*Note this story is in Tagalog
Ang buwan, na natatakot pasikatin ang sariling liwanag, ay tuluyan nang nagtago sa likod ng mga ulap. “Magaling!” Siyang naisip ni Sonja. “Sana naman ay hindi sila nagsimula ng wala pa ako.”
Ang mga impit na boses na nagmumula sa loob ng sisidlang sako ay nagsisimula nang lumakas nguni’t isang mabilis na sipa lamang ang solusyon dito. Alam niyang mayroong kulam siyang maaring gamitin ngunit hindi na lamang niya inaksaya ito. Naisip niya na ang kaunting takot ay minsan nakadadagdag sa kasiyahan. Ang tagpuan ay nasa isang gubat sa labas ng lungsod. Mula pa noong panahon ng mga lumang kaharian, gawi nilang magkita-kita at makibahagi sa kapistahan.
Nakatatawang isipin na ang kapistahang ito ay nagaganap sa mismong araw ng kapanganakan ng Anak ng Mahal na Birhen.
Kinaladkad ni Sonja ang sako sa bukana ng kakahuyan. Ang kapistahan ay magtatagal ng buong gabi at ayaw niyang makipagsapalaran. IIwanan niya ang kanyang mga paasa loob ng kakahuyan at makikipagdiwang sha magdamag.
Ang kasalukuyang nagbabantay sa bukana ng gubat ay isang ‘mangingilaw’
”Tila malayo ka sa iyong tahana.” wika ni Sonja.
”Puumupunta lang ako sa kung saan ako ay iniimbitahan.”sagot nito. “Anong dinala mo?”
Hinagis ni Sonja ang dala niyang sako at winika: “May dala akong tiyak na gusto mo ant ng iyong mga kauri.Huli na ba ako? ”
“Pumasok ka na , mananaggal, hindi pa tayo nagsisimula.”
Nakahinga ng maluwag si Sonja.
Pinakamaganda ang paunang bahagi ng ritwal. Iniwan niya ang kanyang mga paa sa isang malapit na puno at pumailanglang pataas. Doon niya kinatagpo at sinamahan ang kanyang kawan na kasalukuyang umiikot sa itaas ng mga puno.
Hindi mabilang na mga alibadut, abat, kubot, alan, bannog, magkukutud, kalibadut at iba pang nakahihindik na lumilipad na mga nilalang ang nagkakaisang lumilipad. At dahil nga walang liwanag ng buwan, tanging intuwisyon lamang nila ang kanilang gabay sa pagpaptuloy ng kanilang sayaw na nababalutan ng kasamaan. Kasabay nito ay ang malakas na dagundong ng mga lamang lupang panauhin ng gabing iyon.
Ang mga bungisngis, kiwig , kulukupap at marami pang iba ay nagpahiram ng kanilang mga tunog at boses sa naturang piging. Ang seremonya ay natapos nang dumating ang Hari ng mga Mangkukulam at naupo sa trono ng buto at dugo.
Nagulat si Sonjya sa kung gaano kaayos ang lahat; bawat pangkat ay may kanya kanyang lugar sa kakahuyan upang mangalap ng mga karne para sa handaan. Nais sana niyang tikman ang iba’t-ibang mga inihandog nguni’t hindi niya alam kung alin ang uunahin. Naglaway siya sa amoy ng dugo sa isang sulok kung saan naroon ang mgamandurugo; ang kalembang ng kawa ng mga pirotso ay nangahulugan na mayroon ding mga sariwang bataw; mayroon ding mga ulong nakadikit pa ang mga laman na ambag naman ng mga saga-ih. Mayroon ding mag makabagong putahe: malutong na dinuguan na may piniritong lamang loob, daliri, matang bulalo, sinangkutsang puso at sarsang utak. Pagutom na ng pagutom si Sonja kada minutong lumilipas kaya’t pinili nyang tumayo sa tabi ng isang tigabulak. Ang tigabulak ay nakatayo sa harapan ng isang tagaan at malaking pang-itak.
Mga hiyaw na humihingi ng saklolo ang umaalingawngaw mula sa sako sa likod niya na siya namang nagpaligaya ng lubos kay Sonja. Ang sariwang karne na inihanda ng isang tigabulak ay paniguradong sadyang napakasarap ; hinayaan pa niya si Sonya ang pumili ng bata.
Habang tinuturo ni Sonja ang napiling bata, mga limang taong gulang ang edad, isang kaguluhan ang biglang naganap malapit sa kanya.
Ang tigabulak, na halatang inis, ay nagwika, “Sino nag-imbita niyan dito?”
Lumipad si Sonja upang makita kung ano angnagnyayari at kaagad niyang nakilala ang Mamam, na sapilitang itinutulak ang sarili papasok sa kapistahan.
Mula ng maganap ang insidente maraming buwan na ang nakalilipas, lahat ng mga maligno ay nagpasya na itago na nila sa Mamam ang mga susunod na mga pagtitipon kundi ay mauuwi lamang sa kapahamakan ang pagdiriwang.
Ang ibang mga higante gaya ng mga mangingilaw at timu-timu ay sinubukang pigilan ang nilalang na makapasok nguni’t wala silang magawa lalo’t may pagkain nang nakaharap dito. Hindi man lang ito titigil kahit sabhan ng kapwa niya halimaw.
Nakita ni Sonja na karamihan ay ngsimula nang magsitakas habang bitbit ang kanilang bahagi sa kapistahan. May isang alam pang dumaan sa harapan niya na may kargang maliit na bata.
May kutob na din si Sonja na dapat ay tumakbo na din sha ng mabilis papalayo nguni’t hindi niya mapigilan angpanonood sa kagimbal-gimbal na panoorin.
