*Note this story is in Tagalog
Matagal nang naguguluhan ang mga siyentipiko sa kakayahang lumipad ng mga bubuyog. Ayon sa isang lumang teorya mula sa pag-aaral ng aerodaynamiks, hindi dapat sila nakakalipad. Sa kasalukuyan, nadiskubre na binubrusko ng mga bubuyog ang paglipad nila. Magulo ang paraan ng paglipad nila, na tila hinati sa dalawa ang insekto. Magkaiba ang paspas ng kaliwa at kanang pakpak nito, at hindi tumutulong sa pagdali ng lipad ng bubuyog ang hangin sa paligid ng mga pakpak niya.
Halos isang dekada na nang maresolba ang mysteryo sa paglipad ng mga bubuyog, pero di ko lubos matanto kung ano ang iispin nung mga eksperto na yon kung makita nila ang nasilayan ko.
Tama nga yung matandang babae na may tililing, dito ko nga sila matatagpuan. Sigurado ako na kapag sinundan ko yung mga pakiramdam ko, sa wakas, mahahanap ko rin sila. Makalipas ang mga taon ng paghihintay at pagmumuni, masasabi ko na rin sa lolo ko na tama siya. Lahat ng kwento ng papapaamo ni Handiong sa mga ‘to at kung pano hindi na sila muling nakita ay totoo. Hindi baliw ang lolo ko at ang tropahan niya. Akala nung mga nakatataas sa kanila na yung mga kwento tungkol sa mga lumilipad na pating ay katawa-tawang produkto ng isipan lamang. Hindi na ko makapaghintay kung ano ang magiging reaksyon nila kapag napakita ko na sa kanila ang Pating na Pakpakan.
Nakakahanga ang mga pating na to. Hindi ko labis maisip kung ano ang nagpapanatili sa kanila sa hangin. Isa bang swim bladder na nakamtan nila sa pagbabago o sa pag-adjust? Kailangan kong lumapit para makita. Matatalas ang mga bato dito sa baybayin, nahiwa ako sa isang matalas na parte ng pagakyat, pero di bale. Ano naman ang kaunting dugo kung ang makakamit ko naman ay siyentipikong rebolusyon?
Nakalapit na rin ako upang makita kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga Pating na Pakpakan. Tila ang kanilang kinakain ay mga isda at ibon sa paligid. Hindi naiiba sa normal na pating ang kanilang paraan ng pagkuha ng pagkain, at lumilipad lamang sila palabas ng tubig kung may ibong sinusubukan makatakas.
Nakadepende ang mga normal na pating sa pang-amoy nila sa tubig kaya ligtas ako hangga’t hindi ako nalalaglag sa tubig. Ang pinakamalaking pating ay ang nagmimistulang pinuno nila. Ibang-iba sila sa mga regular na pating, at naisip ko na parang hindi nga magkalapit ang pagkatalino nila. Mas mukhang dolphin ang pagkilos ng mga Pating na Pakpakan.
Nasa may bangin ako para makakuha ng mas malinaw na litrato. Matutulungan ako ng ebidensya na ‘to para makakuha ng suporta na kailangan ko para sa isang kumpletong ekspedisyon. Pero may ibang plano sila. Tila kasingtalas ng pangamoy nila sa tubig ang pangamoy nila sa ere. Muntikan na kong hindi makaabot sa isang kweba.
Nasa loob pa rin ako. Pinalilibutan pa rin ako ng mga pating sa ere sa labas. Baka mapagod sila at magkaron ako ng pagkakataong makatakas.
Kung hindi, sa kung sinoman na nagbabasa nito, nakikiusap ako na ilabas nyo ang katotohanan. Naninirahan at gumagala sila rito. Wag niyong hayaang masayang ang sakripisyo ko.
————————–
English Version
Scientists have been baffled by the bumblebee for years. Using old aerodynamic theory they shouldn’t even be able to fly. Today, it has been shown that the bumblebee adopts a brute force approach to flying. Their flight is inefficient, as if the insect has been split in half. The left and right wings flap independently and the airflow around the wings never joins to help the bee slip through the air more easily.
It was a scientific mystery until only about a decade ago, but I wonder what those scientists would think if they would be faced by what I saw.
That crazy old woman was right, they would be here. I knew that if I followed my instincts that I would finally find them. Years of waiting and wondering and I can finally tell my lolo that he was right. All those stories of Handiong taming these things and how they were never seen again were true. Lolo and his platoon weren’t crazy. Their superiors thought that stories of flying sharks were silly superstition. I can’t wait to see their faces when I show them the Pating na Pakpakan.
These sharks are incredibly interesting. I can’t tell what keeps them in the air. Is it a swim bladder that they somehow evolved and adapted? I have to get closer to find out. The rocks along this cove are very sharp, I managed to cut myself on a steep part of the climb, but it doesn’t matter. What’s a little blood if the prize is a scientific revolution?
I finally got close enough to the water to see what the Pating na Pakpakan are doing. It seems like their diet consist of the birds and fish around the area. Their hunting pattern isn’t any different from regular sharks and they only fly out of the water when there’s a bird that’s attempting to get away.
Normal sharks rely on their sense of smell in the water so I was safe as long as I didn’t fall in. The largest shark in the frenzy seemed to be exhibiting leader behavior. This is different from regular sharks and I don’t think these things are anywhere close to the intelligence exhibited by those specimens. They seemed to be acting more like dolphins in their outward behavior.
I was by a cliffside to get better shots. This evidence can help me get the support I need for a full expedition. But the Pating na Pakpakan have a different plan. They seem to be able to smell in the air as well as they do in the water. I barely escaped to a nearby cave in time.
I’m still inside the cave. The sharks are circling outside in the air. Maybe they’ll get tired and I can have a chance to escape.
If I don’t, to whoever’s reading this letter, please let the truth get out. They are out here. Don’t let my sacrifice be in vain.
————————–
*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
Written by Karl Gaverza
Tagalog Translation by Ghost Kendrick
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Ghost Kendrick
Story inspired by the Ibalon (A Bikolano epic).
Pating na Pakpakan Illustration by Leandro Geniston
FB: That Guy With A Pen
Watercolor by Mykie Concepcion
Tumblr: http://