*Note this story is in Tagalog

Hindi naging madali ang negosasyon, subalit paglaon, makakakita ka ng mga sinusundang pamamaraan kung paano maiisagawa ng tama ang pagba-baratilyo. Natuto ako ng bagay na ito mula sa isang matalinong dwende na nakilala ko maraming taon na ang nakalipas habang nililinis ko ang bukid ng aking kapatid. Pinagkalooban niya ako ng apat na mahahalagang aral. Mga aralin na mahalagang gunitain sa dahilang ipinatawag ako ng datu upang magtaboy ng galit na espiritu mula sa isang puno na nais niyang putulin. Ang buhay ng albularyo ay hindi naging kapanabik-panabik ngunit kapag hiningi ng pagkakataon, wala kang masyadong pagpipilian.

 

Ang dapat malaman sa unang aral ay kung paano mo bukas palad na papakitunguhan ang iyong susunod na layunin. Maiibigay lang ang tiwala kung ito ay una mong i-aalok, lalo na kung ikaw ang nangangailangan nito. Sa ganitong pamamaraan, nauunawaan ko kung anong klaseng espiritu ang aking kakaharapin. Isang magandang halimbawa nito ay ang kwento mula sa aking kinalakihang bayan. Kung saan, dito nagmula ang unang espiritu na nakasalamuha ko.

 

Noong una, tahimik ang puno ng mga ilang sandali. Subalit kinalaunan, sinaway ako at ipinabatid na nagsasayang lang ako ng panahon. Nararamdaman ko ang mapusok na panunuya na nagmumula sa mga dahon, ang Magtitima. Nang mga sandaling iyon, napagtanto ko na hindi magiging madali ang lahat.

 

Huminga ako ng malalim at naalala ang ikalawang aral. Mahalaga na maunawaan mo ang tuntunin mo. Nabigyan ako ng disenteng alok mula sa datu bagaman hindi ko alam kung sasapat ito. Sa pagkakaalam ko, kailangan ng datu na putulin ang puno sapagkat magtatayo siya ng isang bahay. Masusi kong pinag-aralan ang hinggil sa bagay na ito, ang nais na alok ng ganitong klaseng espiritu ay puting manok na may kasamang basi, isang alak na gawa sa palay.

 

Ang pangatlong aral ay, laging ikaw ang gumawa ng unang alok. Karaniwan na sa ibang mga albularyo na maghintay, nagbabaka-sakaling makakuha ng impormasyon mula sa espiritu bago sila gumawa ng kahit na anong kasunduan. Pero tinuruan ako ng duwende ng ibang pamamaraan. Ikaw dapat ang maunang magtakda sa patutunguhan ng pagpapalitan. Kaya nagsimula ako sa mababang tawad muna, nag-alay ako ng ilang supot ng bigas.

 

Nagsimula nang maglaro sa aking palad ang Magtitima sapagkat alintana ang pagkaka-insulto nito. Ito ang tamang pagkakataon upang isagawa ang ika-apat na aral: bigyan mo sila ng paniniwalang sila ang nakakalamang. Kahit sinong bumubili ay nais maramdaman na nagkaroon sila ng magandang alok. Samakatuwid, urong-sulong ang panghihimok ko. Gusto ng espiritu ng pinaka magarang ginto at mga alahas, at mabilis kong ihihingi ng tawad sapagkat walang ganung kahalagang ambag sa kaha ng datu. Sa halip, i-aalok ko ang ilang mamahaling bato at isang pamanang punyal.

 

Maraming panahon at oras ang ginugugol ng ganitong uri ng negosasyon. Mahalaga na hindi ipaalala sa espiritu na nakikipag-usap siya sa isang hamak na mortal, kaya sinisugarado ko na hindi niya mapapansin na ako ay pinagpapawisan. Pagkatapos ng waring walang katapusan na tawaran ng alay at panalangin, sa wakas ay sumang-ayon siya sa kasunduan ng limang puting manok at pitong bote ng basi.

