Philippine Spirits

Your Portal to Philippine Mythology

Tagamaling – Tagalog Translation

*Note this story is in Tagalog

Pinahiram ng buwan ang kanyang ilaw sa larawan ng isang masaker.
Kumpol-kumpol na laman-loob ang nagkalat sa kapatagan na parang bahay-katayan; napuno ang ere ng kaluskos ng
buto at nakakasindak na sigaw habang rumaragasa ang lagim ng isang halimaw sa aming nayon.
Ngunit, alam ng lahat na, pagkarating ng sunod na buwan, ito ay aming bibigyang panalangin. Dahil kapag ang ilaw
ng bilog na buwan ay sumapit sa nayon, ito ay nagiging isang maawain na nilalang na magbabantay sa pagtubo ng
mga inani.
Pagod na ako dito.
Bakit kailangan natin magdusa sa mga pakana ng buwan? Bakit kailangan ko muli maglibing ng kapamilya tapos
makiusap sa kanilang mamatay-tao na ako’y kanyang biyayaan? Bakit kailangan ko muli marinig ang kanilang mga
iyak sa aking bawat pagtulog, nagtataka kung ano sana ang nagawa ko para mailigtas sila?
Ang ‘maawain’ na anyo ng nilalang ay hindi naiiba sa atin, ngunit hindi ako malilinlang. Alam ko ang tunay nitong
anyo, ang nag-iisa nitong mata at mababagsik nitong mga pangil. Hindi ito makakatago sa likod ng mukha ng
kapayapaan upang maghasik lamang muli ng digmaan sa sunod na paglaho ng bilog na mukha ng buwan.
Sa pagtaas ng bagong buwan, ako ay nanunumpa.
Iwawaksi ko ang siklo ng pagdurusa. Itataas ko ang aking armas laban sa diyos na itong balimbing at pababagsakin
siya sa kanyang tuhod.
Sinusumpa ko.
Labis na ang nawala sa akin sa lagim at mga sigaw. Bawat gabi, nakikita ko ang mukha ng aking kapatid habang
nakasabit ang kanyang bankay sa bunganga ng Tagamaling. Ang kanyang huling mga sigaw ay hahabol sa akin
hanggang sa kamatayan.
Ako ay sinasamahan ng ibang mangangaso. Bawat isa ay nawalan ng kasintahan, kaibigan, kapatid, o magulang sa
kagat ng pangil ng baliw na diyos. Bawat isa ay wala nang kinatatakutan. Wala nang maiwawala.
Kaya sinusulat ko ang liham na ito para sa iyo, mahal kong anak.
Manatili kang matatag sa mukha ng kasamaan at huwag mo ikompromiso kailanman kung ano at sino ka sa kahit
kanino.
Paalam.

=———————–=

English Version

The full moon lends its light to the carnage.

Piles of human flesh strung across the plain like an abattoir, the crunch of bone and the screams of pain filled the air as the monster ravaged its way through my village.

Yet, we knew that in the next month it would have our worship. When the light of the full moon extends over our village shall it become a beneficent deity, watching over our crops like stoic sentinels.

I’m tired of this.

Why must we suffer with the whims of the moon? Why must I have to bury another member of my family and then ask blessings of their murderer?  Why must I hear their screams every time I sleep, wondering what I could have done to save them?

In their “benevolent” form they appeared much like we do, but that does not fool me. I know their true nature, their one eye and their terrible fangs.  They cannot hide behind their facade of peace only to bring war the next time the moon rears its next full face.

With the rise of the new moon I make a vow.

I will end this cycle of torment. I will raise arms against this confused god and bring it down to its knees.

I will.

I have lost too much to the terror, to the screams. Each night I can only see the face of my brother as he hung from the mouth of the tagamaling. His last scream will haunt me until the end of my time.

I am joined by the other hunters, each has lost a lover, a friend, a sibling or a parent to the maw of the mad god. Each has nothing left to lose. Not anymore.

So I write to you this letter, my beloved son.

Always keep yourself strong in the face of evil, and never compromise who and what you are to no one.

Goodbye.

=————————=

*Tagalog is an Austronesian language spoken as a first language by a quarter of the population of the Philippines and as a second language by the majority. Its standardized form, officially named Filipino, is the national language of the Philippines, and is one of two official languages alongside English.
Written by Karl Gaverza
Translation by Cielo Manatad
Copyright © Karl Gaverza
Translation Copyright © Cielo Manatad

Inspired by the Tagamaling description in Creatures of Philippine Lower Mythology. Ramos. 1971.

Tagamaling Illustration by Jowee Aguinaldo.