*Note this story is in Tagalog

Nararamdaman ko ang malamig na kutsilyo na nakadiin sa aking balat.

Nagsimula ito ng ika-5:30 ng hapon. Natapos kaagad ang laro ng basketball at nagmamadali ako dahil pinapauwi ako ng maaga ng aking nanay. Mayroon akong naririnig na mahinang tunog pero parang nakikilala ko ito. Tumingin ako sa aking kanan at sa puno ng santol nalaman ko ng tuluyan kung ano ito.

“Wak….wak….wak….”

Nagtagal ang tunog nito sa aking tenga at biglang naalala ko ang payo ng aking lolo’t lola, “Malayo ang Wak-wak kapag maingay ito, pero mag-alala ka kapag humina ang tunog nito, ibig sabihin malapit lang ito sa iyo.” Nanlamig ang buong katawan ko habang papasok ako sa bahay.

Ang puno ng santol ay nasa taas lamang ng tulugan ng aking mga magulang, kaya kailangan ko agad tingnan kung ano ang pinag-iinteresan ng Wak-wak. Noong nakita kong buntis yung nanay ko at nanonood siya ng TV, iyon yung puntong naintindihan ko ang lahat. Nagsimula na ang laban.

Tumakbo ako sa kusina para kumuha ng kutsilyo, magaan ito nang hinawakan ko, marahil ito ay sa kadahilanan na alam ko ang kinakailangan kong gawin. Tinago ko ito sa aking shorts, tumabi ako sa aking nanay, at naghihintay kung sakaling sumugod ang halimaw at ilabas ang pulang dila nito.

Naghintay ako nang naghintay.

Tatlumpong minuto akong nakabantay. Tatlumpong minuto rin bago ako lumabas para pakinggan kung nag-iingay pa rin ito.

Naghihintay ako pero wala akong naririnig.

Hanggang sa araw na ito, iniisip ko na baka naramdaman ng Wak-wak na handa akong lumaban at hindi agad mabibiktima ang aking nanay. Pero hanggang ngayon ako ay kinakabahan tuwing ako ay titingin sa puno ng santol, na baka may marinig ako na

“Wak….wak….wak….”

=————————————————————————-=

English version

I could feel the cold steel of the knife pressing against my skin.

It started at 5:30 pm. The basketball game didn’t take too long and my mom wanted me home early so I rushed home as soon as I could. The sound was faint, but very distinct. I looked towards my right and when I saw the santol tree I knew exactly what it was.

“Wak….wak…..wak….”

The sound rang in my ears and suddenly I was hit with my grandparents voices, “If the wakwak sound is loud then that means the creature is far, but be careful if the voice is soft, for that means it is very near.” My blood ran cold the moment I entered the house.

The santol tree was right above the bedroom of my parents, so I knew I had to see if there was anything there that the wakwak might want. When I saw my pregnant mother watching TV, that’s when I knew. The fight had begun.

I raced to the kitchen to get a knife, it felt light in my hand,
probably because I was sure of what I had to do. I hid the knife in my shorts, and sat next to my mother, waiting for the moment the monster would let loose its red tongue.

I waited.

I waited.

It was 30 minutes that I stayed on guard. 30 minutes until I ventured outside to the santol tree to hear if the voice persisted.

I waited and it was gone.

To this day, I’d like to think the creature sensed that I was ready for a fight and that my mother wouldn’t be easy prey. But there are still shivers down my spine every time I look at that santol tree, half expecting to hear a soft falsetto of

“Wak…..wak…..wak….”

=——————————————=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.

Written by Karl Gaverza
Translation by Emman Bernardino
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Emman Bernardino

Inspired by a story told by Ian Quirante

Wak-wak Illustration by Ian Quirante
FB: Ian Quirante Illustrations

IG: https://www.instagram.com/iq_artworks/

By admin