 

 

Ngumiti ako at ipinabatid na ang datu ay mag-aalay ng isang pagdaraos bilang pag-alaala sa kabaitan ng makapangyarihang espiritu, isang bagay na buong pusong tinanggap ng Magtitima. Sinabi ko sa espiritu na maaari siyang lumipat sa ibang puno malapit sa  ilog, na kung saan mas malaki ng di-hamak kaysa sa ibang puno sa kagubatan. Bagama’t hindi na nagpaalam, walang paglagyan ang lingas ng espiritu kaya daglian itong umalis.

 

Tumingin ako sa mga bituin at napagtanto na kalahating-araw na pala ang nakalipas mula nang nakipag-usap ako sa espiritu. Sininop ko ang aking mga gamit at tutungo sa tahanan ng datu na may dalang magandang balita, umaasa na makakakuha ng konting bagay kapalit ng abala. Datapuwa’t sa gaya kong albularyo, hindi kami humihingi ng kung ano mang kapalit bagkus, tumatanggap lang kami.

 

Ang buhay ng albularyo ay hindi naging kapanabik-panabik ngunit kapag hiningi ng pagkakataon, wala kang masyadong pagpipilian.

=————————————–=

English Version

Negotiations are never easy, but eventually you see patterns in the way the bargains are done. I learned this from a savvy dwende I met a few years ago while clearing out a part of my brother’s farm. He gave me four very important lessons. Lessons that I must recall today because a datu has contracted me to move an angry spirit away from a tree he intends to cut. The life of an albularyo is never glamorous, but when you are called, there is little choice.

The first lesson is to approach your target with an open hand. Trust must first be offered before it is given, especially when you are asking for it. This also gives me an opening to see just what kind of spirit I’m dealing with. I open with a story about my hometown and the first spirit I ever spoke to. The tree is quiet for a while before it scolds me for wasting its time. I can sense the prideful scorn emanating from the leaves. A Magtitima. I soon realize this isn’t going to be easy.

I take a deep breath and remember the second lesson. It always pays to know what your terms are. I was given a modest offering from the datu, but I don’t know if it will be enough. The datu needs the tree to be cut down to build a new house that much I know. At least I did my research, the preferred offering of this spirit is a white chicken served with basi, a rice wine.

Lesson number three is to always make the first offer. Most other albularyos would wait, trying to see how much information they could get out of the spirit before making any sort of deal, but the dwede told me a different tactic. You have to set the stage, I give a low bid of a few bags of rice to start with.

The Magtitima is insulted and plays right into my hands. The fourth lesson now comes into play: always make them think they have the advantage. Every buyer wants to feel they got a good deal, so I start the back and forth. The spirit demands only the best gold and jewels and I apologize for the lacking resources in the datu’s coffers. I counter with some precious stones and an heirloom kris.

The negotiation takes hours of time and effort. A spirit must never be reminded that he is conversing with a mortal so I make sure he doesn’t see me sweat. After what seems like an eternity haggling offerings and prayers I finally bargain him down to five white chickens and seven bottles of basi.

I smile and tell him the datu will offer a celebration in commemoration of the powerful spirit’s great generosity, something that the Magtitima agrees to wholeheartedly. I tell the spirit that it can move to another tree by the river, one that is bigger than the other trees in the forest. The spirit’s pride is too much to contain and it moves there immediately, not even saying a word of goodbye.

I look up at the stars and realize it’s been more than half a day since I started talking to the spirit. I pack up my things and head to the datu’s house with the good news, hoping that I can get something for my troubles. An albularyo can never demand payment, only accept it.

The life of an albularyo is never glamorous, but when you are called, there is little choice.

=——————————————————=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
 
Written by Karl Gaverza
Translation by Raymond Lumenario
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Raymond Lumenario

Inspired by the Magtitima entry in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Magtitima Illustration by Leandro Geniston fromAklat ng mga Anito
FB: That Guy With A Pen

By admin