*Note this story is in Tagalog

“Tapos na tayo”. Tiningnan ko ang screen ng aking telepono at hindi ako makapaniwala. Akala ko ay nagbibiro lamang siya. Sa limang taong pagsasama namin, hindi ko lubos maisip na itatapon lang niya nang ganoon kadali ang lahat sa amin pagkatapos niyang makakilala ng ibang lalaki. Hindi ko maintindihan.

Dali-dali akong nagbiyahe papunta sa kanila. Mahaba ang biyahe, nakatira siya sa Maynila at ako ay manggagaling pa sa Laguna. Malayo man kami sa isa’t isa nagawan naman ito ng paraan para maging maayos kami at iyon ang alam ko. Sa buong oras ng biyahe ko, wala akong ibang naisip kundi ang mga nangyari. Saan ako nagkamali? Ako nga ba ang nagkamali? Naging malayo kami sa isa’t isa sa mga nakalipas na buwan. Ang aming mga trabaho gayundin ang layo namin sa isa’t isa ay hindi naging magaan sa aming relasyon.

Inisip ko ang mga sasabihin ko. Wala akong pakialam sa mga kailangan kong gawin, ang nais ko lang ay bumalik siya sa akin. Pinatunog ko ang doorbell nang 20 ulit para ipaalam na nakarating na ako. Nakita ko ang inis sa mukha ng ate ni Myra nang buksan niya ang pinto. “Wala rito si Myra”, ang sabi niya. Nakiusap akong sabihin sa akin kung nasaan si Myra. Tumagal din ng halos isang oras ang pagpupumilit ko nang sabihin niya na nasa look ng Maynila daw si Myra. “Madalas siyang magtungo roon para mag-isip at magmuni-muni”, paliwang ng kanyang ate.

Nagtungo ako sa look ng Maynila at doon ko siya nakita na nakasuot ng puting bestida. Ang bestidang iyon ang suot niya noong una kaming nag-date. Hindi ko malilimutan kung gaano siya kaganda ng araw na iyon. Bumaba ako sa aking sasakyan at napuna ko na mayroon siyang kausap. Kung ang lalaking iyon ang kanyang kausap, umaasa akong handa niya akong harapin. Nagpupuyos ang aking damdamin sa galit habang papalapit kay Myra.

“Mahal kita”, narinig ko ang tinig niya at parang nalaglag ang puso ko sa sakit. Hindi ito maaaring mangyari. Hindi ngayon, hindi sa ganito kadaling paraan. Sino ba ang lalaking ito para hayaan niyang masayang ang 5 taong pagsasama namin? Ayoko ng alamin ang lahat, wala na akong pakialam.

Hinawakan ko siya sa kanyang braso at sinubukang kilalanin kung sino ang kausap niya. Madilim na pero nakatitiyak akong ang kausap niya ay nasa tubig. “Huwag Raf!” sabay tulak sa akin palayo. “Kailangan mo ng umalis!
“Paano mo ito nagawa sa akin, sa atin?” Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha. Naramdaman ito ng aking pisngi at ayaw nitong tumigil. “Wala ba talaga akong halaga sa iyo?”

Maya-maya, bigla kong naramdaman na may kung anong basa ang pumupulupot sa aking leeg. Hindi ko makita kung ano ito at hindi ako makahinga dahil dito. Nagsisimula na rin akong maghabol sa paghinga dahil sa sobrang pagpulupot nito sa aking leeg. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. “Tumigil ka, mapapatay mo siya!”, sigaw ni Myra. Tingin ko ay sinubukan niya akong iligtas pero unti-unting nagdilim ang aking paningin.

Umaga na nang magising ako kung saan ko huling nakita si Myra. Hindi ko na matandaan ang lahat ng nangyari. Si Myra pati na rin ang kanyang kausap ay hindi ko na makita. Naglaho silang parang bula. Bumiyahe ako pabalik sa kanilang bahay upang hanapin si Myra ngunit hindi raw siya umuwi ng gabing iyon. Nag-aalala ako kaya sinabi ko sa kanyang kapatid na mapanganib ang lalaking kasama niya at tiyak kong hindi ligtas si Myra kung patuloy niyang makakasama ito.


English Version

“We’re over.” I stared at the words on my phone screen and I couldn’t believe it. I thought she was joking. We’ve been together for 5 years and I refuse to believe she would throw everything away just because she met some random guy. It doesn’t make sense.

I drove to her house right away. The drive was a long one, she lived in Manila and I had to come from Laguna, but we managed to make it work, at least I thought we did. All through the drive I think about what happened, what I did wrong. Was this my fault? We have been getting more distant the past few months, the distance and our work lives haven’t been the most forgiving to our relationship.

I think about the things I’m going to say. I don’t care what I need to do, I just want her back. I ring the doorbell 20 times to make sure she knows I’m there. Her sister is visibly annoyed when she answers the door. “Myra’s not here,” she says. I beg her to tell me where she is and after an hour she finally lets me know that Myra is at a spot in Manila bay. “She’s been going there a lot to think or something,” her sister explains.

I drive by the bay and I see her in her white dress. It’s what she wore on our first date. I’ll never forget how beautiful she looked then. I get out of the car and it looks like she’s talking to someone. If it’s the other guy then I hope he’s prepared for a fight. I clench my fists and my blood boils as I walk to her.

“I love you,” I hear her voice and my heart drops. This can’t be happening. Not now, not this fast. Who the hell is this guy that he just makes her drop 5 years of being with someone? I don’t care anymore I just see red.

I grab Myra by the arm and try to see who she’s talking to. It’s still dark but I think she was talking to someone in the water. “Raf no!” she tries to shove me away “You have to leave!”

“How could you do this to me? To us?!” The tears start falling down my face and they don’t stop. “Is this how little I mean to you?”

Suddenly, I feel something wet around my neck. I can’t see what it is, but I can’t breathe. I’m being suffocated and I don’t know what’s happening. “Stop, you’ll kill him!” Myra shouts and I think she tried to help me, but all I see is black.

I wake up the next morning by the bay. I still don’t know what happened and Myra and whoever she talked to is gone. I drive back to her house and her sisters say she didn’t come home last night and I’m still clueless. I’m worried and I tell her sisters. Whoever this guy is he’s violent and I don’t want her to be around that.

————————–————————–————————-

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Translated by Abigail Descartin
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Abigail Descartin

Inspired by the Siyokoy Myths

Siyokoy (Tentacled) Illustration and Watercolor by Marc Magpantay
Tumblr: Glassy-draws.tumblr.com
FB: Murcy Murc Art.

By admin