Isang oras na ang nakalipas ng magsimulang manggulo ang Mammam. Ang mga duguang bangkay ngmga bungisngis at ogro ay pumapalamuti sa patayang naganap. Ang mga nanatili upang bantayan ang kanilang mga pagkain ay mistulang lumalaban na papunta sa pagkatalo.
Hindi kinikilala ng Mammam ang katapatan maliban lamang sa gutom. Aswang o tao, pareho niyang kinain ang mga ito. Nakakita pa si Sonja ng mga matatalinong tao na sinamatala ang kaguluhan at tuluyan nang tumakbo para sa kanilang buhay. Mayroon pang isang buntis na nakatakas papasok ng gubat habang ang nanghuli sa kanya ay nakalingat.
Walang kapangyarihan o mahikaang makapipigil dito. Ang mga galamay ng Hari ng mga Mangkukulam ay sumubok na saktan ang Mammam ngunit parang lalo lamang nagutom ito. Dalawang mangkukulam pa nga ang nasawi matapos silang lunukin ng buo ng Mammam.
Matapos ng lahat ang Mammam ay tumayo. Walang mga bangkay, walang mga buto bilang tanda sa mga landas na dinaanan nito.
Pinagmasdan ni Sonja ang lahat ng patayan at tumakas siya papabalik sa kanyang mga binti nang walang laman ang kanyang tiyan sa gabi ng kapistahan.
=————————————=
English Version
The moon, afraid to shine its light, retreated behind the clouds.
Perfect. Sonja thought. I hope they didn’t start without me
The muffled voices inside the bag were starting to get louder, but nothing a swift kick wouldn’t fix. She knew there was magic that she could use to put them to sleep, she decided against it though. Sonja always thought that a little fear did wonders for flavor.
The meeting spot was in a grove in the outskirts of the city. Since the days of the old kingdoms they would meet and share in the feast. It was an amusing irony that the feast was on the same day as the birth of the virgin’s child.
Sonja dragged the sack to the entrance of the grove. The feast would take all night and she didn’t want to take any risks. She would leave her legs inside the grove and celebrate throughout the night.
Guarding the grove this time was a mangingilaw. “You’re far from home,” Sonja said.
“I go where I am invited,” he replied.
“What did you bring?” Sonja tossed the bag to the giant’s feet.
“Something raw.”
“Of course, that’s what your kind likes. Am I late?”
“Enter, mananaggal, we have not yet started.”
Sonja sighed with relief. The opening ceremony was the best part. She left her legs by a nearby tree and soared upwards.
There she joined the flock, swirling above the trees.
Countless alibadut, abat, kubot, alan, bannog, magkukutud, kalibadut and other flying horrors moved in tandem. Without moonlight they only had their intuition to guide their sinister dance.
Accompanying this was the raucous roar of the terrestrial guests of the night. The bungisngis, kiwig and kulukupap, among many others, lent their voices to the celebration.
The ceremony ended as the king of the mangkukulam took his place on the throne of bones and blood.
Sonja was surprised how orderly everything was, each group had their own space in the grove to gather meat for the feast.
She wanted to try the different offerings and didn’t know where to start. The scent of blood from the mandurugo corner made her salivate, the clang from the pirotso’s pot signaled fresh children, there was a collection of heads by the saga-ih complete with the flesh intact.
There were also more ‘modern’ takes on the classics: Crispy dinuguan with deep fried lamang-loob, finger and eyeball bulalo and sizzling hearts with brain sauce.
Sonja was getting hungrier by the minute and she chose the spot beside her where a tigabulak stood. He was standing in front of a table with a large cutting board and a cleaver. Cries of help were echoing from the sack behind him, filling Sonja with glee. Such fresh meat prepared by a tigabulak would be quite a delicacy, he even let Sonja choose which child.
As Sonja was pointing to a small girl, about five years old, a commotion was thundering near her.
The tigabulak, visibly annoyed, said, “Who invited that here?”
Sonja flew up to see what was happening and she immediately recognized the mamam, pushing its way through the feast.
Ever since the incident many moons ago, all of the horrors decided to hide the feast from the mamam, lest the celebration turn into disaster.
The other giants like the mangingilaw and timu-timu were trying to hold it off, but the creature was unstoppable once food was placed in front of him. It would not even stop against a fellow halimaw.
Sonja could see that most were already trying to escape, taking their share of the feast with them. An alan even darted past her, carrying a small child.
Instinct told Sonja that she should run far and run fast, but she couldn’t take her eyes away from the spectacle.
It had been an hour since the mamam started its rampage. The bloodied corpses of the bungisngis and ogro decorating the slaughter. Those that stayed to guard their food were fighting a losing battle.
The mamam knew no allegiance apart from hunger.
Aswang or human, it ate them all the same.
Sonja could see clever humans taking advantage of the chaos and running for their lives. A pregnant woman even managed to slip into the forest while her wak-wak captor was distracted.
No might or magic could stop it. The king of the mangkukulam had his witches try inflicting pain on the creature but that only seemed to make it even hungrier. Two mangkukulam met their end when the mamam swallowed them whole.
In the aftermath the mamam stood. No corpses, no bones to mark the trail of its passing.
Sonja took in the carnage and fled to her legs, her stomach empty on the night of the feast.
*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
Written by Karl Gaverza
Translation by Sheila Rose Vidanes Santiago
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Sheila Rose Vidanes Santiago
Inspired by the Mamam description in Bikol Beliefs and Folkways: A Showcase of Tradition. Nasayao 2010.
Mamam Illustration by Jesus Miguel Ofalsa
FB: https://www.facebook.com/artsofperdiyo/