na natagpuan sa Deni’s point. Tumagal ng dalawang buwan ang paghahanap sa kanilang mga labi at naisipan na hindi na ito kayang makita katulad ng kaso ni Rowena, pero isa sa mga turista na si Samuel Encarnacion ay may Go Pro na nakakabit sa kaniyang helmet. Natagpuan ito ng isang manlalangoy habang isinasagawa ang paghahanap.
Nahirapan silang pag-aralan ang kuha ng kamera. Makikita rito na may tatak ng oras na 30:46, na si Samuel Encarnacion ay nasa likuran kasama ang dalawa niyang kaibigan na nakakakapit ng maiigi sa lubid. Napansin na hindi na nahagip ng kamera si Loren Albay. Ayon sa pag-aaral ng kuha, siya ay maaring natulak ng mabilis na bagay sa kaniyang paanan. Mayroong nakitang tumama sa kaniyang sakong at tinulak siya nito papalayo.
Sinara ang Ilog Ulot sa mga turista, pero bukas pa rin ang pamamangka roon. Pinag-iisipan ng mga naninirahan na buksan ulit ang pasyalan sa susunod na mga linggo, maliban na lang kung may sapat na dahilan para ipasara ang kanilang pangkabuhayan.
Isa sa mga gumagabay ay si Ramon Agbon, Lumapit siya sa pulis at sa mga manlalangoy nang naganap ang insidente at dalawang beses din siya nagbigay ng pahayag:
“Hindi nila ginagalang ang ilog na nito. May mga taong ginagamit ang lugar namin para mangaso, na handang bumaril kailan nito gustuhin. Nagsisimula pa lang ang lahat.”
Tinatanong siya ng mga pulis dahil sa kaniyang isinalaysay, pero inuulit lamang niya ang kaniyang sinabi. Pinapaniwalaan ng ibang pulis na isa lamang itong aksidente, at nangangailangan lamang ng mas mahigpit na panuntunan para hindi na ito mangyari ulit. Iniisip ng iba na may mamamatay taong nasa likuran ng lahat.
=————————————————————–=
English Version
*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
Written by Karl Gaverza
Translation by Emman Bernardino
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Emman Bernardino