*Note this story is in Tagalog
Ilang taon na akong hindi nakapunta sa bahaging ito ng kagubatan.
Hindi na magmula noong nangyari ang…
Gumagalaw ang lupa habang binubuo ng tagapagsilbi ang katawan nito. Sinabi sa akin na maraming engkanto ang gumagamit nitong mga elemental na nilalang bilang mga bantay at sa tuwing nakakakita ako ng isa, inilalapit ko ang aking rosaryo at iniintindi ang babala.
Itong bahagi ng probinsiya ay nagtataglay ng mga mahahalagang alaala para sa akin.
Naalala ko noong una ko siyang nakilala, napakagwapo niya, tulad ng kanyang uri.
Dinala niya ako sa kanyang mundo at wala akong naranasan na ganoong kaligayahan noon, o kailanman.
Hindi nga lang ako simpleng kabataan. Alam ko ang mga kuwento—kung paano ang pagkain ng itim na bigas sa kanilang lugar ay magkukulong sa akin doon magpakailanman o kung paano ang pagdarasal sa nag-iisang Diyos ay magpapawala ng kanilang mahika.
Masyado akong maraming nalalaman, at napakakaunti din.
Pagkatapos, ako ay umibig.
Isang batang-isip na pagkakamali.
Kapag ang engkanto ay umibig sa tao, magsisimula itong magpakita ng pisikal na kaanyuan. Ang taong biktima (o dapat bang sabihing iniibig?) ay magkakasakit. Kapag nanligaw ang engkanto, unti-unting humihina ang katawan ng tao, hanggang sa puntong mawalan siya ng malay
Sinasabing kung ang taong iniibig ng engkanto ay namatay, ang ibig sabihin nito ay tumawid na siya sa mundo ng engkanto.
Mas malugod kong tinanggap ang kamatayan kung siya ang katabi ko.
Kami lang, magkasama.
Pero natakot ako. Hindi ko alam ang gagawin kaya ang likas kong reaksiyon ay magdasal.
Dahil doon, ang mahika ng kanilang kaharian ay nawala.
Ang tanging alaala ng kanyang mundo, ang bato-bato, ay tumingin sa akin. Ang mukha nitong hindi gumagalaw ay tila nakaukit ang bahid ng kalungkutan.
Tila kabaliwan na mag-iwan ng bulaklak sa isang alaala, ngunit nandito ako.
Siya iyon. Palaging siya iyon. Hindi ko kayang makasama ang sinuman pagkatapos ng mga araw ng pag-ibig at panganib na kasama ang engkanto.
Ang mga hindi nagtagumpay kong relasyon ay patunay ng pag-ibig na iyon.
Michael, Jaime, Simon, James…
Patuloy ang listahan.
Kailanman ay hindi nila matutumbasan ang karanasan ko sa kanya.
Kung kaya, itinapon ko ang aking rosaryo, isinuot ang aking pinakamagandang damit, at nagtungo sa kagubatan.
Nandoon ang bato-bato, ang piping saksi sa aking pagkatalo.
Nagsimula akong pumasok sa kuweba. Hindi ko alam kung ano ang dapat asahan. Isinigaw ko ang kanyang pangalan.
At pagkatapos, wala.
Ilang oras kong sinubukan na hanapin ang daan papasok sa kanyang mundo. Namaga na ang aking lalamunan, duguan ang mga kamao, lahat para sa pagkakataong masilayan ang nawala kong pag-ibig.
Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong katinding pag-iisa.
Pagkatapos ng ilang oras, kinulayan ng araw ang kagubatan ng pula at alam kong oras na para umalis.
Nagtataka pa rin ako
Iniisip niya pa kaya ako?
Ibig bang sabihin na hindi na niya ako iniibig dahil ako ay malusog pa?
Bakit hindi niya ako bigyan ng isa pang pagkakataon?
Alam ko na ang daang papasok sa kanyang mundo ay nandoon pa din sa kuweba.
Kung hindi, bakit nandoon pa din ang bato-bato?
Babalik ako, sa ilalim ng liwanag ng bilog na buwan.
Kasama ang mga dasal at agimat.
Kailanman ay hindi ko susukuan ang aking pag-ibig.
=————————–=
English Version
I haven’t been in this part of the forest in years.
Not since what happened with…
The ground moves as the servant builds its body. I was told that many engkanto use these elemental creatures as guards and every time I chance upon one, I take my rosary close and heed the warning.
This part of the province holds so many dear memories for me.
I think back at the time I first met him, he was too beautiful, as his kind always was.
He took me to his world and I had never had such pleasure before, or since.
I was no mere youth though, I knew the stories, about how eating black rice in their domain would trap me there forever or how praying to the one God would dissipate their magic.
I knew too much, and also too little.
Then I fell in love.
Such a childish mistake.
When an engkanto falls in love with a human, it will start to show physically. The human victim (or should I say lover?) will fall ill. When an engkanto courts, the human’s body becomes progressively weaker, up to the point of the human becoming unconscious.
It is said that if the subject of the engkanto’s love dies then that means he has crossed over to the engkanto’s world.
I would have welcomed death had he been by my side.
Only us, together.
But I was scared. I didn’t know what to do so by instinct I prayed.
And thus, the magic of their realm disappeared.
The only remnant of his world, the bato-bato, looked at me. Its unmoving face etched with what looked to be a twinge of sadness.
It seems crazy to leave a flower on a memory, yet here I am.
It was him, it was always him. I could never be with anyone after spending the days of love and danger with the engkanto.
My failed relationships are a testament to that love.
Michael, Jaime, Simon, James…
The list goes on.
They could never come close to giving me what I had with him.
And so, I tossed my rosary, wore my best clothes and ventured into the forest.
The Bato-bato was there, a silent witness to my lost cause.
I take the first steps into the cave. I didn’t know what to expect. I shouted his name.
And then, nothing.
I spent hours trying to look for an entrance o his world. My throat was sore, my knuckles bloody, all for the chance to see a glimpse of the lover I lost.
I had never felt so alone.
After a few hours the sun painted the forest red and I knew it was time to go.
I still wonder:
Does he think of me?
Is the fact that I’m healthy means that he stopped loving me?
Why won’t he give me another chance?
I know the portal to his world is still there by the cave.
If it wasn’t why was the bato-bato there?
I will return, by the light of the full moon.
With incantations and agimats.
I will never surrender my love.
=———————————–=
Story inspired by the Engkanto Myths
Bato-bato Illustration by Michael Sean B. Talavera
IG: @maykelshan
Deviantart: https://www.deviantart.com/isaneleach13