*Note this story is in Tagalog
Marahil iniisip mo na ang mga isda ay palagi silang ganyan, at sa ilang kaso ikaw ay tama. Subalit may nag-iisang isda ang namumukod-tangi sa lahat, siya ang Hari ng mga isda at siya ay nakatira sa malalim na bahagi ng mga alon, gamit ang kanyang kapangyarihan upang pamunuan ang kaibuturang bahagi ng karagatan.
Karamihan ng mga tao ay nakalimutan na ang Hari ay isang kabunyian at tangkaing tanggihan siya sa kanyang nararapat, subalit kalaunan ay kanilang natutuhan na walang paglabag sa isang pinanumpaang ginawang bagay sa hari.
May isang kuwento ng magkabiyak na nagngangalang Juan at Juana na natutuhan nang mabuti ang aral na ito. Nakatira sila sa baybayin at naghintay nang mahabang panahon upang mabiyayaan ng anak.
Hindi nagtagal ngumiti ang kapalaran sa kanila pagkatapos ng maraming taon at inaasahan ang pagluwal ng bagong biyaya ng mag-asawa.
Sa panahon ng pagbubuntis ni Juana, naglilihi itong kumain ng bangus. Si Juan na kanyang maarugang asawa ay pumapalaot sa malayong karagatan makahanap lamang ng isdang kinahuhumalingan ng kanyang kabiyak.
At dumating ang araw na walang mahuling bangus si Juan. Nakaupo sa kanyang bangka, lupaypay habang iniisip na umuwing walang dala.
Sa labas ng katahimikan may isang boses ang tumawag kay Juan. Lumingon ito at sa pagkagulat nakita ang isang bangus na may suot na korona.
Ipinakilala ng bangus ang sarili bilang Hari ng mga Isda at nagtanong bakit bangus lamang ang hinuhuli ni Juan. Ipinagtataka nito kung bakit pakaunti ang mga nasasakupan nitong isda sa karagatan.
Ipinaliwanag ni Juan na ang kanyang nagdadalang-taong asawa ay naglilihi ng bangus araw-araw. Kanyang iniugnay ang kalungkutan kaugnay ng pagkawalang huli.
“Huwag kang mangamba,” sambit ng Hari ng mga Isda, “Pagkakalooban kita ng lahat ng bangus na kakailanganin mo, subalit bilang kapalit ay ibibigay mo ang iyong anak pagtuntong nito ng pitong taong gulang.”
Bakas sa mukha ni Juan ang pagkagulantang. Totoong hindi niya magagawang ipamigay ang kanyang anak sa Hari ng mg Isda subalit, iniisip din niya ang kanyang kabiyak na siya ay umuwi nang walang bitbit. Panahon pa naman kung saan mahirap makakuha ng bangus at hindi alam ni Juan kung makakahuli ba ito kung wala ang tulong ng Hari ng mga isda.
Di naglaon ay sumang-ayon na rin si Juan sa Hari ng mga Isda at, tapat sa kanyang binitawang mga salita, binigyan si Juan ng Hari ng maraming bangus na hindi niya mabilang. Sa dami nito, patuloy ang pagdadala ni Juan maging pagkatapos manganak ni Juana.
Pinangalanan nila ang supling na “Maria,” at kanila itong labis na minahal. Pagtuntong ng batang babae sa gulang na pito, nagmakaawa si Juan sa Hari ng mga isda na pakawalan sila sa binitawang pangako. Hindi nagpatinag ang Hari ng mga Isda at nagsambit lamang na, “Ang pangako ay pangako.”
At ang hari ay hindi dapat tinatanggihan.
Umuwi si Juan na wasak ang puso. Mula sa araw na iyon, pinagbawalan ni Juan at Juana ang kanilang minamahal na anak na lumapit sa dagat.
Iyan ay, hanggang isang araw, habang naglalaba sina Juan at Juana sa may ilog. May dumating na maringal na bangka. Sa karilagan nito, dinumog ng mga tao upang tingnan ang magandang tanawin. Si Maria na tinulak ng pagkamausisa, sumama sa mga tao sa dalampasigan.
Kagyat lang, isang malaking alon ang humampas sa dalampasigan at hinila si Maria.
Nagmadali ang mga taong puntahan sina Juan at Juana at sabihan ang mga ito sa nangyari, subalit huli na ang lahat. Batid nilang dalawa na kinuha ng Hari ng mga Isda si Maria.
Ganoon pa man, ang pagmamahal nila sa kanilang anak ay matatag, tuwing gabi sa loob ng maraming taon sila ay nag-aabang sa dalampasigan at umaasang maaninagan ang kanilang anak na si Maria.
At ang kanilang mga panalangin ay tinugon sa kaliwanagan ng buwan kung saan nakakita sila ng isang babae na ang katawan ay kalahating babae at kalahating bangus. Sa isang sulyap sa mahabang maitim na buhok at kanilang napagtanto na ito ang kanilang nawawalang anak, na ngayon ay habangbuhay na pagmamay-ari ng mga alon.
=———————————–=
English Version